"Ngayon na!" sigaw ni Pepe.
Hawak ang sibat, tinulak ni Pia ang kanyang katawan papalapit kay Barlan upang itusok ito sa katawan ng kalaban. Isang malakas na tawa nanaman ang humagulgol mula sa madre sa likod.
"ANO BANG SABI KO? ALAM KO ANG PLANO MO!" sigaw ng madre. Tinignan ni Pepe katawan ni Barlan at nakita na hangin lamang ang tinamaan ng sibat. Tumagos ito sa dibdib ng kalaban subalit nagkaroon ng espasyo sa paligid ng sibat at hindi man lamang ito lumapat sa kahit anong parte ni Barlan. "Allergic ata ito sa butil ah," isip ni Pepe. Umikot ang katawan ni Barlan kasabay ang dalawang malaking braso nito. Yumuko si Pepe para umilag tapos ay tumalon para ilayo si Pia sa braso na tatama sa dalaga.
"Ahh!" sigaw ni Pia matapos maramdaman ang yakap ng binatilyo na nagpatumba sa kanya habang tinitignan ang malaking braso at kamao ni Barlan na dumaan sa harap ng kanyang mukha.
"BINIGYAN KA NI LAMIRA NG BUTIL? SABIHIN MO SA KANYA NA HINDI NA AKO BABALIK DOON! MAG-ISA SIYA! WALA NANG MAKAKAPAGTANIM NIYAN SA KATAWAN KO!" sigaw ng isang madre habang humahakbang papalapit kay Pepe at Pia. Sumuntok ito at sumipa na madaling nailagan ni Pepe. Kasunod naman ng atake na ito ay ang malaking paa ni Barlan na mabilis na sumugod sa kanila. Umatras si Pepe habang buhat si Pia kaya't ang tinamaan lamang nito ay ang pader ng basement.
"Yung singer!" sigaw ni Pia. Lumingon si Pepe sa madre na hindi pa tumitigil sa pag-awit at sumugod dito. Sinipa niya ito sa mukha at natumba ito dahilan para matigil ang pagkanta. Isang malakas na tawa nanaman ang humagulgol.
"NATUTUTO KA NA PEPE! PERO HINDI KA NA NAAWA SA KAWAWANG MADRE? NABALIAN SIGURO SIYA NG BUTO SA GINAWA MO!" sabi ng madre na katabi ni Barlan.
"Umalis muna tayo dito sa loob ng chapel Pia" sabi ni Pepe habang umaakyat ng hagdan buhat-buhat ang dalaga. Pag-akyat nila ay sabay sabay naman nag-awitan ang mga natitirang madre.
"TATAKAS KA NANAMAN? MARAMI AKONG MATA, TENGA AT BIBIG! PINAPAGOD MO LANG ANG SARILI MO" sigaw ng dalawang madre na nakaitim. Naglakad ito paakyat kasunod si Barlan habang si Pepe at Pia naman ay tumatakbo papunta sa malaking pinto ng chapel. Nagtayuan ang mga madre at humarang sa daan subalit tinalunan lamang ito ni Pepe. Sinipa niya ang pinto at tumakbo sa hallway diretso papalabas sa hardin sa harap ng resthouse.
"Dun tayo mag hide sa mga puno. Hindi nya siguro tayo malolocate gamit ang echolocation pag may something in between us" sabi ni Pia. "Oo nga," sagot ni Pepe. Ibinaba na ni Pepe si Pia at automatikong naghawak ang kanilang kamay. Inabangan nila kung saan lalabas si Barlan. "Ano nang plano mo?" sabi ni Pia. "Hindi ko pa alam. Pero may mga bagay akong kailangan alamin tungkol sa kakayanan ni Barlan" sabi ni Pepe. "Okay, like what?" sabi ni Pia.
Sunod sunod na lumabas ang mga madre sa pinto ng resthouse at nagsimulang umawit. "Itago mo muna ang butil Pia at lumayo ka muna dito," sabi ni Pepe. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at pira-pirasong nabuo ang kanyang sibat dito. Hinawakan ni Pepe ang butil, "kalas" bulong niya, at inabot ito kay Pia. "Anong gagawin ko dito?" sabi ng dalaga. "Hawakan mo lang muna. Tatawagin kita kapag kailangan ko na iyan tapos ibato mo sa akin," kinuha ni Pia ang butil, "Sige," sabi niya.
"PEPE!" sigaw ng mga madre ng sabay-sabay. Lumingon ulit si Pepe at nakita na nag hiwa-hiwalay na ang mga madre at nakaharap ang mga ito sa iba't-ibang direksyon. "Wala si Barlan pero mukang nag-give-up na sila sa echolocation. Mata na ang ginagamit nila para hanapin tayo" sabi ni Pepe. "Yes, nawala na din yung mga batlike ears ng mga madre," sagot ni Pia.
"LUMABAS KA KUNG AYAW MONG MASAKTAN ANG KAKLASE MO!" sabi ng mga madre.
Sa paglabas ng huling dalawang madre ay buhat nito ang isang estudyante. "Si Rhea!" sigaw ni Pia. "Sige na, ako na muna ang bahala sa kanya," sabi ni Pepe. "Wait lang! Itong handkerchief mo," sabi ni Pia, "Ay oo nga pala," tinali ni Pepe ang kanyang panyo sa ulo upang matakpan ang bibig at ilong. Pagkatapos ay lumabas si Pepe sa takip ng puno habang si Pia naman ay tumakbo sa kabilang direksyon, "Andito ako! Hindi mo na siya kailangan" sigaw ni Pepe.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...