Hindi maiwasan ni Pepe tignan ang laban ni Karl at Annie na nagpapagulo sa kanyang isip. Sa gitna ng malaking kwarto, tinitignan niya ang nagaapoy na sulat sa malaking pinto. Muli siya naglakad siya pabalik sa dulo ng kwarto tulad ng kanina pa niya ginagawa subalit wala siyang maisip. Pumihit siya ngayon pakanan sa gilid ng kwarto at napansin niya ang kanyang anino. Bumalik siya sa gitna ng kwarto at doon niya napansin na halos wala siyang nakikitang anino kung sa parteng gitna siya ng kwarto nakapwesto.
"Bakit ngayon lang kita napansin? Ilaw! Light! Ang mga gasera sa pader!" isip ni Pepe. Lumapit siya sa isang gasera at pinatay ito. Lumingon siya sa paligid. Walang nangyari. Tinignan ulit niya ang pinatay niyang gasera at mayroon na ulit itong sindi.
"Gaano katagal?" isip niya. Pinatay ulit niya ang gasera at nagbilang.
Bumaon ang pangil ng isang malaking ahas sa leeg ni Karl. Ito ang kanang braso ni Annie na naging ahas. Hinang-hina na si Karl at hindi na niya malabanan ang lakas ng ahas na nakapulupot sa kanyang buong katawan. Matapos ang madiin na kagat ay bumitaw ang ahas sa leeg ni Karl at tumulo ang dugo mula sa butas na nagawa ng pangil nito. Itinaas ni Annie ang kaibigan ni Pepe at mabagal na nagbago ang anyo ang kanyang kaliwang braso. Naging isang matulis na bagay ito gaya ng Dragon Claw ni Karl.
Tinusok ni Annie sa balikat ni Karl ang kanyang bagong sandata. Bumuka ang bibig ni Karl dahil sa sakit subalit walang boses na lumabas dito. Nakita ito ni Pepe at agad na sumugod. Hinugot ni Annie ang matulis na bagay at balak naman tusukin ang hita ni Karl.
Pagsaksak ni Annie ay agad na hinawakan ni Pepe ang matulis na sandata. Tinitigan ni Pepe si Annie sa mata at iniling ng ilang beses ang kanyang ulo. Nagsalubong ang kilay ng babae at hinila ang kanyang sandata mula kay Pepe. Lumaban si Pepe sa hila ni Annie at tumapat sa mukha nito habang umiiling ang mukha.
"Nooo! Hindi mo ba gets?" isip ni Pepe. Sinipa ni Annie si Pepe sa sikmura. Hindi ito nadensahan ni Pepe kaya't napabitaw siya kay Annie. Sinipa ulit niya si Pepe at pagktapos ay tumalon patalikod at pinakawalan si Karl.
Napaatras si Pepe subalit nasalo pa rin niya ang kanyang kaibigan. Wala na itong malay subalit maliksi pa din ang pulso. Nilapag niya ng maayos sa sahig ang kaibigan, "Magpahinga ka muna diyan," isip niya.
Hinarap ni Pepe si Annie at agad siyang sinugod nito. Nauna ang ahas sa atake. Tutuklawin siya nito sa leeg subalit madali itong nailagan ni Pepe sa pamamagitan lamang ng paghakbang sa kanyang kanan. Sumunod ay ang Dragon Claw ni Annie na nakatutok sa dibdib ni Pepe. Humakbang ulit si Pepe pakanan at tinagilid ang kanyang katawan upang makaiwas dito. Subalit pagtagilid niya ay nagulat siya nang makita ang nakabukang bibig ng ahas sa tapat ng kanyang mukha. Sumunod pala ito sa kanya. Inilag niya ang kanyang leeg pakanan pero bigla siyang nakaramdam ng sipa sa kanyang dibdib. Tumalsik si Pepe sa pader at nayanig ang kwarto.
Agad umaayos ng tayo si Pepe dahil sumugod na ulit si Annie. Nawala ang ahas subalit naging dalawang Dragon Claw ang braso ni Annie. Nauna ang kanang braso na tinarget ang hita ni Pepe. Nailagan ito ni Pepe at bumaon ang Dragon Claw ng tatlong pulgada sa pader na bato. Ang kaliwang braso naman ni Annie ang umatake sa kanang braso ni Pepe. Nailagan ulit ito ni Pepe subalit pagkailag niya at ay sumunod agad ang kabilang braso ni Annie. Sunod sunod at pabilis ng pabilis ang mga atake ni Annie. Nasisira na ang pader at naglalaglagan kay Pepe ang mga bato.
Kahit walang magawa si Pepe kung hindi umilag ay kalmado ang hitsura niya. Ang dahilan nito ay dahil wala siyang balak umatake at nakafocus lamang siya sa pag-ilag. Binuka niya ang kanyang bibig, "NOO!" isip niya subalit hindi siya pinapansin ni Annie. "Asar! Suplada talaga!" tumaas ang kilay ni Pepe at may naisip siya.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantastik"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...