Chapter 10 - Bagong Sandata

3.4K 179 13
                                    


"Bukas," sabi ni Elena habang hawak ang Lukbutan.

Tinitigan ito ni Pepe ng mabuti subalit walang nangyari. Walang nagbago sa kulay nitong lumang brown leather pati sa tali nitong kulay ginto. Nanatili itong nakaupo sa kamay ni Elena, walang kilos at walang pagbabago.

Bakas sa mukha ni Elena ang pagtataka. Tumayo siya at itinaas ang Lukbutan sa langit.

"Bukas!" sigaw niya, subalit wala paring nangyari.

"Open!"

"Luwag!"

"Buklat!"

Napa-atras si Pepe at napatingin kay Elena, "Bakit walang nangyayari?" tanong niya.

Salubong ang kilay ni Elena nang ibalik niya ang Lukbutan sa lamesa. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari at sinalo na lamang ng dalawang kamay kanyang noo.

Nilapit ni Pepe ang mukha sa Lukbutan upang tignan ito ng mas mabuti, "Baka may sikreto dito na hindi natin napapansin," sabi niya.

"Ikaw nga. Subukan mo, baka pag ikaw gumana" sabi ni Elena.

"Anong gagawin ko?" sabi ni Pepe.

"Hawakan mo tapos sabihin mo ung mga sinabi ko kanina," sabi ni Elena.

"Sige, baka nga. Sakin kasi pinagkatiwala ito," sabi ni Pepe.

Tumayo siya at hinawakan ang Lukbutan. Dahan dahan itinaas niya ito gamit ang kanyang kanang kamay.

"Bukas!" sigaw ni Pepe subalit walang ding nangyari.

"Open!"

"Luag!"

"Buklat!"

Binaba ni Pepe sa kanyang mukha ang Lukbutan at tinignan ito ng ilang segundo. Pagkatapos ay itinaas niya ito muli.

"Open Lukbutan!" sigaw niya ngunit wala pa ding nangyari.

"Open Sesame!"

Napailing si Elena sa narinig at nakita ito ni Pepe.

"Baka lang gumana, gumana yun sa Alladin eh" sabi ni Pepe habang umuupo.

Si Elena naman ay tumayo ay inilabas ang kanyang Cellphone. Pumindot siya ng mga numero at idinikit ang gadget sa kanyang tenga.

"Lola, hindi ko mabuksan," sabi niya sa kanyang kausap.

"Opo, sigurado kayo?"

"Sige po"

Ibinalik ni Elena ang kanyang cellphone sa bulsa niya at tumingn kay Pepe, "Sumunod ka sa akin," sabi niya.

Tumayo si Pepe at sinundan si Elena. Pumasok sila pabalik sa Dojo at pagpasok nila ay isang matandang babae ang nakatayo sa gitna. Umikot ang paningin ni Pepe dahil isa lamang ang pintuan ng Dojo, ang kanilang pinasukan.

"Saan siya dumaan?" tanong ni Pepe sa kanyang isip habang naglalakad sila ni Elena.

Naka-asul na blusa at itim na slocks ang matandang babae na mukang senior citizen na. Naka-ponytail ang maputi niyang buhok at bakas sa mukha niya ang tapang. Ilang porcelas din na maraming kumikinang na bato ang nakatali sa kamay niya.

"Lola," bati ni Elena. Lumapit siya at inabot ang kanang kamay ng matanda sabay yuko upang madikit ang kamay nito sa kanyang noo.

Pansin ni Pepe na halos magkasing tangkad lang sila ni Elena. Pagkatapos ni Elena magmano ay bumaling ang asul na mata ng matanda kay Pepe. Lumapit si Pepe sa matanda at inabot ang kanyang kamay nito—

"Ikaw pala?" sabi ng matanda sabay hawak sa panga ni Pepe. Pinihit niya ng pakaliwa at pakanan ang mukha ni Pepe at tumingin din ito pababa at pataas.

"Mahina ito" sabi ng matanda habang hawak pa rin si Pepe sa panga.

Nagsalubong ang mga mata ni Pepe sa narinig at tumungin na lamang papalayo.

"Dami daming pwede bakit sayo pa? Hay nako! Si Armando talaga oh!" sabi ng matanda na pailing iling. Si Elena naman ay nakatayo lamang sa gilid.

"Utoy tumingin ka sa mga mata ko," utos ng matanda.

Tumingin si Pepe sa asul at malalim na mata ng matanda, "Mababa ang spiritual energy ng batang ito at mahina ang loob," sabi niya habang tumitingin kay Elena, "Pero may pag-asa pang gagaling. May pag asa pang maligtas ang True Love ko".

"True Love? Gurang na TL TL pa," sabi ni Pepe sa kanyang isip.

Isang malakas ng hampas ang pumalo sa ulo ni Pepe, "Aray!" sabi niya ng maramdaman ang sakit ng bason na hawak na ngayon ng matanda.

"Nababasa ko ang naiisip mo bata!" sigaw ng matanda.

"Sorry po!" sabi ni Pepe habang kinakamot ang ulo na ngayon ay nagtataka pa rin kung saan galing ang baston.

"Nasaan na ang Lukbutan?" tanong ng matanda.

Kinuha ito ni Pepe at ipinakita sa matanda. Hinawakan niya ng Lukbutan at inamoy ito. Tinignan din niya ito ng mabuti.

"Itago mo na muna yan," sabi ng matanda kay Pepe habang inaabot ito, "Sa ngayon wala pang may kaya na magbukas niyan. Ang mahalaga ngayon ay dapat matuto kang protektahan ang iyong sarili. Yoon lamang ang aksyon na pwede nating gawin ngayon.

"Ako po ang bahala sa kanya, Lola. Tuturan ko po siya" sabi ni Elena habang nakatingin kay Pepe na ikinatuwa naman ng binata.

"Ano pa nga ba? Kunin mo na nga ang Dignum at magsimula na tayo," sagot ng matanda.

"Opo," sagot ni Elena sabay lakad papunta sa dulo ng Dojo kung saan nakadisplay ang isang malaking piraso ng kahoy.

"Bilang simula. May regalo ako sayo. Akin na ang kanang braso mo," sabi ng matanda kay Pepe.

Tumagilid si Pepe para ilapit ang kanyang braso sa matanda. Siya namang pagbalik ni Elena tulak-tulak sa ibabaw ng isang tray and isang itim na kahoy. Inilapit ng matanda ang kanyang kanang kamay sa kanyang mukha at bumulong. Pagtapos ay dinilaan niya ang kanyang hintuturo at idinikit ito sa itim na kahoy.

Umusok ang daliri ng matanda. Hinawakan niya ang kanang braso ni Pepe ng kanyang kaliwang kamay at iginuhit ang kanyang daliri dito. Dahan dahan naglakbay ang daliri ng matanda sa buong braso ni Pepe hanggang sa mabuo ang pigura ng isang sibat.

"Ito ang regalo ko sayo. Ngayon, ano ang ipapangalan mo sa sibat na ito?" sabi ng matanda.

"Sibat? Bakit po Sibat?" tanong ni Pepe dahil sa totoo lang mas gusto niya and espada.

"Mas praktikal ang sibat, lalo na sa baguhan na gaya mo," sabi ng matanda.

"Ahh! Okay po. Thank you po" tumango na lamang si Pepe at nagpasalamat.

"Pangalan!" sabi ng matanda.

"Ha? Anu po! Teka, hmmmm." ipinikit ni Pepe ang kanyang mga mata upang makapag-isip subalit walang pumapasok sa isip niya.

"Pangalan!" sigaw muli ng matanda.

"Aahhh! Wait lang po ahh" hinawakan niya ang ulo niya at biglang may pumasok sa kanyang isip, "Sibat ng katarungan na lang po!" sabi ni Pepe.

"Sigurado ka?" tanong ng matanda.

"Opo. Sigurado," sagot ni Pepe.

"Sige," sabi ng matanda. Hinawakan muli niya ang braso ni Pepe at bumulong dito.

"Pero paano ko po gagamitin ito?" tanong ni Pepe.

"hmm! Umatras ka ng konti," sabi ng matanda na napangiti sa tanong.

"Ganito, Sibat ng Katarungan," sabi ng matanda.

Sa isang iglap isang totoong sibat ang lumabas mula sa braso ni Pepe papunta sa matanda na sinalo ito ng isang kamay.

"Ito ang regalo ko sayo. Ang iyong bagong sandata," sabi ng matanda habang inaabot kay Pepe ang sibat.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon