Note: Previous Title | Chapter 78 - Unang Kwarto
Kumabog and dibdib ni Pepe, "Ano na?" isip niya. Lumayo ng lumayo si Elena at Hinaryo kasama ang liwanag hanggang sa mawala ito sa dilim. Lumingon si Pepe sa kanyang likuran subalit wala na din sina Pia, Karl at Linara. "Pia! Elena! Karl!" tawag niya subalit wala pa ding boses na lumabas sa kanyang bibig.
"Teka, kalma ka lang. Ano ang dapat kong gawin ngayon? Walang ilaw, so go forward lang," isip niya. Humakbang si Pepe sa direksyon na kanina pa niya nilalakaran, "Sabi ni John wag daw akong maniwala sa mga makikita ko. Okay, ilusyon lang siguro ito. Pare-parehas siguro kami ng nararanasan ngayon." isip ni Pepe.
Patuloy siyang naglakad sa gitna ng kadiliman. Sa kanyang paglalakad ay bahagyang nagliwanag ang paligid. "Saan kaya galing ang liwanag at hamog na ito? Paano naman ako iiwas dito?"
Patuloy pa din na naglakad si Pepe. Maliwanag na ang paligid ngayon. Kasing liwanag ng alas singko y media ng umaga. Nangingibabaw ang kanyang itim na suot sa batong nilalakaran at maliban sa bato ay wala na siyang nakikita kung hindi ang abo't tanaw.
"Itong bato na ito," tinignan ni Pepe ng maigi ang bato na nilalakaran niya. Parang itong tiles na makikita sa bahay ng mga mayayaman subalit kulay abo ito na may halo na natuyong lumot at may kakaibang gaspang.
"Ito yung bato kanina sa entrance so nasa loob pa din ako ng tore. Pero kanina pa ako naglalakad. Gaano ba kalaki ang tore na ito?"
Isang boses ang narinig ni Pepe sa kanyang likod. "Tulong!" boses ng babae. Agad napalingon si Pepe at nakita niya ang isang gubat sa di kalayuan. "Doon galing," isip niya.
"Teka lang, bakit naman ako pupunta doon?" isip ni Pepe. "Maliwanag naman ang sinabi ni John. Bahala ka diyan kung sino ka man," tumalikod si Pepe sa gubat at patuloy na naglakad.
Ilang daang metro ang layo ay isang itim na bagay ang nakita ni Pepe. Binilisan niya ang kanyang lakad at paglapit niya ay isa palang pinto ang kanyang nakita. "Nice! Tama yung ginawa ko kanina! Malamang ay patibong nga iyong tumatawag!" isip niya.
Binuksan ni Pepe ang pinto at bumulaga sa kanya ang kanyang kaibigan na si Karl. Duguan ito at nakaluhod sa loob ng maliwanag na kwarto. Napalingon si Karl kay Pepe at nanlaki ang mga mata nito nang makita ang kaibigan. Tinapat niya ang kanyang palad kay Pepe at parang sumisigaw ito subalit wala namang marinig si Pepe.
Nagulat si Pepe sa ginawa ni Karl subalit mas nagulat siya sa estado ng kaibigan. Nahagip ng kanyang mata ang katapat ni Karl, si Annie na nakatingin din sa kanya, na mukhang inis na inis sa nangyayari.
Agad na pumasok si Pepe at tumakbo sa tabi ni Karl. Tinignan niya ang katawan ni Karl subalit nagalit ang kanyang kaibigan. Napanganga ito at napahampas sa ulo. "Bakit?" sasabihin sana ni Pepe subalit naalala niya na wala siyang boses. Pinalo siya ni Karl sa balikat at tinuro ang nag-aapoy na sulat sa malaking pinto sa kaliwa nila.
"Bubukas ang pinto kung isa na lamang ang buhay sa kwartong ito."
Nagulantang si Pepe sa nabasa at napalingon agad kay Karl. Paulit-ulit sinenyas ni Karl ang kanyang palad katulad ng ginawa niya kanina bago pumasok si Pepe. "Alam ko na! Pinipigilan niya ako pumasok kanina! Pero paano na'to?" isip ni Pepe. Tinignan niya ulit ang pintuan at ang kanyang kaharap na babaeng aswang. Si Annie na napakataray ng itsura. Kulang na lang ay sumimangot din ang kanyang maikli na goldilocks na buhok. Nakatayo ito at nakatigin kina Pepe at Karl.
Tinuro ni Annie si Karl at Pepe ng paulit-ulit pagkatapos ay iginuhit ang kanyang hinlalaki sa kanyang leeg.
"Ano? Magpatayan kami ni Karl?" isip ni Pepe.
Tinapik ni Karl si Pepe ulit sa balikat at paglingon ni Pepe ay tumatawa ang kaibigan kahit na walang boses na lumalabas sa bibig nito. Nagsalubong ang kilay ni Pepe sa nakita. Nagliliwanag ang mga mata ni Karl na parang kalmadong kalmado siya. Ngumiti ito at pagkatapos ay tinuro si Annie. Winasiwas niya ang isang daliri at pagkatapos ay iginuhit sa leeg ang kanyang hinlalaki.
Inulit ni Pepe ang ginawa ni Karl at tumango ang kaibigan. Napatango din si Pepe, "Hindi siya pumapatay!" isip ni Pepe at nagtanguan ang dalawang magkaibigan.
Nakaramdam si Pepe ng isang bagay na papalapit sa kanila at biglang naghiwalay ang magkaibigan. Isang malaking bato ang hinagis ni Annie, namumula na ito at galit na galit. At pagkatapos ay sinugod nito si Pepe. Umatras si Pepe subalit mabilis na nasundan ni Annie ang kanyang galaw. Sumuntok si Annie at natamaan niya si Pepe sa sikmura. Napaluhod si Pepe at pagkatapos ay gumulong papunta sa kaliwa. "Napakabilis ng suntok niya!" isip ni Pepe.
Napatingin siya kay Karl at nakangiti ito, "Bakit ka nakangiti? Ah alam ko na. Hindi pumapatay si Annie. Iyon ba ang dahilan kung bakit buhay ka pa ngayon?" Sumugod ulit si Annie kay Pepe at nasuntok ulit nito si Pepe, ngayon ay sa mukha naman.
"Ano ba? Anong nangyayari? Hindi nya nga ako papatayin pero bubugbugin niya ako katulad ng ginawa niya kay Karl!" sabi niya sa sarili. Nakita niya ang kanyang kaibigan at nagkukunwari itong umiinom ng tubig. "Be like water, ayan ang gusto mong sabihin. Pero hindi, kailangan kong ireserba ang elemental abilities ko kay Calvin." sabi ni Pepe sa kanyang isip.
Tinamaan ulit ng suntok si Pepe sa mukha pero hindi na siya nagulat dito. Iaasahan na niyang susuntukun ulit siya ni Annie sa mukha kaya inabangan niya ang pagtama nito at hinawakan agad ang braso ni Annie.
"Kakaiba ito!" Hinila ni Pepe ang manggas ng uniporme ni Annie at nakita niya ang braso nito na naging katawan na ahas habang ang kanyang kamao ay nanatiling kamao ng tao. Biglang pumulupot ang brasong ahas ni Annie sa braso ni Pepe at pagkatapos ay kinabig ni Annie ang leeg ni Pepe.
"Kaya siguro ambilis ng suntok niya. Parang tuklaw ng ahas! At mas lalo pang pinabilis dahil sa aswang siya. Ito ang sekreto sa lakas ng mga aswang. Ang mga hayop ay may natural ng abilidad at pag ginamit ito ng mga aswang ay namumultiply pa ito," isip ni Pepe habang pinisil ni Annie ang kanyang leeg.
Inihagis siya ni Annie sa tabi ni Karl at lumapag ang dalawang paa niya ng maayos sa bato. "Pwede na niya ako patayin pero hindi na tinuloy. Weakness niya ito! Pero kung mapatay namin siya. Kami naman ni Karl ang dapat maglaban, paano naman iyon?" isip ni Pepe.
Nakatawa si Karl at agad na lumapit kay Pepe. Pinakita ang kanyang biceps at pagkatapos ay tinuro si Annie. Tumango si Pepe sa kaibigan, "Oo. Malakas siya," isip niya pero napaisip pa si Pepe. Pinakita niya ang kanyang bicep kay Karl at pagkatapos gumuhit siya ng ngiti sa kanyang mukha at tinuro si Karl. Natawa si Karl kay Pepe at gumuhit ito ng puso sa kanyang dibdib at sunod ay tinuro si Annie. "Ha? Inlove ka na agad?" isip ni Pepe.
Nanatiling nakatutok ang daliri ni Karl kay Annie at parang natulala ito. Napatingin din si Pepe at napaatras siya sa nakita. Naglalakad si Annie papalapit sa kanila at ang dalawang kamay nito ang naging cobra. Masama ang timpla ng mukha ni Annie. Mukha itong galit na galit at handa ng pumatay. Humarap sa kanilang dalawa ang cobra at dumura ito diretso sa kanilang mukha.
Nanlaki ang mata ng dalawa at agad na napailag. "Delikado ito. Sibat ng katarungan!" sabi niya sa kanyang isip. Hindi naramdaman ni Pepe ang kanyang sibat, "Hindi ko ma-tawag ang sibat ko!"
Agad na humarang si Karl kay Pepe. Nagbago ang balat ni Karl, naging balat ahas ito. "Mahusay! Hindi siguro siya tatablan ng kamandag ng ahas ni Annie, eh anong gagawin ko?"
"Kalma ka lang," sabi ni Pepe sa kanyang sarili. Huminga siya ng malalim at nagisip, "May mali sa kwartong ito. Una, bakit si Annie at si Karl ang nadatnan ko? Kanina pa pumasok si Liru at Annie ah! Hindi pwede na magpatayan kami ni Karl dito!"
Itutuloy....
**********************************************************************************************************************************************************************************************
Hello! Nanjan pa ba kayo? Kaway kaway!
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...