Nanlaki ang mata ni Pepe. Sa harap niya ngayon ay isang tunay na sandata na maari niyang gamitin laban sa mga bal-bal at aswang hindi tulad ng kanyang suka.
Ang katawan ng sandata ay kulay itim at kapansin pansin ang ilang letrang baybayin na nakasulat dito. Mula sa katawan hangang sa dulo at may haba itong limang talampakan. Sa simula ng ulo nito mayroong pulang tali na nakalawit na sinusundan ng mahaba at maitim nitong tulis.
"Napakaganda!" sabi ni Pepe sa kanyang isip.
"Maganda talaga yan!" sagot ng matanda habang hawak-hawak ang sibat sa kanyang dalawang kamay.
Napatingin si Pepe sa mata ng matanda. Ngayon lang bumaon sa kanyang isip ang mga nangyari at naalala niya ang sanabi ng matanda kanina.
"Psychic po kayo?" sabi ni Pepe.
"Obvious ba?" sagot ng matanda sa isip ni Pepe habang nakangisi.
"Wow! Paano nyo po nagagawa iyan?" sabi ni Pepe.
Pumikit ang matanda at huminga, "Mahabang paliwanagan yan. Hawakan mo na ang sibat!" sagot ng matanda sa isip ni Pepe.
Bumalik ang tingin ni Pepe pabalik sa sibat. Inilapit niya ang kanyang kanang kamay dito subalit bago pa man ito lumapat ay lumabas ang maraming guhit sa sibat, mistulang nahahati ito sa maliit na piraso pagkatapos ay nawala itong parang bula.
Nagsalubong ang kilay ni Pepe sa nangyari at napalingon kay Elena at sa matanda.
"Tawagin mo na ng iyong bagong sandata," sabi ng matanda.
"Tawagin? Paano ko po tatawagin?" sabi ni Pepe.
"Pepe," tawag ni Elena, "ang sibat na regalo sayo ni Lola ay naka-Marka na sa braso mo. Ang Pagtawag ay ang proseso ng pag labas ng sandata mo mula sa Marka. Kaya binigyan ng pangalan ang sandata ay para matawag mo ito at magamit."
"Aaaah.. So tatawagin ko siya gamit yung pangalan na binigay ko?"
"Oo," sagot ni Elena.
"Sige, tatawagin ko na," sabi ni Pepe.
"Sibat ng Katarungan," sabi ni Pepe subalit walang nangyari. Napatingin si Pepe sa matanda na tumango lamang sa kanya.
"Sibat ng Katarungan!" sigaw ni Pepe subalit wala ulit nangyari.
Lumingon si Pepe kay Elena, "Bakit wala?" tanong ng mukha niya.
"Lakasan mo," sabi ni Elena.
Inayos ni Pepe ang kanyang tayo. Huminga siya ng malalim at ipinikit ang kanyang mga mata.
"SIBAT NG KATARUNGAN!"
Nanahimik ang buong paligid sa sigaw ni Pepe at tanging ang tibok ng puso lamang niya ang kanyang naririnig. Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mata subalit walang sandata na lumabas sa kanyang harapan. Kita ni Pepe ang ngisi sa mga labi ng matanda at ang kamay ni Elena na nakatakip sa kanyang mga labi.
Napailing si Pepe at nagsimula ng mainis sa kanyang sarili. Para bang walang siyang kakayanan at may sablay lagi sa kanyang ginagawa.
"Elena, ipakita mo," utos ng matanda.
Tinanggal ni Elena ang kanyang kamay sa kanyang bibig at humakbang papalayo.
"Rose," bulong niya kasabay ang ikot ng kanyang kamay paitaas mula sa baywang, at bago pa man dumating ang kanyang kamay malapit sa kanyang mukha ay nabuo na ang isang baril mula sa maliliit na puting rosas.
"Dahlia," sabi ni Elena at katulad ng ginawa niya kanina ay nabuo ang isang baril mula sa mga maliliit at itim na bulaklak bago pa man tumigil ang kamay niya sa kanyang mukha.
'Astig talaga si Elena! Ganda pa!" sabi ni Pepe kanyang isip habang nakatingin sa makisig at sexy na pose ni Elena.
"Bata," tawag ng matanda.
Lumingon si Pepe sa matanda na sa ngayon ay itinataas ang kanyang kaliwang kamay, "Armando," sabi niya pagkatapos ay inihambas niya ang kanyang kaliwang kamay pakaliwa sa kanyang tabi at lumabas ang baston. Ang baston na pinanghampas niya kay Pepe, at biglang naging isang latigo.
Isang boses ang pumasok sa isipan ni Pepe, "Ano? Anong sasabihin mo?" sabi ng boses ng matanda.
"A-Astig ka po Lola," sabi ni Pepe na may halong nginig sa kanyang boses.
"Baka kasi isipin mo eh niloloko ka namin kaya pinakita namin sayo kung paano. Pero tulad ng sinabi ko, mahina pa ang spiritual energy mo kaya hindi mo pa matawag ang sandata mo," paliwanag ng matanda.
"Eh ano po ang gagawin ko para lumakas ang Spiritual Energy ko?" sabi ni Pepe.
"Elena, ang Dignum" sabi ng matanda sabay wasiwas ng kanyang latigo na naglaho bigla pagkatapos ng kanyang galaw. Nilingon ni Pepe si Elena at hindi na din nito hawak ang kanyang baril.
Inilapit ni Elena ang itim na kahoy na ginamit ng matanda sa braso ni Pepe.
"Rosario," bulong ng matanda at isang itim na kutsilyo ang lumabas sa kanyang kaliwang kamay. Hinawakan niya ang itim na kahoy at itinusok ang kanyang itim na kutsilyo. Parang cake na inukit ng matanda ang isang parihabang piraso mula sa kahoy. Nang mahiwalay na niya and maliit na piraso ay tinusok ito ng matanda at binutasan.
Inabutan ni Elena ng tali ang matanda.
"Ano po iyan?" tanong ni Pepe habang nanood.
"Ito ay Dignum. Isang makapangyarihang elemento. Ito ang dahilan kung bakit maraming bansa ang sumakop sa ating bayan. Papalakasin nito ang iyong spiritual energy," sabi ng matanda habang tinatalian ang piraso ng kahoy.
"Isuot mo ito," sabi ng matanda habang inaabot kay Pepe ang kwintas.
"Salamat po," sagot ni Pepe. Inabot niya ang kwintas at isunuot ito sa kanyang leeg. Nanahimik siya at nakiramdam.
"Anong nararamdaman mo ngayon?" sabi ng matanda.
Nanahimik si Pepe at pinikit ang kanyang mata, "wala po," sagot niya.
Kumabog ang dibdib ni Pepe dahil wala siyang kakaibang nararamdaman. Naisip niya na baka hindi gumana ang kwintas sa kanya at hindi na lumakas ang kanyang spiritual energy. Sasablay nanaman ata siya. Minulat niya ang kanyang mga mata. Sa harap niya, nandon pa rin ang matanda pero ngayon si Elena ay katabi na nito at nakatingin sa kanya.
Bumuka ang bibig ni Elena at ang basa dito ni Pepe ay "Tawagin mo na."
Huminga ng malalim si Pepe at tumayo siya ng maayos. Inunat niya ang kanyang katawan at winasik ang kanyang dalawang braso at kamay. Ipinikit niya muli ang kanyang mga mata ang nag isip. Sa madilim na kwarto ng kanyang isip ay inalala niya ang kanyang sandata at buong lakas siyang sumigaw.
"Sibat ng Katarungan!"
Minulat niya ang kanyang mata at isang sibat ang nabuo sa kanyang harapan. Inabot niya ito subalit hindi umabot ang kanyang kamay at nalaglag ito sa kanyang paa.
Isang magandang ngiti ang lumabas sa labi ni Elena. Aabutin na niya ang sandata sa sahig subalit biglang bumigay ang kanyang mga tuhod. Umikot ang paningin niya at hindi niya maigalaw ang kanyang katawan.
Pagtingala niya ay isang magandang mukha ang kanyang nakita. Napatingin siya sa baba at kita niya ang mga braso ni Elena na nakapalibot sa kanyang katawan. Dahan dahan pumikit ang kanyang mata na may ngiti sa kanyang labi.
"Yes," bulong ni Pepe.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...