Dumiretso si Pepe sa paboritong niyang computer shop pagkatapos ng klase. Hindi niya schedule magtinda ngayon kaya pwede siyang mag-internet. Nagbabakasakali din siya na may makitang impormasyon tungkol sa Aswang Hunter at sa mga Aswang.
Maraming istorya siyang nakita. Mga movie na tungkol sa mga vampires at mga espesyal na palabas tuwing Araw ng mga Patay. Paborito ng pamilya ni Pepe panoorin ang mga iyon nong mga bata pa sila pero hindi na sila nakakapanood mula nang maging OFW ang tatay niya.
Mayroon din siyang nakita na mga blogs at iba't-ibang artikulo na patungkol sa aswang pero kagaya din ito ng dati, walang bago. Wala rin tungkol sa Aswang Hunter. Inalala din ni Pepe ang mga kwento na narinig niya sa kanyang mga lolo at lola. Sabi ng lolo niya ang mga aswang daw ay nagbabago ng anyo. Pwede daw ito maging baboy, aso o kahit anong gusto nito. Pero iba ang mga naranasan niya.
"Malabo ang mga kwento ni lolo at lola, mahirap paniwalaan. Sa aking mga naranasan parang mga zombie ang mga aswang. Maitim at makapal ang balat nito. May mga pangil at mahahabang kuko. Malago rin ang buhok," isip ulit niya habang nakaupo at nakaharap sa monitor.
Pero may kakaiba siyang naalala. Ang sopistikadong lalaki, yung humabol sa matanda na nagbigay sa kanya ng lukbutan. May kakaibang kapangyarihan ito at mukang nakakatakot at malakas. Ilang minuto pang nagbasa si Pepe pero bago siya umuwi ay naglog-in muna siya sa kanyang Pesbuk. Tinignan niya ang ilang post ng kanyang mga kaibigan at tinignan ang Pesbuk profile ni Pia. "Ganda talaga niya," bulong ni Pepe. Tulad ng dati tungkol sa mga quotes ng mga sikat na author ang mga post ni Pia.
"Books were safer than other people anyway."
― Neil Gaiman
"Ang lungkot naman. Naniniwala kaya talaga siya doon?" tanong ni Pepe. Naisip niya na baka iyon ang dahilan kung bakit laging mag-isa si Pia. Tinitigan ni Pepe ang "Like" button at nagbalak pindutin ito pero hindi niya tinuloy. Naglog-out na siya at umuwi ng bahay.
Nakatulog agad si Pepe ng gabing iyon. Paggising niya ay nag ayos na agad siya para pumasok. Syempre dala niya ang lukbutan kahit saan.
"Anak, Ingat ka ha! I love you!" sigaw ng nanay niya. "Bye Ma!" sagot ni Pepe habang palabas ng bahay.
Tulad ng dati naglakad lamang si Pepe. Habang naglalakad ay tinitignan niya ang mga babaeng nakakasalubong niya. Kinikilatis niya ito at pasimpleng aamuyin. Maputing buhok, balingkinitan na katawan at eyeglasses. Ayan ang palatandaan ni Pepe sa Aswang Hunter. Hindi niya alam na nasa likod niya si Jane at kanina pa siya sinusubaybayan. Nakita nito kung paano humabol ang tingin ni Pepe sa mga babae at kung paano nito ilapit ng bahagya ang kanyang ilong.
"Grabe! Ang manyak mo!" sabi ni Jane sabay batok kay Pepe, "Pigilan mo nga yang hormones mo!" dagdag pa nya.
"Anong manyak? Wag ka ngang maingay!" sagot ni Pepe. "E kung makatitig ka sa mga babae parang gusto mo na silang kainin! Kanina pa kita sinusundan!" sabi ni Jane.
"Sinusundan mo ako?" tanong ni Pepe.
"Ibig kong sabihin, nakita kita kanina tapos may kakaiba kang kinikilos kaya sinundan na lang muna kita. Anong feeling mo? Type kita?" pagalit nitong sagot.
"Pwede! Pogi naman ako diba?" sagot ni Pepe.
"Kwento mo sa pagong! Manyak!" painis na sagot ni Jane. "Ang OA mo naman magreact. Grabe ka! Hindi ako manyak no!" pagtatangol ni Pepe. "Sige sigaw mo pa!" sagot ni Jane.
"May hinahanap lang ako," bulong ni Pepe kay Jane habang tumitingin tingin sa mga babae. "Ah ganun! At sino naman hinahanap mo ha?" tanong ni Jane. Bigla namang kumabog ang dibdib ni Pepe at narinig niya ang tinig ng Aswang Hunter.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...