#50: Again

1.5K 38 4
                                    

Chapter 50: Again

Aria's POV

Bumisita ako ngayon sa coffee shop namin ni Raine. Parang hindi na nga ako owner ng shop na iyon dahil wala na akong natutulong kay Raine.

"Kamusta na 'tong shop mo? Mukhang gumaganda ahh." Hinigit ko ang isang upuan sa table at umupo ako dun.

"Hoy correction, coffee shop natin 'to hindi coffee shop ko lang. Kamusta na pala yung asawa mo?" Umupo siya sa harap ko at ibinigay sa akin ang isang frappe.

"Hindi niya parin ako maalala." Simpleng sagot ko bago uminom ng frappe.

"Puntahan ko kaya siya tapos iuntog ko sa pader baka maalala ka na nun. Grabe naman kasi ang pagkakataon, sa lahat ng pwedeng paglaruan kayong dalawa pa talaga." Wala naman na kaming magagawa. Nagyari na ang dapat mangyari at hindi na yun mababalik.

"Hayaan nalang natin." Walang gana kong sagot sa kaniya.

"Hoy anong hayaan nalang? Tumawag ako kay Gian nung nakaraan at may nasagap lang naman akong balita." Nagcrossed pa siya ng braso at pinagtaasan ako ng kilay.

"Ano naman yun?" Tanong ko kahit alam ko naman na ang nasagap niyang balita.

"Yung kapatid mo, haliparot din talaga eh no. Kitang hindi na makaalala yung tao nagtake advantage pa. Ano hinahayaan mo nalang sila magkita ngayon?" Naiinis niyang bulalas.

"Hindi. Hindi ko alam kung nagkikita ba sila. Hindi naman ako kinakausap ni Keith. Hindi niya na ako pinapansin."

Simula nung pangyayari sa airport hindi na niya ulit ako kinausap. Dedma nalang siya sa presence ko. Parang wala na lang ako sa kaniya.

"Ay bhes ang tanga mo! Malamang nagkikita yung dalawang yun. Malandi yung kapatid mo diba malamang inakit na nun yung asawa mo. Ang dapat gawin mo itali mo si Keith sayo hangga't hindi ka niya naalala huwag mo kalagan." Hindi naman siguro gagawin ni Ate yun. Nakita ko naman na nagbago na siya. Hindi na siya kagaya nung dati mas better na siya ngayon.

"Alam mo pinsan ang dapat mong gawin kausapin mo yang kapatid mo. Bantaan mo na kapag nilandi niya yung asawa mo gigilitan mo siya ng leeg hanggang sa maubos yung dugo niya." Hindi ko alam kung seseryosohin ko yung mga sinasabi nito ni Raine. Minsan kasi wala namang kwenta.

"Lumipat ka na daw ng bahay. Saan?" Pag-iiba ko ng topic.

"Ahh oo kalilipat ko lang last week diyan sa apartment sa kanto para malapit dito sa shop." Paliwanag niya habang tinuturo niya sa bintana yung malaking apartment sa labas.

"Bakit ka naman lumipat? Ayaw mo na ba sa bahay namin?"

"Hindi naman sa ayaw ko na dun. Gusto ko lang maging independent. Ang laki-laki ko na tapos nakikitira pa ako sa inyo. Plus nagsasawa na ako sa pagmumukha nung demonyita mong kapatid." Nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha ni Raine nang naalala nanaman niya si Ate.

"Ano bang ginawa sayo at ganiyan ka kainis sa kaniya?" Tanong ko.

"Wala pero naamoy ko kasing malandi siya at anak siya ng kung sino mang demonyo na nasa ilalim ng lupa. Bait baitan lang yang kapatid mo pero hindi parin yan nagbabago kaya wag ka magtiwala."

"Ayaw ko kay Ate pero nakikita ko naman na nagbabago na siya." Pagdi-depensa ko kay Ate.

"Nagbabago ka diyan? Sumasama lalo ugali niyan. Akala mo kung sinong anghel pero pagnakatalikod ka sigurado akong tinutubuan yan ng sungay at buntot." Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya kay Ate pero hindi ko naman din siya masisisi kasi masama naman talaga ugali ni Ate dati.

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon