Chapter 55: Mourn
Aria's POV
Nakatulala lang ako dito sa kwarto. Malalim ang iniisip. Walang ginagawa kundi tumitig kung saan-saan. Iniisip ko kung ano na ang mangyayari sa buhay 'ko. Wala na sa akin ang lahat. Wala na akong pamilya, asawa at ngayon nawalan din ako ng anak. May rason pa ba para mabuhay ako? Dapat siguro sumunod nalang din ako sa anak ko para magkasama na kami.
"Aria ginawa talaga namin ang lahat para mailigtas ang anak mo pero hindi niya na talaga kinaya. I'm really sorry for that." Paliwanag ni Dra. Smith sa akin.
"Hindi niyo ginawa ang lahat dahil kung ginawa niyo ang lahat dapat hindi namatay ang anak ko dapat ngayon buhay siya." Nakita 'ko ang pagsilay ng lungkot sa mga mata ng doktor.
"Aria hindi rin namin gusto na may buhay na mawala. Hindi mahigpit ang kapit ng bata sa sinapupunan mo kaya nakunan ka. We really try to revive your child but her organs is not fully develop. Yung puso niya mahina pa kaya hindi niya talaga kinaya. Siguro kung naagapan na nadala ka kaagad dito ay may posibilidad na mabuhay pa ang anak mo. Pero base duon sa mga test na ginawa sayo at sa bata mahigit treinta minuto ng patay ang baby sa tiyan mo." Ganun ba talaga ako nagtagal sa baniyo bago dumating si Raine at Derrick?
Siguro kung pumunta si Keith sa condo at naniwala siya sa akin na naaksidente ako baka ngayon buhay pa ang anak namin. Kung pinuntahan niya lang sana ako noong naghingi ako ng tulong hindi sana mangyayari 'to. Kung ako lang sana ang inuna niya bago yung Megan na yun siguro ngayon kasama ko pa ang baby ko. Pero hindi niya kasi ginawa. Hindi niya kasi ako inuna.
"Aria I'm really sorry again." Huli niyang turan bago lumabas ng kwarto.
Gusto ko sisihin ang mga doktor dahil hindi nila nabuhay ang anak ko. Gusto ko sisihin si Keith dahil hindi niya agad ako pinuntahan para tulungan. Gusto ko sisihin ang Diyos dahil sobrang sama niya sa akin. Pero ngayon mas higit kong sinisisi ang sarili 'ko.
Kung naging maingat lang sana ako, hindi mangyayari lahat ng 'to. Hindi sana mamamatay ang anak ko kung hindi ako naging pabaya. Kasalanan 'ko 'to. Ako ang dapat sisihin sa pagkamatay ng anak ko. Ako ang may kadalanan ng lahat ng 'to.
"Aria inaasikaso na ni Derrick yung funeral ni Attiya. Mamaya pwede na tayong pumunta duon sa Chapel." Lumapit si Raine sa akin at umupo sa harapan 'ko.
"Salamat." Simpleng sagot 'ko.
"Gusto mo bang tawagan ko si tita at tito para malaman nila yung nangyari sayo? Pati si Keith tatawagan ko narin para makapunta din sila sa burol ng anak mo."
"Hindi na Raine. Wala naman silang pakialam sa akin. Tinakwil na nila ako at si Keith iniwan niya na ako diba. Ibig sabihin hindi na nila ako mahal. Ayaw kong malaman nila na nawalan ako ng anak dahil baka matuwa pa sila dahil nakarma na ako. Ayaw ko na makita na masaya na si Keith dahil nawala na ang anak namin. Ibig sabihin kasi nun wala ng sagabal sa kanila ng kapatid ko. Kaya ayos lang na tayong tatlo nalang ang nakakaalam. Isang araw ko lang naman ipapaburol ang anak ko kaya hindi na nila kailangan pang malaman." Malungkot 'kong saad sa kaniya.
"Sigurado ka ba diyan Aria? May karapatan si Keith na malaman na namatay na ang anak niyo kasi siya yung ama."
"Karapatan?! Tss. Wala siyang karapatan Raine. Sa simula palang hindi niya na ginawa ang mga responsibilidad niya bilang ama sa anak ko. Hindi nga niya matanggap na anak niya yun. Noong kailangan namin siya nasaan siya? Raine nanduon siya kay Ate! Hindi niya magawang bigyan kami ng oras. Tapos ngayon ano? Ako nagluluksa dito habang siya nanduon sa kapatid ko, masayang nagpaplano ng kasal nila."
Naghahalo ang lungkot, galit at inis sa akin ngayon. Ngayon na naalala ko lahat ng mga ginawa niya sa akin, sa amin ng anak niya. Parang gusto ko siyang hanapin para sampalin at ipamukha sa kaniya na napakawalang kwenta niyang lalaki. Napakawalang kwenta niyang ama.