"Takbo! Takbo! Takbo!"
Yan ang sigaw ng dibdib ni Pepe habang pinipilit niyang hilahin ang kanyang mga binti papalayo sa mga humahabol sa kanya. Habang tumatakbo ay may isang malakas na pwersa ang bumagsak sa kanyang harapan na nagpa-angat ng mga alikabok at dahon. Napatigil si Pepe at tinignan ito. Isang kislap ang nakita niya mula likod ng mga umangat na kalat. Isa itong mata na may hiwa at nang magliwanag ang mukha nito ay nakita niya ang ahas nitong hitsura. Biglang bumuka ang bibig nito at lumabas ang isang mahabang dila na may hati sa gitna.
"Aswang!" sabi ni Pepe. Lumihis siya pakanan subalit may bumagsak ulit doon para siya ay harangan. Napa-atras si Pepe at sa likuran niya ay sunod sunod na nagbagsakan ang mga aswang at pinalibutan siya.
"Oh no!" Napa-english siya sa pagkataranta habang umiikot ang tingin sa mga aswang. Sumugod ang dalawa sa kanyang harapan at sumuntok ng ilang beses. Tinamaan si Pepe sa mukha, katawan at sa hita. Napahinga siya ng malalim dahil sa sakit ng mga tama at niyakap ang kanyang katawan para protektahan ito sa mga sumunod pang atake. Nakaramdam siya ng pisil sa kanyang leeg at hita at biglang umangat ang kanyang katawan. Pagtingin niya ay buhat na siya ng isang aswang mula sa likod. Sa lakas ng pisil sa kanya ay napasigaw siya at pagkasigaw ay naalala niya ang isang bagay na pwede niyang gamitin para makatakas.
"Ubelt! Pulang tela!"
Nagulat ang mga aswang at lumingon kay Pepe. Humina ang pisil sa kanya at kinuha niya ang pagkakataon na iyon para magpaikot-ikot sa balikat nito. Nalaglag ang tela sa lupa at inilaglag naman ni Pepe ang kanyang sarili dito.
Bumagsak si Pepe sa sahig ng Training Hall kasabay ang aswang na nagbuhat sa kanya. Agad siyang gumapang papalayo subalit hinila agad siya ng kalaban. Habang kinakaladkad si Pepe ng aswang ay nagkaroon ng sunod sunod na tunog ng kampana. Napatigil ang Aswang at tumingin sa paligid. Lumabas naman mula sa lagusan ang siyam pang aswang.
"Lagot ako!" sabi ni Pepe nang makita ang mga ito. Pagkasabi niya nito ay isang itim na anino ang dumaan sa kanyang harapan. Biglang tumilapon at sumaksak sa pader ang aswang na humihila sa kanya. Nakita niya na si Lola Armina ang nagpatalsik dito. Lumingon agad ang matanda kay Pepe, "Anong nangyari sayo?" tanong nito nang makita ang nagkalat na dugo sa damit ng binata at sa sahig.
"Ah-aa," tuluyan nang nanghina si Pepe at hindi makapagsalita dahil sa kakulangan ng dugo.
"Elenaaaaaaaaaa! Cover me!" sigaw ng matanda pagkatapos ipatong ang kanang kamay sa dibdib ni Pepe. Nakaramdam siya ng matinding init sa katawan tulad ng naramdaman kanina at bumuti ang kanyang pakiramdam.
"Rose, Dahlia," narinig ni Pepe. Kasunod agad nito ay dalawang putok ang sumabog mula sa likod at tumama sa paa ng dalawang aswang. "Malakas na hangin!" sigaw ni Elena at isang malakas na hampas ng hangin ang nagpatumba sa mga aswang.
"Thank you L—," sabi ni Pepe.
"Shhhh! Wag ka muna magsalita," tumayo ang matanda at humarap sa mga kalaban. Kasulukuyan ay sumugod ang pitong aswang kay Elena at pinalibutan siya ng mga ito. Sabay-sabay sila na umatake subalit lahat ay naiilagan ni Elena ng hindi man lang umaalis sa kinatatayuan nito.
Isang malakas naman na tunog ng nabasag na kahoy ang narinig ni Pepe sa harap. "Rosario," bulong ng matanda at lumabas ang isang itim na punyal sa kamay nito. Lumingon siya at nakita si Lola Armina na sumaksak sa hangin sa likod ng ulo ng tatlong aswang na nasa harap niya. Nagbagsakan sa sahig ang mga ito, "Bakit ganun?" isip niya sa nakita. Dahan na dahan tumayo si Pepe. Nakita niya ang dalawa sa aswang na nakapalibot kay Elena at susugod ito kay Lola. Hinarangan niya ang mga ito.
"Putulin mo ang sinulid!" sabi ni Lola.
"Ha? Ano pong sinulid?" tanong ni Pepe habang umiilag sa mga atake ng dalawang aswang. Hinila si Pepe ng matanda papunta sa gilid at sumugod sa dalawang aswang, "Ang espiritwal na sinulid ng mangkukulam," sabi ni Lola. Sumaksak ulit siya sa likod ng ulo ng dalawang aswang at bumagsak ito.
"Kinokontrol ng isang mangkukulam ang mga aswang na ito. Kapag pinutol mo ang sinulid mawawala ang kontrol niya, simple lang." sabi ni Lola sabay hawak sa balikat ni Pepe. Nakaramdam ulit siya ng init at mas naging mabuti ang pakiramdam niya.
"Malakas na ipo-ipo!" sigaw ni Elena. Umikot ang malakas na hangin sa paanan at sa paligid ni Elena at tinangay nito ang natitirang limang aswang. Nanatili si Elena na nakatayo sa gitna at habang umiikot sa ere ang mga ito ay limang sunod sunod na putok ang umalingawngaw.
Unti-unti humina ang ipo-ipo at bumagsak ang limang Aswang. Matapos ito ay nagsipagkilos ang limang aswang na nakahilata malapit kay Pepe. Umupo ang isa at dinilaan ang kanyang kamay na parang ginagawa ng mga pusa; ang isa naman ay humiga at pinilupot ang katawan na parang ahas at ang mga natira ay nagtatahol na parang aso.
Nagulantang si Pepe sa nakita.
"Early stages ng pagiging aswang, uncontrolled shapeshifting. Naliligaw pa ang kanilang consciousness kaya asal hayup sila," paliwanag ng matanda na nakahawak pa din sa balikat ni Pepe.
"Lola, yung kaibigan ko po," sabi ni Pepe. Tumango ang matanda, "Sige," sabi nito matapos alisin ang hawak sa binata.
"Ubelt Karl!" sigaw niya.
Agad na pinabagsak ni Lola si Karl at pinutol ang sinulid na hindi naman makita-kita ni Pepe. Bigla ulit nanghina si Pepe matapos gamitin ang kanyang Ubelt at unti-unting lumabo ang paningin, "Nahihilo po ako," sabi niya. Bumigay ang kanyang mga tuhod at bumagsak ang kanyang katawan.
Natigil ang kanyang pagbagsak ng isang malambot na katawan. Para siyang sinalo ng isang kama sa lambot ng nararamdaman sa likod, "Ang kulit mo! Hindi ba sabi ko sayo wag kang aalis!" sabi ni Elena matapos saluhin ang binata.
Nagulat si Pepe sa narinig at nanahimik na lamang.
"Tignan mo ang nangyari sayo," sabi ni Elena habang tinitignan ang maputlang mukha ni Pepe at ang nagkalat na dugo. Tumulo ang luha ni Elena at pumatak sa damit ni Pepe. Kasabay nito ay parang may tumubong tinik sa damdamin ng binata at may kirot siyang naramdaman.
"So-sorry," sabi ni Pepe.
Sinubsob ni Elena ang kanyang mukha sa dibidb ng binata, "Hindi ka pwedeng mamatay! Ayoko ng may mamatay ulit!"
Biglang naalala ni Pepe ang larawan na pinakita ni James at namugto ang luha sa kanyang mata. Sa larawan ay nakangiti sina Elena at ang mga kasama niya at tila may okasyon ng kuhanan ang litratong iyon.
Makalipas ang ilang segundo ay kumuha ng panyo si Elena sa kanyang bulsa at pinunasan ang kanyang mga luha. Binuhat niya si Pepe at tumalikod kay Lola Armina.
"Isusunod ko na lang itong mga ito sa infirmary, mauna na kayo," sabi ni Lola.
Isang bagong lagusan ang bumukas sa pader ng Training Hall sa bandang gitna. Pumasok dito si Elena at habang tahimik na naglalakad ay nalaglag mula sa bulsa ni Pepe ang larawan ni binigay ni James. Bumitaw ang kaliwang kamay ni Elena sa pagbuhat kay Pepe, "Kaya niya akong buhatin ng isang kamay?' isip niya. Lumutang ang litrato papalapit sa kaliwang kamay ni Elena at inilapit niya ito sa mukha nila ni Pepe.
"Sila ang team ko, patay na silang lahat." Sabi ni Elena.
**to be continued ***********************************************************************
Hello sa iyong lahat. Okay ba ang chapter na ito? Icomment nyo po ang feelings nyo or reactions. Maraming Salamat!
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...