"Talaga? Makakapunta tayo sa dojo? Nice!" sabi ni Pepe habang naglalakad ang tatlo pabalik sa loob tent. "Libro, Portals!" sabi ni Pia. Lumabas ang libro ni Pia at bumuklat ito ng kusa bago sinalo ng dalaga sa kanyang mga kamay. Binuklat niya ang mga pahina gamit ang kanyang makikinis at malambot na mga daliri na para bang may hinahanap, "hmmm, where are you?" sabi ng dalaga.
Kinalabit ni John si Pepe sa likod at bumulong dito, "Sasama pa ba ako?" sabi niya. Bahagyang napaatras si Pepe, "Ah? Hindi ba?" sabi niya.
Lumapit pa si John sa tenga ni Pepe, "Ang goal ko lang naman ay ihatid ka diba?" Si Pepe naman ang bumulong sa tenga ni John, "Maganda doon! Atsaka para makita mo na yung nagturo sa akin, malay mo turuan ka din!" sabi ni Pepe. Napaisip si John bago bumulong ulit, "Parang malabo. Wala naman akong talent physically. Utak lang you know!" sabi ni John habang tinuturo ang kanyang sintido.
"Sumama ka na!" sabi ni Pia.
"Ahh! Hehe! May binanggit ka kasing portal kaya iniisip ko tuloy kung paano ako uuwi," sabi ni John habang nagkakamot ng ulo. "That's all? Don't worry! Ihahatid ko kayong dalawa," sagot naman ni Pia. Isang ngiti ang lumabas sa mukha ni John, "Sige na nga!" sabi niya. Bumulong ulit si Pepe kay John, "Wow! Oo agad?" sabi niya at pagkatapos ay tumawa na lamang si John.
Si Pia naman ay patuloy ang paglipat ng mga pahina. Tumigil siya sa isang pahina na maraming buto ng punong kahoy ang makikita. Nakahilera ang mga ito at may nakasulat sa ibaba. Hinipo ni Pia ang isang buto at umilaw ito. Unti-unti ay umusbong ang butil mula sa loob ng pahina at kinuha ito ni Pia, "Got it but can you please go outside muna? Susunod ako. May gagawin lang ako," sabi ni Pia. "Sige," sabi ni Pepe at agad na lumabas ang dalawa mula sa tent.
Paglabas ng dalawa ay wala na ang matandang lalaki. "Saan na si Lolo?" sabi ni Pepe. "Ayaw mo nu'n? Wala na siya," sabi ni John. "Hindi naman sa ganoon. Pero siya pa din ang lolo ni Pia. Ayaw ko naman na magkagalit sila," sabi ni Pepe.
"Okay naman yung sinabi mo eh. Nakatulong yun para ilabas na ni Pia yung feelings niya. Mukha kasing matagal nang sunod lagi ng sunod sa lolo," sabi ni John. "Siguro nga," sabi ni Pepe. Isang mahinang sabog ang tumunog mula sa likod ng dalawa at nagkaroon ng puting usok. "Pia!" sabi agad ni Pepe.
"Hey! Okay lang ako," sagot ng dalaga.
Dahan dahan nawala ang usok at natahimik ang dalawa sa bagong bihis na si Pia. Nakadress pa rin ito pero ibang kulay at style naman. "Wow! Nagbihis pa," sabi ni John. Napangiti naman si Pia, "Idol ko si Ms. Reyna eh, Kaya I need a better dress," sabi niya sabay lakad paatras ng dalawang hakbang. Tumayo siya ng maayos at tumaas ang kanyang buhok at nagsimula ito magkumpol-kumpol. Makalipas ang isang segundo ay naging hugis ahas ang mga kumpol at naghukay ito ng dalawang dangkal sa lupa.
"Ano yan?" sabi ni Pepe.
"It's a portal seed," sabi ni Pia. Nilaglag niya ang buto sa hukay at tinakpan ito ng kanyang mga ahas na buhok. "Move back kayo ng konti," sabi ni Pia. "Tutubo yan?" sabi ni John. "Malamang," sagot ni Pepe. Tumingin si John kay Pepe at ganoon din naman si Pepe, "Talino mo ah," sabi ni John. "Talaga!" sagot naman ni Pepe.
Humakbang sila paatras at makalipas ang ilang segundo ay biglang sumibol ang isang kakaibang puno. Kwadrado ang katawan nito, may kapal na isang metro at may taas naman na limang metro. Sa ibaba nito ay maraming maliliit na ugat at sa tuktok naman nito makikita ang maiikling mga sanga at mga dahon na pahaba ang hugis.
"Woah!" sabi ni John habang lumalapit. Hinawakan niya ang mga nakasulat sa makinis na harap ng puno na hindi naman niya maintindihan at tinignan ito ng mabuti habang nanlalaki ang mga mata. Si Pepe naman ay nakatingin sa kakaibang ugat ng mga ito na parang bang mga kawad na ginagamit sa mga computer.
"Wait lang John layo ka muna ng konti," sabi ni Pia. Sumunod si John at nilapitan ni Pia ang puno. Ipinatong niya ang kanyang palad sa puno at nagsimula itong umilaw ng mahina. Para itong computer na nagkabuhay. "Gumagalaw ung ilaw!" turo ni Pepe sa ugat nito.
"It's connecting to all the trees in this world," sabi ni Pia habang naglalakad paikot papunta sa dalawang binata. "Ano?" sabi ni John. "Lahat ng lugar na napuntahan namin dito sa Earth ay ginawan ko ng portal. It's looking for them now," sagot ni Pia. "Kahit saan sa Earth?" sabi ni Pepe.
"Yes! This will lead us a little bit further from Ms. Reyna's dojo but it's just several hundred meters away. Nahihiya kasi ako kung masyado malapit sa property niya," sabi ni Pia. "Paano natin gagamitin yan?" tanong ni John. "Touch it," sabi ni Pia. Nagkatinginan si Pepe at John, "mauna ka na Pepe," sabi ni John. Natawa si Pia sa sinabi ni John subalit sinunod naman ito ni Pepe.
Dahan dahan inilapit ni Pepe ang kanyang palad sa makinis na kahoy. Pagdikit ng kanyang palad ay biglang siyang nakaramdam ng matinding pwersa na humigop sa kanya. Para siyang naging manipis na papel na kinain ng isang shredding machine. Madilim at ang tanging ilaw lamang na nakikita niya ay ang mga mapusyaw na ilaw mula sa mga sanga-sangang ugat na mabilis niyang dinadaanan. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang tubo na maraming sanga at hindi siya makagalaw dahil sa bilis ng kanyang pag-andar.
Sa gitna ng dilim ay may nakita siyang matingkad na liwanag at mabilis itong lumaki. Sa isang iglap ay pumasok siya sa liwanag na ito at pagkawala ng ilaw ay naramdaman ni Pepe na bumagsak ang kanyang mga paa sa lupa.
"Pamilyar ang lugar na ito!" sabi ni Pepe nang marinig ang malakas na lagaslas ng tubig sa hindi kalayuan. Tinignan ni Pepe ang nasa likod niya at nakita niya ang isang malaking puno. Inikot pa niya ang kanyang paningin at may napansin siyang kakaiba, "Bakit may usok doon?" sabi niya.
Sa likod ni Pepe ay lumabas si John at agad na sumunod si Pia. Tinignan ni John at Pia ang paligid, "Ang kapal ng usok!" turo ni John. "Oh no!" sabi ni Pia, "Something might be wrong!" Biglang kinabahan si Pepe sa narinig niya kay Pia dahil nakumpirma niya ang isang bagay na ayaw niyang isipin.
"TARA NA!" sabi ni Pepe at agad na tumakbo ang tatlo papunta sa dojo ng mga Hunter.
***********************************************************************************************
Hello everyone! Sorry at delayed. Please vote at comment! Happy holidays!
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...