Chapter 41: Stress
Aria's POV
"Nasaan si Mom and Dad?" Bumaling agad ako kay Keith ng marinig ko ang boses niya.
Gising na pala siya. Ang tagal niya rin kasing nakatulog dahil sa itinurok sa kaniya kanina.
Iniwan ko muna ang inihahanda kong pagkain at lumapit sa kaniya para alalayan siyang makaupo.
"Nasaan sila?" Tanong niya muli.
"Si Tita and Tito umuwi na. May aasikasuhin pa kasi sila. Si Gian naman pumasok na sa trabaho." Simpleng sagot 'ko.
"Si Megan? Nasan naman siya?"
Hindi ako nagkamali. Hahanapin at hahanapin niya talaga si Ate. Nakitang wala na nga hahanapin pa.
"Si Ate umuwi na rin. May jetlag pa yun." Walang gana 'kong sagot.
"Jetlag?" Nagtatakang tanong niya.
"Oo. Kakauwi niya lang kasi galing sa London. Dumaan lang siya talaga dito."
"London? Anong ginawa niya 'don?" Mas lalong nabakas sa mukha niya ang pagtataka.
"Hindi ko alam. Pagkatapos nung aksidente na nangyari sa atin umalis nalang siya bigla."
"Bakit naman niya naisipang umalis?"
Gustong-gusto ko ng umirap dahil sa dami niyang tanong tungkol kay ate kaso lang pinigilan ko nalang ang sarili ko. Baka isipin niya pa ayaw kong sagutin yung mga tanong niya, which is true naman.
"Ayaw niya na daw makadagdag sa problema ko kaya umalis nalang siya noon."
"Pinaalis mo siya?!" Nabigla ako sa tanong niya. Inaakusahan niya ba ako? How dare him?
"Hindi noh. May sarili siyang utak, kaya niyang magdesisyon para sa sarili niya. Anong tingin mo sa 'kin ipagtatabuyan ko siya?" Halata na sa boses ko ang pag ka bitter. Letse naman kasi nag mukha pa akong kontrabida.
"Hindi naman siya aalis kung hindi mo pinaalis."
"My ghad Keith! Sinabi ko na sayong hindi ko siya pinaalis. Wala akong ginawa para maging dahilan ng pag-alis niya. Siya yung nagdesisyon para sa sarili niya at hindi ako ang nagdikta sa kaniya. So please stop accusing me."
Grabe! This is the first conversation we had after he wake up from his unconciousness tapos away agad! Haaayyy nako! Iuntog ko kaya 'to sa pader baka maalala na ako.
"I'm sorry." Paghingi niya ng paumanhin.
"Tss. Kumain ka na nga lang. Isang taon ka rin hindi nakatikim ng pagkain."
Kinuha ko na yung kaninsa lamesa at nilagyan ko na ng ulam. Buti mainit pa rin yung sabaw. Nagtalo pa kasi kami kaya ayan tuloy na delay pa yung pagkain niya.
"Oh nganga." Utos ko sa kaniya habang hawak-hawak yung kutsara na may lamang kanin.
"Ako na. Kaya ko naman." Reklamo niya.
"Ako na! Huwag kang makulit ahh. Nganga."
Tumingin muna siya sa 'kin at nagdalawang isip pang ibuka ang bibig niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Ang arte-arte. Siya na yung sinusubuan ayaw pa. Ihampas ko kaya sa ulo niya 'tong kutsara.
"Kumain ka ng marami para lumakas ka na at ng makauwi na tayo."
Tumango lang naman siya dahil puno ang bibig niya ng kanin, hindi makapagsalita.
Nung naubos niya na. Pinainom ko na sa kaniya yung tubig pati narin yung mga gamot na nireseta ng doctor.
"Ikaw yung nagluto? Ang sarap."
Tanong niya habang pinupunasan ang labi niya.