"A weapon?" sabi ni Linara.Pinikit ulit ni Pepe ang kanyang mata at sa loob ng kadiliman na bigay ng kanyang mga talukap ay nakita niya ang Dignum Dust na kanyang isinabog. Tinitigan at pinakiramdam niya ang Dignum Dust, "Saan ka susugod?" isip niya. Biglang gumalaw ang Dignum Dust sa kanyang harapan, "Where's my dignum weapon?" sigaw ni Pepe. Umatras ang dalawa upang makailag sa isang mahabang bagay na humampas sa kanila. Kasunot nito ay gumalaw ng mabilis ang kamay ni Linara sa bulsa ni Pepe. Tumindig ang balahibo ng binata ng maramdaman ang kamay ni Linara na tila nag-init sa loob ng kanyang bulsa. Lalo pa siyang nagulat ng maramdaman ang isang matigas na bagay na biglang sumulpot. "There!" sabi ni Linara sabay hawak sa kamay ni Pepe. Hinawakan ni Pepe ng mahigpit ang nasa kamay ni Linara at hinarang ito sa sumunod na atake ng demonyo.
"Thanks for the knife!" sabi ni Pepe. "That's all I could give you in this state. Use it well," sabi ni Linara. Inalala ni Pepe si Lola Armina at ang husay nito sa pag-gamit ng kutsilyo. Ginaya niya ang porma ng matanda; binaba niya ng bahagya ang kanyang tuhod at ulo at bahagya din niyang inihakbang ang kanyang kaliwang paa kung saan siya nakaharap.
"It's getting ready to attack!" sabi ni Linara. "I'm ready," sagot ni Pepe at pagkasagot na pagsagot niya ay naradamdaman niya ang mabigat at mabilis na katawan ng demonyo sa kanyang harapan. Binunggo siya nito at kinaladkad papalayo. Imbes na tumalon at lumayo ay sinaksak na lamang ni Pepe ng paulit-ulit ang demonyo. "Walang nangyayari?" Isip niya.
"You have to hit its heart!" narinig ni Pepe sa taas. Nakita niya ang EE ni Linara sa taas na para bang nakasakay ito sa demonyo. "Where?" sabi ni Pepe. Habang nakadikit sa malaking katawan ng demonyo ay gumapos kay Pepe ang ilang mahahaba at madudulas na mga galamay. Humigpit ito ng humigpit at unti-unti ay nakaramdam si Pepe ng matinding init. Napasigaw siya at pinilit na ginalaw ang kanang kamay upang makawala. Dahil sa dulas ng mga galamay ay nagawa ni Pepe hilahin ang kanyang braso at hiwain ang mga nakagapos sa kanya.
Nalaglag si Pepe mula sa demonyo na bumangga naman sa pader. Kaagad na tumalon si Linara papunta sa kanya. "Muntik na ako maipit dun ah," isip ni Pepe. "You're coat? Is that made of dignum?" sabi ni Linara. "Ah—Yes," sabi ni Pepe. "Good, that slimy thing. It will burn you but you haven't yet so you must have some protection." Bumangon si Pepe at pumorma ulit upang abangan ang kalaban," Where is the heart?" sabi ni Pepe. "That's the problem," sabi ni Linara, "The heart is the source of a demon's life and power. They can move it anywhere in their body." Napamulat si Pepe sa narinig, "What?" sabi niya. "Don't worry, I have a plan. But this plan will take a lot of my Spirit Energy. You have to finish this or else, we both die," sabi ni Linara.
Huminga si Pepe ng malalim at pinikit ang kanyang mata, "Okay, what's the plan?" bulong niya. Nakita niya ang EE ni Linara na gumalaw at humalo sa dignum dust na umiikot sa kanyang katawan. Pagkatapos ay lumipad ito sa kanyang unahan at dumikit sa isang malaking bagay. "Yan yung demonyo?" Isip ni Pepe nang makita ang isang hugis kalabaw na may mga galamay ng tulad ng sa pugita sa ulo at katawan. Nalula din siya sa laki nito na halos nakadikit na taas ng pasilyo ang dalawa nitong sungay sa ulo. May kumislap sa bandang tiyan ng demonyo, "that's where its heart is?" sabi ni Pepe. "Y—yes," sabi ni Linara. "Hey, are you alright?" sabi ni Pepe nang maramdaman ang pag-upo ni Linara. "I'm fine. I just need to concentrate," sabi ni Linara.
"Nanghihina na si Linara. Kailangan matapos ko na ito!" isip ni Pepe habang nakapikit at tinitignan ang hugis ng kalaban. Naglakad siya papalapit. Hindi gumagalaw and demonyo at parang tinitignan lamang kung ano ang gagawin niya. "Kung hindi ka aatake. Ako na lang!" Tumakbo si Pepe pasugod at sinalubong naman siya ng mga galamay ng demonyo. Humampas ang mga galamay subalit hamog lamang ang natamaan nito. Sumulpot si Pepe sa gilid ng demonyo at sinaksak ito sa tiyan, "Tapos ka na!" isip ni Pepe. Bumaon ang kutsilyo at kamay ni Pepe subalit biglang gumalaw ang demonyo at bigla siyang sinipa. Tumalsik si Pepe sa pader at naglaglag sa sahig. Bumangon agad si Pepe, tinignan agad niya ang pasugod na demonyo at nakita na nasa ulo na ang kislap ng dignum dust. "I didn't hit it!" sabi niya. Tumalon siya pakanan at bumangga ang demonyong kalabaw sa pader ng pasilyo. Habang nakadikit sa pader ang ulo ng demonyo ay sumugod kay Pepe and mga galamay nito. Sinalubong ito ni Pepe ng kanyang kutsilyo at nahati ang mga galamay. Si Pepe naman ang sumugod. Umilag siya sa mga sumugod na galamay, na parang hindi nauubos at sabay sinaksak ang ulo ng demonyo. "Nawala nanaman yung puso!" isip ni Pepe. Sinuwag siya ng kalaban subalit madali itong inilagan ni Pepe at pagkatapos ay tumalon siya pabalik kay Linara.
"It's not as easy as I thought," sabi ni Pepe. Naghintay siya ng salita mula kay Linara subalit wala siyang narinig mula dito. "Anong ng gagawin ko?" isip ni Pepe. Tinignan niya ang malaking katawan ng demonyo habang humahanda ito sumugod. Parang itong toro na kinakayod ang paa. "Ang laki ng katawan niya. Ang laki din ng pwede niyang galawan sa loob." Isip ni Pepe. Sumugod ang demonyo patakbo sa direksyon nila ni Linara. Minabuti ni Pepe na buhatin si Linara na sobrang nanghihina na kaysa atakihin ang kalaban. Pumunta si Pepe sa kabila, salungat sa diresyon ng demonyo at iniupo si Linara, "Sorry Linara. Pero wag kang magalala. Matatalo ko din ito."
Humarap nanaman ang kalaban kay Pepe upang umatake. Nagkalad si Pepe papasugod at nakaapak siya ng isang bagay, "Galamay niya ito. Yung mga hinati ko kanina," isip niya. Sumugod na si Pepe upang ilayo ang kalaban kay Linara. Sinalubong nanaman siya ng mga galamay subalit imbes na umilag dito o gamitin ulit ang kanyang fog technique ay hinati na lamang niya ito ng hinati hanggang sa umikli ito. Nasa tiyan na ulit ng demonyo ang puso at sinaksak ulit iyon ni Pepe. Tulad kanina ay sinipa siya nito subalit nakailag ngayon si Pepe sa pamamagitan ng pagtalon papunta sa likod ng demonyo. Kita niya ang paglipat ng dignum dust pabalik sa ulo ng demonyo at dito naisip na niya ang paraan para matalo ang kalaban.
"Lagot ka na sakin ngayon!" isip ni Pepe. Humarap ang demonyo kay Pepe. Pulang pula na ang mata nito at susugod na ulit. Nagsigalawan ang mga galamay nito at bumalot sa sariling ulo na lalong nagpalaki dito. Naging baluti ang mga galamay na bumalot at naging isang mahabang sungay na lamang ang dating dalawa at nakaturo ito kay Pepe.
Napangiti si Pepe, "Walang kwenta yan!" Sumugod ang demonyo. Mas mabilis ang takbo nito ngayon subalit walang pakielam si Pepe, sinalubong niya ito. Nang maglapit ang dalawa ay gumalaw ang demonyo at sinuwag si Pepe. Madali itong nakita at umilag ang binata. Nagulat na lamang si Pepe ng sumuwag ulit demonyo at nakaharap na ulit ito sa kanya. Inaakala kasi ni Pepe na lalampas ulit ito tulad kanina. "Again, walang kwenta yan!" isip ni Pepe. Umilag si Pepe sa dalawang magkasunod na suwag at mabilis na umikot sa tabi ng demonyo. Sinaksak niya ito sa leeg at pagkatapos ay inikot ang kanyang kutsilyo dahilan para humilay ito sa katawan ng demonyo. Agad na hinawakan ni Pepe ang sungay at inihampas ang ulo sa pader. Bumagsak ang katawan ng demonyo sa sahig.
Gumalaw ang puso pababa sa leeg, "You won't be going anywhere!" sabi ni Pepe. Sinaksak niya ang puso at naramdaman ang mainit na likido na tumalsik sa kanyang kamay. Kasabay nito ay nawala ang malamlam na ilaw sa mata ng demonyo.
"That should be that last one, right?" sabi ni Pepe habang nakangiti at naglalakad papunta kay Linara. Umangat ang mga Dignum Dust sa katawan demonyo at bumalik ito kay Linara. "Don't get too cocky, that's just a lesser demon," sabi ni Linara. Tumayo siya at lumapit kay Pepe, "You saved us both," sabi niya. Lalong napangiti si Pepe nang makita ulit ang liwanag ni Linara. Nang maglapit ang dalawa ay niyakap ni Linara si Pepe. Napapikit si Pepe at uminit ang kanyang pakiramdam. "Know that there are 3 trials that you must pass," bulong ni Linara. "Three? I think this is my second," sabi ni Pepe. "Good! The next is your last. Be careful!" sagot ni Linara. Naramdaman ni Pepe ang pagkawala ng ilang sakit na kanyang nararamdaman, "Thanks for healing me," sabi niya at pagmulat ng kanyang mata ay wala na si Linara. Wala na din ang madilim na pasilyo at napapalibutan na siya ng liwanag.
"Alergic na ata ako sa liwanag--Uy! Nakakapagtagalog na ulit ako," sabi ni Pepe. "Sibat ng Katarungan!" Simula sa kanang kamay ni Pepe ay nabuo ang itim na sibat at agad niya itong niyakap. "Uy! Namiss kita! Sibat ko!" sabi ni Pepe.
"Hende me na kakaylengenin eng sebat ne yen," sabi ng isang boses sa likod ni Pepe. "Ikaw? Bakit? Bakit ka nagtatalog?" Kunot noong sabi ni Pepe habang pumipihit paharap. Isang magandang ngiti ang bumati sa kanya. "It seems fate is what brought us here," sabi ng boses.
"Prinsipe ng mga Aswang," sabi ni Pepe.
**********************************************************************************************************************************************************************************************
Hi! Musta na kayo? Salamat sa mga bagong nag add sa reading list at sa mga nagvote.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...