#19: Pain

3K 54 2
                                    


Chapter 19: Pain

ARIA'S POV

"Hmmmm...Hmmmmm" Para akong tangang hum ng hum habang nagluluto at may kasama pang pagkembot.

"Huy! Baliw ka na ba? Ano bang nangyayari sayo at parang tanga ka diyan ay mali tanga ka naman pala, matagal na." Saway sa akin ni Raine. Pinapunta 'ko kasi siya dito sa condo ni Keith.

"Masama bang maging masaya?" Natatawa 'kong tanong sa kanya kaya napa iling nalang siya dahil sa inaasta 'ko. Para akong teenager na nakita yung crush niya kaya masyadong good vibes.

"Don't tell me may nangyari na sa inyo ni Keith? Nahawakan mo na ba yung abs? Natikman mo na ba yung manhood niya? Ano malaki ba? Masarap ba? Sa loob ba niya pinutok or sa labas?"

"Kadiri ka talaga. Ang pervert ng isip mo. Wala pang nangyayari saamin ni Keith. Birhen pa ako noh." Medyo maarte 'kong sagot sa kanya.

"Ay sayang naman. Akala ko pa naman mararanasan mo na ang totoong romansa." She pause for a while before she continued. "Alam mo dapat binibigay mo na yang virginity mo kay Keith eh. Mahirap na baka maghanap yan ng iba at iwan ka. Pero wala naman talaga kayong relasyon diba. Hindi nga kayo committed na kayo. Kahit mag-on manlang. Para lang kayong roommates. No relationship."

Oo nga noh. Wala pala kaming commitment ni Keith basta ang alam 'ko lang mahal 'ko siya at mahal niya ako...siguro.

Mabilis 'ko ng binalot ang niluto 'kong ulam para kay Keith. Pupunta kasi ako sa company nila para hatidan siya ng meryenda, sana magustuhan niya.

"Tara na nga ihatid mo na ako kay Keith baka gutom na yun."

"Oo gutom na yun. Gutom na gutom na dahil hindi mo pinapatikim ang katawan mo sa kanya."

"Sira ka talaga. Tara na nga."

"Kaya pala pinapunta mo ako dito para gawin mo lang na driver mo. Ang sama mo talaga."

Tinatamad kasi akong magdrive kaya tinawagan 'ko talaga siya pero hindi 'ko sinabi sa kanya na magpapahatid ako dahil sigurado naman akong hindi yan papayag.

****

"Thank you Raine. Inggat ka sa pada-drive." I said then wave at her.

Pagkatapos niyang paandarin yung kotse niya pumasok na rin ako sa loob ng company nila Keith. Sana matuwa siya na nandito ako ngayon.

Tinanong 'ko muna 'kung anong floor ang opisina ni Keith at sinabi naman agad nung babae sa lobby.

25th floor

After 10739264937 years tumigil na ang elevator mabilis 'ko ng hinanap ang office ni Keith buti nalang may nakita akong room na may nakalagay sa labas na Mr. Keith Harizon Office kaya kumatok na ako pero wala namang nagbubukas ng pinto para sa akin.

Pinihit 'ko nalang ang door knob. Buti nalang hindi naka lock. May tao ba talaga dito? Parang ang tahimik naman masyado. Parang may kakaibang ambiance ang room na 'to. Weird.

Naglakad nalang ako dirediretso hanggang sa marating ang table ni Keith.

"Keith pinagluto kita------" Hindi 'ko na natuloy ang sasabihin 'ko at ang dala 'kong pagkain ay nabitawan 'ko dahil sa gulat. Bakit? Bakit niya 'to ginawa? Ano bang kasalanan ko sa kaniya?

Mabilis ang pagpatak ng luha mula sa mata 'ko ng makita si Keith na may magandang babae na nakaupo sa lap niya at nakapulupot ang mga braso nito sa leeg niya. He cheated on me.

"Aria?" Gulat na tanong niya sa akin pati naman ang babaeng kalandian niya ay napatinggin narin sa akin.

Hindi 'ko na siya hinintay na magpaliwanag pa. Bumaba na agad ako at sumakay sa isang taxi. Naramdaman 'ko nanaman ang kirot na dati na niya sa aking pinaramdam.

Ang sakit. Ang sakit sakit.

Wala akong karapatang magalit dahil wala namang kami. Pero letseng puso 'to, bakit ka nanaman ba nasasaktan?

Dahil ba hindi 'ko pa kayang ibigay ang sarili 'ko sa kanya kaya siya nangbabae? Dapat sanay na ako sa pambababae niya diba kasi ayun naman talaga siya eh. Playboy. Pero bakit parang unang beses 'ko pa lang nasaktan ng dahil sa kanya? Dapat nga manhid na ako eh kasi nagawa na niya sakin dati 'to.

Akala 'ko pa naman pinapahalagahan niya ako. Akala 'ko mahal niya parin ako. Pero nagkamali nanaman ako. Ako pala 'tong si tanga na nagmamahal ng mag-isa sa taong tinitignan lang ako na walang halaga.

Bakit ba kailangan maulit ang nangyari sa nakaraan? Bakit ba kailangan paulit-ulit niya akong saktan? Tao ako at nasasaktan din naman yung puso 'ko.



Pagkababa 'ko ng taxi dumiretso na agad ako sa condo ni Keith. Kailangan 'ko lang kunin ang ibang gamit 'ko.

I can't help myself but to let my tears fall. Hinayaan 'ko nalang na lumabas lahat ng luha na pwedeng lumabas sa mga mata 'ko.

Napapagod na ako. Lagi nalang akong nasasaktan at niloloko. Hindi 'ko na to kaya pa. I need to let myself free..free from all the pain he always caused.

Pagkatapos 'kong ayusin ang mga gamit 'ko umupo muna ako sa couch at hinintay si Keith na dumating para pormal akong makapagpaalam.

Naramdaman 'kong bumukas ang pinto pero hindi ako naglakas ng loob para tignan kung sino man ang pumasok dahil alam 'ko naman na kung sino 'yun.

Nanatili lang ako sa kinauupuan 'ko habang nakayuko. Hindi 'ko muna siya tinignan dahil siguradong mas masasaktan lang ulit ako.

"Babe let me explain." He said while he's holding my hands and kneeling in front of me.

"Mali yung iniisip mo-----" Hindi 'ko na hahayaang magpaloko nanaman sa kanya. Anong aasahan niya sa akin na maniniwala ako sa palusot niya? Lahat naman ng lalaki natututong gumawa ng kwento kapag nakagawa na ng kasalanan.

"You don't need to explain. Wala naman 'tayo' diba? Isa lang 'tong agreement between us. Wala 'ka ngang mapapala dahil sa pagpayag mo na maging fake na asawa kita diba? Kaya wala 'kang dapat ipaliwanag. Dapat nga magsorry pa ako sayo kasi dinamay kita sa problema 'ko at nagulo 'ko pa ang buhay mo. Sorry." Pinipigilan 'ko ang pagpiyok 'ko dahil sa garalgal 'kong boses dala sa pag-iyak pero hindi 'ko parin natago.

"No Aria. You don't need to say sorry. You have a right to be mad at me because you are my wife."

"Don't fool yourself Keith. We both know that this is only a fake relationship between us."

"I know but I treated you as my true wife."

Tumayo na ako at tinalikuran na siya. Hindi 'ko na siguro kakayanin pang magtagal na kausap 'ko siya dahil lalo lang akong masasaktan.

Naramdaman 'ko ang pagyakap niya mula sa likod 'ko. Dahil walang pakisama 'tong mga mata 'ko tumulo nanaman ang mga luha 'ko. Hindi pa ba sila nagsasawa sa pagpatak. Baka madehydrate na ako dahil naubos na lahat ng tubig sa katawan 'ko dahil sa pesteng pag-iyak 'ko.

"Please don't leave me Aria. I love you so much and I will love you forever." Forever? Walang forever saming dalawa.

Hinawakan 'ko ang kamay niya at dahan-dahang tinanggal ang mga bisig niya sa pagkakayapos sa akin.

"Aria baka ikamatay 'ko kung mawawala ka nanaman sa akin. Please." Maging siya ay umiiyak na rin. Pero hindi ako sigurado kung totoo ba yung mga luhang pumapatak sa mga mata niya ng dahil sa lungkot o baka naman tears of joy kasi makakalaya na siya mula sa akin?

Pakiramdam 'ko ako pa ang may kasalanan sa mga nangyayari sa amin ngayon. Hindi ako deserving na mahalin ng kahit na sino dahil wala akong kwentang tao. Inaamin 'ko, manggagamit ako. Ginamit 'ko si Keith para lang makaligtas sa problema 'ko kaya nakasira pa ako ng buhay ng may buhay at mas nagkagulo pa ang lahat. Mas lalo lang akong nasaktan sa sitwasyon ko ngayon.

I wipe his tears using my tumb and hold his chin to lift it up to me.

"I love you. I really love you and because of this love we are both suffering in pain." I sadly said then gave him a kiss on his lips.

"Please stay with me." Nauutal niyang pagsusumamo sa akin.

"I'm leaving you beacause I need to. I'm not leaving you beacause I want to."

****

A/N: Thanks for the reads  ^___^

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon