Hindi pinansin ng dalawa ang babala ng matanda at sumakay na ng bangka papunta sa Bat Island. Umupo si Pepe sa unahan at si John naman ay umupo sa tabi ng makina sa bangdang huli. Malayo-layo pa lang ang dalawa sa kanilang pupuntahan ay naririnig na nila ang langitngit ng mga paniki na nakasabit sa mga puno, gumagalaw ang mga ito at parang hindi mapakali.
"Ang dami!" sabi ni John. Pinikit ni Pepe ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Sa gitna ng kadiliman ay lumitaw ang ilaw ng kanyang espiritu at ang sunod naman na lumitaw ay ang ilaw ng tila libo-libong paniki na halos tinabunan na ang mga puno sa buong isla. Dito napansin ni Pepe ang malabahag-haring na kulay ng ilaw na hindi niya napansin na katulad pala ito ng ilaw na bumabalot sa kanya.
"Ang ganda!" sabi ni Pepe. "Anong maganda diyan? Eh and dilim-dilim?" sabi ni John. "Yung mga bituin! Ang ganda!" sabi ni Pepe sabay biglang turo pataas ng kamay. Tumingin naman si John sa itaas, "Oo nga no, ang ganda ng stars! Sarap siguro mag overnight dito," sabi niya. "May campfire dun oh? Malamang overnight yang mga yan," turo ni Pepe sa isang isla sa kanyang kaliwa. "Oo nga! Uy daming chicks!" sabi ni John.
"Oo nga no!" sabi ni Pepe. Nilinawan niya ang kanyang mata at nakita ang mga ito na umiinom ng alak. "All girls sila!" sabi niya. "Nakita mo yun? Punta tayo!" sabi ni John. Naging seryoso ang mukha ni Pepe. "Joke lang! Nag-eenjoy lang naman ako. Malay mo, mawala din tayo." sabi ni John.
Lumingon si Pepe kay John, "Wag ka mag-alala, hindi kita pababayaan," sabi niya sabay tingin ulit sa mga bituin. Lumabas ang ilang pilit na tawa mula sa bibig ni John, "Ang sweet mo naman," sabi niya.
Lumingon ulit si Pepe kay John, "Siyempre, kaya ka nandito dahil sakin kaya dapat siguraduhin ko na safe ka," sabi niya. "Wag ka mag-alala sakin, kaya ko ang sarili ko," sagot ni John habang sabay na tinataas ang dalawang kilay.
"Oo nga e, ambilis mo nga tumakbo palayo doon sa malaking ahas e!" sabi ni Pepe at tumawa naman ng malakas si John. Tumawa din si Pepe, "Pero mag-ingat pa rin tayo baka nga totoo yung sinabi nung matanda. Buti na lang nagtanong ka at nalaman natin na may nawawala palang tao," sabi ni Pepe habang nakatingin sa harapan ng bangka at pinapakiramdaman ang hangin na sinasalubong nila.
"Mahalaga ang magtanong Pepe. Kaya ikaw wag ka mahihiya magtanong. Tignan mo, my lead ulit tayo," sabi ni John. "Oo nga, sakto nga yung napagtanungan natin," sabi ni Pepe.
"Konti lang naman ang tao dito kaya malamang alam ng lahat ang mga tsismis at siyempre yung matandang babae ang pinili kong tanungin kasi karamihan ng babae ay mahilig sa tsismis." sabi ni John.
"Tama ka. Mahusay," sabi ni Pepe sabay bigay ng thumb's up sign kay John.
Habang lumalapit ang bangka nila sa isla ay lumalakas ang mga langitngit na naririnig ni Pepe mula sa isla, palakas ito ng palakas at padami ng padami ang naririnig niya.
"Lapit na tayo, pero bakit parang ang ingay?" sabi ni John. "Oo nga eh," sagot ni Pepe na sumasakit na ang tenga dahil halos tatlong beses ang lakas ng kanyang pandinig kay John.
Marahan na dinikit ni John ang kanilang bangka sa pampang. Nauna si Pepe bumaba at pagbaba niya ay biglang tumahimik ang mga paniki.
"Anong nangyari?" sabi ni Pepe habang tumitingin sa mga puno at hindi ginagalaw ang mga paa. Dahan dahan ay lumingon siya kay John na hindi rin gumagalaw. Bakas sa mukha ni John ang pagtataka. Tinignan ni Pepe ang espiritwal na enerhiya sa paligid subalit wala namang nagbago at matapos ang ilang segundo ay sumenyas siya kay John para bumaba ito. Hawak ni John ang ilaw mula sa bangka at naglakad na ang dalawa sa papasok sa gubat ng isla.
Pansin ni Pepe ang mga mata ng mga paniki na parang hinahabol sila ng tingin. Minamasdan ng mga ito ang kanilang galaw at marahil inaalam ang kanilang pakay.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...