Chapter 43 - Walang Forever

2.1K 161 17
                                    




Napalingon si Pepe kay Pia nang marinig ang sinabi nito, "Anong ibig mong sabihin? Paano mo nalaman na parating kami?" Tinignan niya ang mahaba at magandang buhok nito at pagkatapos ay dahan dahan lumipat sa masigla nitong mga mata. Kinalas ni Pia ang tali sa kanyang braso at ginamit ito bilang panali ng kanyang buhok, "Sinabi sa akin ng mga ahas," sabi niya at sabay ngiti sa binata.

Nagliwanag ang mukha ni Pepe nang makita ulit ang napakagandang ngiti ni Pia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagliwanag ang mukha ni Pepe nang makita ulit ang napakagandang ngiti ni Pia. Si Pia naman ay nanlaki ang mga mata at napabuka ang bibig. Hinila ni Pia si Pepe at nagdikit ang kanilang katawan.

"ILAG!"

Isang sibat na tubig ang muntik nang tumama sa likod ni Pepe. Tumusok ito sa lupa sa kanan ng dalawa bago nasira at sinipsip ng lupa.

"Ang sweet naman! Pero walang honeymoon na magaganap! LIBRO!" Lumabas muli ang isang nakabukas na libro sa harapan ni Kirusa, "BALYENANG KULUNGAN!" sabi niya. Mabilis na lumipat ang mga pahina ng libro at tumigil ito sa isang pahina na may mga umiilaw na salita. Hinawakan ni Kirusa ang pahinang ito, daglian niya itong pinunit at itinaas gamit ang kanyang kanang kamay. Umilaw ang pahina at pagkatapos ay naging itim na abo at tinangay ng hangin.

"Lagot ka sakin!" sabi ni Pepe matapos umayos ng tayo at humarap sa kalaban, "Sinisira mo ang moment namin!" isip niya. "LIBRO!" sabi naman ni Pia mula sa likod ni Pepe at isang ding
nakabukas na libro ang lumitaw sa kanyang harapan.

"Saan galing ang tubig na ito?" sabi ni Pepe ng maramdaman ang tubig sa kanilang paanan. "We're late!" sabi ni Pia at pagkatapos niya magsalita ay tumunog ang isang malakas na pito ng balyena. Sa paligid ng dalawa ay tumaas ang tubig at nagmistulang pader na patuloy ang pagtaas. Sinaksak ni Pepe ang pader na tubig ng kanyang sibat subalit walang nangyari. Nakita ni Pia ang ginawa ni Pepe, "That's not enough. Kailangan mo ng napakatinding Spirit to destroy this!" sabi ni Pia.

"Ganun ba?" sabi ni Pepe habang tinitignan ang paligid nila. "Wala na kaming magagawa kung hindi tumalon," isip niya. Hinila ni Pepe si Pia at niyakap ito. "Oh?" sabi ni Pia sabay salo ng kanyang libro. Tiniklop ni Pepe ang kanyang tuhod at tumalon ng mataas, hinahabol ang tubig na nagiging korteng balyena. Nakatingala ang dalawa sa taas at tinitignan ang bibig ng balyena na dahan dahang sumasara, "Hindi tayo aabot!" sabi ni Pepe.

Naabot na nina Pepe ang rurok ng kanyang talon at hindi man lang sila umabot sa bibig ng balyena na ngayon ay nakasara na pero patuloy pa din ang pagtaas. Nagsimula na silang bumulusok pababa, "Marunong ka bang maglangoy?" sabi ni Pepe habang tinitignan ang kanilang babagsakan na tubig. "Oo," sagot ni Pia, "Pero wag ka mag-alala. Hindi tayo mababasa!" Bahagya siyang tinulak ni Pia, "Fire Bird!" sabi niya habang hawak ang libro sa kanyang harapan. Gumalaw ang mga pahina ng libro at tumigil sa isang umiilaw na mga salita. Pinunit ni Pia ang pahinang ito at itinaas. Umilaw ito at pagkawala ng ilaw ay naging itim na abo at bumagsak sa tubig.

Sa baba ng dalawa ay nabuo ang isang malaking apoy at naging hugis ibon ito. "Ahhhhhhh!" sabi ni Pepe nang bumagsak sila dito. "Ah? Malambot? Hindi ako napapaso?" sabi niya. Tinignan niya ang paligid at napansin na hawak na pala ni Pia ang kamay niya, "Huwag ka ulit bibitaw kung hindi you'll feel the heat!"

Parang nanlambot ang buong katawan ni Pepe sa nararanasan. Parang gusto na niyang ipikit ang kanyang mga mata, humiga at namnamin ang lambot ng kamay ni Pia, "Tsk! Hindi ito ang oras para mangarap!" isip niya. "Nasaan na ang kalaban natin?" sabi ni Pepe.

"There," turo ni Pia. Nakatayo ngayon sila sa likod ng isang malaki at lumilipad na ibon habang nasa loob ng balyena na lumilipad naman paikot kay Kirusa. Ibinuka ni Kirusa ang kanyang palad at dahan dahan itong itinitikom at kasabay noon ay ang pagliit ng balyena hanggang sa naging isang dangkal na lamang ang laki nito.

"Diyan kayo mag honeymoon! FOREVER!" sabi ni Kirusa.

"Naging higante siya?" tanong ni Pepe. "No, pinaliit niya lamang ang cage na ito," sabi ni Pia. Tinignan ni Pepe ang lawak ng kulungan nila na tila kasya pa ang ilang isla sa paligid ng kanilang pinaglalabanan, "Ohh, okay," sabi niya.

"Pepe, ihagis mo kay Kirusa ang iyong sibat," sabi ni Pia na nakaturo sa malaking mukha ng kalaban. Sinunod ito ni Pepe, tumama ang kanyang sibat at pumasok sa katawang tubig ng balyena subalit nanghina ito at lumutang lamang sa tubig. Pagkatapos nito ay ilang malilit na isda ang sumugod sa sibat at pinagkakagat ito.

"Isa pa," sabi ni Pia. Tinawag ulit ni Pepe ang kanyang sibat. Hinawakan ito ni Pia at nagliyab ito, "Wooah!" sabi ni Pepe. Tumingin si Pia kay Pepe at ngumiti, "Ngayon mo siya ihagis!" Bumuwelo si Pepe at nilagyan pa ng ikot ang kanyang paghagis.

Tumawa ng malakas si Kirusa, "Walang mgagawa yang apoy mo!"

Naging seryoso ang mukha ni Pia, "Burn!" sabi niya at pagsabi niya nito ay biglang nagkaroon ng pagsabog sa puwitan ng sibat ni Pepe at bumilis ang paglipad nito. Unti-unti lumipat ang apoy na nakapalibot sa sibat papunta sa puwitan nito at nagmistulang labasan ng init na lalo pang nagpabilis dito.

"A pathetic attempt!" sabi ni Kirusa. Ibunuka niya ang kanyang palad at mahigpit itong itinikom. Pumito ulit ang balyena at gumalaw ang loob ng katawan nito papalapit kina Pepe, "Lumiliit? Lulunurin niya kami!" isip niya. Si Pia naman ay seryosong nakatingin sa sibat. Sumabog ulit ang natitirang apoy sa puwit nito at pumasok ito sa katawan ng balyena. Tumuloy-tuloy ito at tumagos sa katawan. "Yes!" sabi ni Pepe. Lumabas ang sibat sa balyena. Bumalik ito sa normal nitong laki at dumiretso kay Kirusa.  Madali naman itong nasambot ng kalaban, "Now! It's time to say goodbye!" sabi niya.

"Yes! Bye bye!" sabi ni Pia sabay pisil ng kamay ni Pepe. Nagtaka si Pepe sa ginawa ni Pia at nanlaki ang kanyang mga mata. Nagtaka si Kirusa sa reaksyon ni Pia at ngayon niya napansin ang apoy na ahas na nakapalibot sa kanyang katawan. Sinusunog siya nito kasabay ng paglaki ng toreng apoy sa kanyang ilalim. Namula sa galit ang mukha ni Kirusa at pilit na nilabanan ang sakit na nararamdaman. "VISHAYA!" sigaw niya. Gumalaw ulit ang kanyang libro at tumigil sa isang pahina. Pinunit ito Kirusa at itinaas.

Naging abo ang pahina at kasunod nito ay lumabas ang isang itim butas sa tabi niya at hinigop siya nito.

Nawala na parang bula ang balyenang tubig at bumaba sa lupa si Pia at si Pepe lulan ng apoy na ibon. "Anong nangyari sa kanya?" sabi ni Pepe. "Umuwi na siya," sagot ni Pia. Binitawan ni Pia ang kamay ni Pepe at sinalo ang kanyang ahas, "Very Good MINERVA!" sabi niya ng nakangiti at nilaro niya ito.

"Paano kung bumalik siya?" tanong ni Pepe. "Don't worry. Hindi kami magtatagal dito," sagot ni Pia.

Lumabas si John sa mga halaman at binati dalawa, "Ang lupit nyo!" sabi niya habang abot tenga ang ngiti at kumakaway sa dalawa.

"Wait! Bakit pala kayo nandito?" tanong ni Pia. "Si Pepe ang tanungin mo," sabi ni john. Tumingin si Pia kay Pepe nang may sigla ang mga kilos.

"Ah, kasi, naging aswang ang kaibigan ko at tanging mga mangkukulam lang daw ang pwedeng makatulong sa kanya. Matatanggal kaya ninyo ang pagiging aswang niya?" sabi ni Pepe.

Napawi ang sigla sa mukha ni Pia, "Oh! Yun pala! Okay!"

Tumalikod si Pia, "Depende kung paano naging aswang ang kaibigan mo," umikot ito pabalik at ngumiti, "Pero wag kang mag-alala tutulungan kita!"

"YES!" sabi ni Pepe. "Pero may problema pa tayo," sabi ni Pia.

"Ha? Ano?" sabi ni John at Pepe.

"Si Lolo ko, kailangan makumbinsi mo siya."

***********************************************************************************************

Next chapter maraming paliwanagan ang magaganap at may mga bagong matututunan si Pepe! Yoohooo! Excited na ako! Kayo ba? Please vote at comment!

Nag #4 ulit ang Aswang Hunter kagabi! Thank you sa mga vote at comment!

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon