Chapter 74 - Penetration

1.2K 62 3
                                    

Naglakad sina Pepe sa direksyon ni Elena subalit hinarangan sila ng mga sundalong aswang. Itinaas ni Rufus ang kanyang espada, "No one interfere with us! I want a good fight! My blood is boiling! Right, Zweihander?" Winasiwas niya ang kanyang espada at dumaloy dito ang kanyang spiritual na enerhiya.

Sa harap naman nina Pepe ay nagsimulang magbago ang anyo ng mga aswang. "Hindi mo naman sinabi na Zoo pala ito!" sabi ni Karl habang umaatras sa mga kasama. "Oo nga eh, ako din eh nagulat. May cellphone ka ba diyan?" sabi ni Pepe kay Karl.

"Huh? Wala bakit?" sabi ni Karl. "I have!" sabi naman ni Pia. "Good, makikitawag naman ang PETA. May isusurender akong hayop sa kanila," sabi ni Pepe. Napatawa ng malakas si Karl, "Gets ko yan!" sabi niya sabay tawa ulit. Si Pia naman ay napailing na lamang. Isang mahabang static ang narinig ng tatlo.

"Hel---"

"—lo! Suma—t kayo ku—na---------!"

"Hello!"

"Huh? John!" sabi ni Pepe. "Oo naririnig ka namin pero malabo. Nasan ka?"

"He---!" Okay la-- -ko. –to a—sa gu—t sa likod n--. Ina-yos – ko – ito—comms nat--."

"Nandoon pa din siya kung saan ko siya iniwan, diyan sa gubat," bulong ni Karl. "Okay good!" sabi ni Pepe. "But he's alone, It could be dangerous!" sabi ni Pia. Sinugod ng mga kalaban sina Pepe at habang nakikipagbakbakan ang tatlo ay narinig ulit nila si John. "Hello guys! Malinaw na ba?" sabi ni John.

"Oo," sagot ng tatlo. "Nice!" sabi ni John. "Makinig kayo! Una wag kayong mag-alala dahil safe naman ako. Pangalawa nalibot ko na ang buong paligid. May dala akong thermal detectors at spiritual detectors pero wala na akong ibang nadetect na tao. In short, wala si Lola dito. Pero para lang siguradong sigurado pinaikot ko ulit yung mga drones para suyudin ang lahat. Balitaan ko kayo mamaya."

"Salamat John," sabi ni Pepe. Nagin seryoso ang mukha ni Pepe na tila nanumbalik ang galit na kanyang nararamdaman sa mga kalaban, "Humanda kayo sakin!" sabi niya.

Samantala...

Ngumiti si Rufus. Mukhang ganadong ganado ito. Tinaas niya ang kanyang espada at inihampas ito sa direksyon ni Elena. Nabungkal ang lupa sa lumabas na hangin mula espada at dumiretso ito kay Elena.

Humakbang si Elena sa kanyang kanan at itinutok ang kanyang baril kay Rufus. Sunod sunod na putok ng dalawang pistol ang pinakawalan ni Elena subalit sunod sunod din na hangin ang pinakawalan ni Rufus. Umiwas si Elena sa hangin at nagsimulang tumakbo paikot kay Rufus. At habang tumatakbo siya ay patuloy ang kanyang pagbaril.

Isang malakas na tawa nanaman ang lumabas sa bibig ng aswang, "Are you dumb?" sabi niya habang tinitignan ang mga nadurog na dignum sa paligid niya. Patuloy ang ikot ni Elena kay Rufus. Para siyang buwan na walang sawa magpaulan ng liwanag sa mundo. Si Rufus naman ay wala ding tigil sa pagpapalabas ng hangin mula sa kanyang espada. Tinamaan nito ang ilan sa mga sarili niyang sundalo at lumalampas pa ito kina Pepe.

Biglang tumigil si Elena sa pagikot at sa harap naman ni Rufus sumugod. "Good!" sabi ni Rufus. Itinaas niya ang kanyang espada upang ihampas kay Elena subalit biglang tumigil ito nang makalapit na si Elena. Sa mukha ni Elena ay biglang lumapit ang kaliwang kamao ni Rufus. Inilag ni Elena ang kanyang ulo at sumunod pa ang maraming suntok mula kay Rufus. Patuloy ang pag-ilag ni Elena at patuloy din ang pagbaril niya sa dibdib ni Rufus.

"That won't do my dear," sabi Rufus. Bigla niyang nasalo ang kanang braso ni Elena at pinisil ito. Napasigaw si Elena sa sakit. Nabitawan niya ang kanyang isang baril at ginamit naman ang natitirang baril para paulanan ng bala sa mukha si Rufus. "I told you, THAT WON'T DO!" Binalibag ni Rufus si Elena sa lupa at inihagis ito sa pader ng tore.

Nayanig ang pader at bumagsak si Elena sa lupa. "I will destroy that armor!" sabi ni Elena habang bumabangon.

"My Hardening is the strongest. No one can destroy this armor!" sigaw ni Rufus sabay palo sa kanyang dibdib. Nagsimula ito maglakad papalapit kay Elena, "Now, it's time that I kill you. You're no longer entertaining!".

Hinawakan ni Elena ang kanyang kanang braso, "You amateur! I'll teach you how to use dignum!" sabi niya. "Teach me? No no no! Let me, teach you!" sabi naman ni Rufus sabay takbo pasugod kay Elena.

"Haruto," bulong ni Elena. Dinikit niya ang kanyang kaliwang kamao sa kanyang kanang palad at hinila mula dito ang kanyang samurai. Pumorma siya; bahagyang tumikom ang kanyang tuhod, tinutok ang espada sa kalaban at naghintay.

Napangiti na lamang si Rufus, "That weak sword again?" sabi niya at pagkatapos lamang ng ilang hakbang ay dumating na siya sa harap ni Elena. Imbes na itaga ang kanyang espada ay biglang nawala si Rufus at sumulpot sa itaas ni Elena. "Die!" sigaw niya sabay taga ng kanyang espada kay Elena.

Tumulo ang dugo sa lupa. Galing ito sa kanang pisngi at tenga ni Elena na nadaplisan ng espada ni Rufus. Tumingin sa baba si Rufus. Kita niya si Elena na nakaporma pa din at hawak pa din nito sa kaliwang kamay ang kanyang samurai. Nakadikit ang matalim na dulo ng samurai sa hita ni Rufus subalit hindi ito makalampas sa Spiritual na Enerhiya ng aswang. Tumawa ng malakas si Rufus, "You see? Now goodbye!" Itinaas muli ni Rufus ang kanyang espada at kasabay nito ay pinatong naman ni Elena ang kanyang kanang palad sa hawakan ng samurai.

"Tornado," bulong niya.

Biglang nabuo ang isang bilog na hangin sa kanang kamay ni Elena at gumapang ito sa hawakan papunta sa dulo ng samurai. Mabilis na umikot ang samurai dahil sa hangin at bumaon ito na parang turnilyo. Sumirit ang dugo mula sa hita ni Rufus at bigla itong tumalon papalayo. Hinawakan niya ang samurai ni Elena na mabilis pa ding umiikot subalit agad itong nawala dahil tinawag ito ni Elena.

Dumilim ang paningin ni Rufus. Para bang hindi ito makapaniwala sa nangyari. "YOU BRAT!" sabi Rufus. Sumigaw ng malakas ang aswang at unti-unting nagbago ang mukha nito. Nagsimulang tumubo ang itim na balahibo sa kanyang leeg at pisngi at nagmistulang gorilla ang mukha nito.

Lumaki pa lalo ang kanyang kamao, binti at hita at lalong lalo na ang ilong niya. Tinignan ni Rufus ang kanyang mabalahibong kamao, "ARMOR ON" sabi niya.

Kumislap ang kanyang Espiritual na Enerhiya. Pinalibutan nito ang kanyang buong katawan at tila naging isang full body armor. Transparent ito at see through subalit kitang kita na may armor siya. Para siyang isang Gorilla Knight, "This is the power that God Calvin gave me!" sabi ni Rufus. 

"The Armor of Zeus!"

Itutuloy...

**********************************************************************************************************************************************************************************************  

Posted na din ang Chapter 75!

          

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon