Chapter 45 - Vishaya

2.2K 165 13
                                    

"Bumangon ka na," sabi ni Pia. Kinuha niya ang librong Spirit 101 sa kama at binuklat ito. Binasa niya ito sandali at pagkatapos ay sinara ulit, "This book is so formal. Turuan na lang kita the way I learned it ha," sabi niya.

Bumangon si Pepe at tumayo mula sa kama. Si Pia naman ay tumayo din at tumapat kay Pepe. Ginalaw niya ang kanyang kamay na tulad sa isang guro na nagpapaliwanag sa kanyang estudyante, "Hardening is the compression of Spiritual Energy. Mostly used for defensive purposes but also effective on offense. This is actually popular. Nanonood ka ba ng mga chinese martial art films?" sabi niya.

"Oo naman, Idol ko nga si Wackie Chan eh!" sagot ni Pepe.

"Good!" sabi ni Pia sabay turo ng isang daliri paitaas, "Yung mga exhibition na breaking ng kung ano-anong hard objects. That's actually hardening and they don't even know it! Or maybe they know. Basta! You get the idea, Right?" sabi ni Pia.

Nagtaas-baba ang ulo ni Pepe, "Yan ba yung HARD styles? Like Dragon Fist or Tiger Fist?"

"Correct!" tumuro ulit ang daliri ni Pia pataas, "Yung random name ng hayop tapos lalagyan na lang ng Fist sa dulo," sabi ni Pia habang tumatawa. Napangiti si Pepe sa joke ni Pia, "Ah! Oo, pamilyar ako doon. Kaya pala hindi sila nasasaktan kapag sinusuntok nila yung semento or kahoy?"

"Honestly, hindi ako sigurado kasi hindi ko alam kung paano ang training nila at hindi pa ako nakakawitness in person but I believe nagagawa nila ang hardening subconsciously. I'll show you an example," humakbang si Pia ng dalawang beses palayo. Naging seryoso ang mukha niya at tumingin ng diretso kay Pepe.

Nagulat si Pepe at napatingin din kay Pia, "Ang ganda talaga," isip niya habang tinitignan ang bughaw na mata ng dalaga. Gumalaw ang buhok ni Pia. Tumayo ito, nahati sa sampung grupo at naging korteng ahas, "Ito ang Control o Pagpapagalaw," sabi niya. Bumuka ang bibig ng ahas at pagsara nito ay nagbago ulit ito ng anyo at naging matulis na kutsilyo. Tinaas ni Pepe ang kanyang dalawang kamay nang makita ang mga kutsilyo na nakatutok sa kanya, "help?" sabi niya.

Napangiti si Pia, "Pwede bang makikikuha ng scissor doon sa drawer?" turo ni Pia sa kanyang kaliwa. Kinuha ni Pepe ang gunting, "Now cut my hair, this one," turo ni Pia sa kanyang harapan. "Sigurado ka?" sabi ni Pepe. "Yes! Don't worry," sabi ni Pia.

Ibinuka ni Pepe ang gunting. Ipinuwesto niya ang buhok ni Pia sa gitna nito at pinisil ang hawakan, "Huh?" sabi ni Pepe. Diniinan pa niya ang kanyang pagpisil ngunit hindi pa rin niya nagupit ang buhok. Inilapit ni Pepe ang mukha niya sa talim ng gunting, "Hindi man lang lumapat sa buhok?" sabi ni Pepe.

"Now, subukan mo ulit," sabi ni Pia. Ginunting ulit ni Pepe ang buhok at madali itong nagupit, "ohhh!" sabi niya. "Did you see kung anong nangyari sa spiritual energy ko?" sabi ni Pia.

"Ah! Hindi," sabi ni Pepe. Napasimangot si Pia, "Dapat lagi mong tinitignan ang spiritual energy ng lahat ng bagay sa paligid mo," sabi niya at pagkatapos ay tumubo ang buhok niya na naputol ni Pepe. Nakita ito ni Pepe at hindi siya nakapagsalita.

"I can grow my hair as long as I want. I can use it as a weapon," gumalaw ang mga matutulis na buhok ni Pia at mabilis at sabay-sabay na sumulong sa harap ni Pepe na nagpa-atras sa binata, "or for defense," gumalaw ulit ang buhok at naging kalasag naman ito.

"Oh! Astig!" sabi ni Pepe.

"Thanks! Pero magconcentrate ka na para makita mo ang shifting ng spiritual energy ko," sabi ni Pia habang binabalik niya sa pagiging hugis kutsilyo ang mga dulo ng kanyang buhok. Pumikit agad si Pepe at nag-isip ng taimtim. Sa loob ng kanyang madilim na isipan ay nagkaroon ng magandang liwanag sa kanyang harapan at dahan dahan ay minulat niya ang kanyang mga mata.

"What do you see?" sabi ni Pia.

"Nakikita ko na ang Spiritual Energy mo. Ang ganda!" sabi ni Pepe. Panandaliang nawala ang mga bughaw na mata ni Pia dahil sa ngiti nito, "T-Thanks!" sabi niya, "Now, what do you see?" Ang liwanag na may iba't ibang kulay sa paligid ni Pia ay biglang umatras. Mula sa isang dangkal ay naging ilang pulgada na lamang ito. "Okay, ngayon gumagamit ka ng hardening!" sabi ni Pepe.

"Can you pick up that book?" sabi ni Pia habang tinuturo ang libro sa ibabaw ng kama. "Mali ba ako? Hahampasin niya ulit ako?" isip ni Pepe. Gumalaw ang buhok ni Pia at naging maliit na pader ito sa harap ng dalaga, "throw it!" sabi ni Pia.

"Hmm, sige!" sabi ni Pepe. Mahina niyang inihagis ang libro at tumalbog ito sa buhok ni Pia na parang tumama sa isang pader.

"Ahh, okay," sabi ni Pepe subalit naghalukipkip ang kanyang mga braso, "Pero kung ang lahat ng may spiritual energy ay gagamitin ang hardening hindi ba parang tabla-tabla lang? Walang magkakasakitan?" sabi nya.

Gumalaw ang buhok ni Pia. Nawala na ang matulis na hugis nito at bumagsak ito na parang normal na buhok, "It seems marami ka pang hindi alam sa paraan ng labanan ng mga spirit users. Kaming mga Vishayan ay more on attrition and strategy ang labanan. You either hit the enemy hard with your spells to incapacitate them or you make them vulnerable by making them use all of their spirit. Once they are defenseless you can now attack them easily."

"VISHAYAN? Kayong mga Vishayan?" sabi ni Pepe habang magkasalubong ang dalawang kilay.

Huminga ng malalim si Pia at umupo sa kama, "Sige, I believe okay lang naman na malaman mo and I think you won't be surprised."

Umupo sa kama si Pepe malapit kay Pia at tumingin sa dalaga.

"Pepe, galing kami sa ibang mundo. We came from a world full of humans, tikbalangs and diwatas. It's a world filled with spirit users. Galing kami sa VISHAYA."

***********************************************************************************************

Ang daming impormasyon, ang hirap idaan sa kwento ang paglalabas. hehehe! Okay ba itong chapter? Please vote at comment! Happy weekend!

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon