Binuka ni Elena ang kanyang itim na coat. Pinasok niya ang kanyang kamay sa isa sa mga bulsa nito at paglabas nito ay may hawak na siyang anim na tela na nakaikot sa isang kahoy tulad ng ginamit nila dati nang unang pumunta si Pepe sa Dojo.
"Para sa inyo ang mga scrolls na ito," sabi ni Elena. Isa-isa niyang binigyan ng scrolls ang mga kasama. "Para saan ito?" tanong ni Karl. "Buksan ninyo iyan bukas at exactly 10pm," sagot ni Elena. "Bakit 10pm?" tanong ni Pepe habang tinitignan ang pulang scroll na hawak niya kaparehas ng sa mga kasama.
"Dahil sa oras na iyan ay tapos na ang aking paghahanda," sabi ni Elena. "Pepe, hindi ko masasamahan si Karl sa ngayon. Ito ang kanyang depressant," abot niya. "Kapag nagsimula siyang hindi mapakali gamitin mo na iyan," sabi ni Elena habang nakatingin sa nasunog na dojo.
"Ah? Sige po," sabi ni Pepe habang nakatingin kay Karl. Parang nanlumo naman si Karl sa nalaman, "Ano ba yan. Jackpot na naging bokya pa," bulong niya.
Binuksan ni Elena ang isang scroll na hawak niya at pinalutang ito sa tapat niya. Nagliwanag ang mga simbolo na nakasulat sa tela at lumabas ang isang nagliliwanag na lagusan, "Sige. See you!" sabi ni Elena sabay pasok. Pagpasok ni Elena ay kusang umikot ang scroll at nawala na parang bula.
"Tara boys!" sabi ni Pia na punong puno ng saya at gana habang naglalakad pabalik sa kanilang pinagmulan. Si John naman ay napahinga ng malalim, "Hay! Uwian na din!" Nilabas niya ang kanyang cellphone at pumindot pindot dito habang naglalakad.
"Tara na daw!" sabi ni Karl habang sumusunod kay Pia. "Hi! Ako si Karl! Hindi ako sayo pinakilala ni Pepe. Salbahe talaga itong kaibigan ko!" sabi niya sabay handog ng kanyang kanang kamay. Inabot ni Pia ang kamay ni Karl at pagdampi ng kanilang mga kamay ay agad itong hinila ni Karl papalapit sa kanyang labi at hinalikan ito.
Nagulat si Pia sa nangyari at walang nasabi. Pansin din ang bahagyang pagpula ng kanyang mukha. Si Karl naman ay lumingon sa likod at nakita niya ang nanlilisik na mga mata ni Pepe at ni Lolo Ricardo. Tumawa ng malakas si Karl ng makita ang mukha ng dalawa at naglakad kasabay ni Pia na tila nag-iba ang mood mula sa pagiging masaya ay naging tahimik ito.
"Oh? Dulo na ito," sabi ni Karl.
"Wag kang atat," seryosong sabi ni Pepe na nanlilisik pa din ang mga mata. Lumingon sa kanya si Karl at nakabungisngis pa din ito. "LAGOT KA SAKIN MAMAYA!" isip ni Pepe.
"Libro!" sabi ni Elena.
"Wow! Astig! Paano mo nagagawa iyan," tanong ni Karl.
Naglakad si Lolo Ricardo papunta sa likod ni Pia at tumitig sa mata ni Karl, "Mangkukulam ako at ang aking apo. Marami kaming kayang gawin kaya wag na wag kang magkakamali--"
"Lolo! Don't scare him!" sabi ni Pia sabay ngiti kay Karl, "We're harmless actually, IF you treat us good." dagdag niya bago naging seryoso ulit ang mukha. "Tama! Masama magalit yan," sabi ni Pepe. "Ows? Talaga? Gusto ko yan. Palaban!" sabi ni Karl sabay tawa.
Itinamin ni Pia ang portal seed sa lupa at tumubo ito na lalo pang ikinagulat ni Karl, "Ang galing!" sabi niya. "Ligtas ba talaga 'to?" sabi ni Karl.
"Don't you trust me?" sabi ni Pia. "Syempre may tiwala ako sayo!" sabi ni Karl. "Then pasok na. Touch this," turo ni Pia. Isa-isa nilang hinawakan ang puno at bumalik na sila sa Hundred Islands.
"Saan na tayo?" tanong ni Karl.
"Sa Pangasinan, Hundred Islands. Nandito tayo sa harap ng lumang bahay nina Pia," sabi ni Pepe. "He's right! Dito ko na kayo dinala para hindi na kayo mahirapan magboat!"
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...