"Umatras ka! Kung hindi mamatay ka!" sigaw ni Pepe sa balbal sa kanyang harapan. Tumigil sandali ang balbal dahil sa narinig subalit lalong itong nagmadali at tuluyan nang sumunggab. Gamit ang inipong lakas ng loob, mahigpit na hinawakan ni Pepe ang kanyang sibat at buong lakas itong sinaksak sa balbal. Umungol ito at gumuho na parang kastilyong buhangin. Ito ang unang biktima ni Pepe pero hindi ang huli.
"Wala talagang utak ang mga ito."
Hangga't maari sana ay ayaw ni Pepe patayin ang mga balbal dahil dating tao ang mga ito, subalit wala siyang pagpipilian. Wala pang lunas dito at survival ang labanan ngayon. Lumabas pa ang isang balbal sa isang sulok. Nilabas nito ang matatalas nitong kuko at sinubukang ikalmot kay Pepe. Parang nakaslowmotion ang galaw na nakikita ni Pepe. Yumuko siya upang makailag at sabay isinaksak ang sibat sa katawan ng balbal.
"Bakit ang bilis ko ata kumilos?" pagtataka ni Pepe. Ngayon ay bigla niyang naalala ang kanyang bagong kwintas, ang Dignum. Hinawakan ni Pepe ang Dignum at nagdasal, "Tulungan mo ako", sabi niya.
Nagpatuloy si Pepe sundan ang ilaw sa sahig. Ngayon ay sa bawat direksyon naririnig niya ang mga balbal na para bang inaabangan siya. Ngunit hindi na siya natatakot. Ilang balbal pa ang humarang sa kanyang harapan at humabol sa kanyang likuran subalit madali niya itong natalo. Buong buo na ang lakas ng loob ni Pepe at pakiramdam niya ay malapit na siyang makalabas subalit isang malakas na dagundong ang narinig niya mula sa likuran. Nagtumbahan ang mga pader at tila papunta sa kanya ang isang malakas at malaking nilalang.
Tumakbo si Pepe. Ramdam niya ang kakaibang liksi at bilis niya. Dinaanan niya na parang hangin ang mga mababagal na balbal at sabay sabay itong naging abo paglampas niya.
Sa wakas nakita na ni Pepe ang mansyon at ibig sabihin nito ay malapit na ang exit ng maze. Paglabas niya ay nakaupo ang self proclaimed Prinsipe ng mga Aswang sa fountain.
Isang palakpak ang sinalubong nito kay Pepe, "Took you long enough but its not over yet!" sabi niya sabay ngiti. Sa likod ni Pepe yumogyug ang semento at mga halaman. Pagkatapos ay lumabas ang isang dambuhalang baboy. Kulay pink ito yung parang malapit nang katayin subalit umaabot sa 10 talampakan ang taas at haba. Ang buong katawan nito ay napapalibutan ng puting buhok na parang bang sobrang tigas at sa nguso naman ay dalawang malaking pangil ang nakaturo kay Pepe.
Napailing si Pepe sa nakita, "Pano ko ito lalabanan?" buong buhay kasi niya ay sa lamesa lamang niya nakakalaban ito at hindi niya alam kung paano kinakatay ang isang baboy, "Bahala na," sabi niya.
"HhhOiiiiiiiinnnkkkkkkkk!" Isang malakas at mahabang oink sabi ng dambuhalang baboy sabay singhot ng dalawang beses. Kumayod ito sa lupa at mukang tatakbo papunta sa direksyon ni Pepe. Tumakbo si Pepe sa likod ng fountain at siya namang habol ng dambuhalang baboy. Paikot ikot si Pepe at ang baboy. Matapos ang ilang ikot ay nagalit na ang baboy at binunggo ang fountain. Parang laruan lamang itong nasira at parang hindi man lang nasaktan ang baboy. Dahil sa shortcut na ginawa ng kalaban ay napatakbo si Pepe sa isang sulok na puro halaman, wala siyang pagtataguan. Bumwelo ulet ang baboy at tumakbo papunta kay Pepe. Salamat sa bagong angking bilis at liksi ay nakailag naman siya.
"Muntik na ako dun! Mas mabilis pa ito mga balbal!"
Inulit ng baboy ang pag atake at sa wakas ay nakaisip na si Pepe ng plano. Pagsugod ng baboy ay gumulong si Pepe sa gilid at sabay saksak ng kanyang sibat sa tiyan ng kalaban. Isang malakas na hampas ang bumunggo kay Pepe at tumilapon siya sa isang halaman. Pagtingin niya pabalik ay winawasiwas ng baboy ngayon ang malaki nitong ulo.
"Hindi naging abo? Ano kaya ito?" sabi ni Pepe. Kailagan niya mas mag ingat ngayon. Hindi niya naisip na kaya nito igalaw ng ganun ang leeg nito dahil sa dami ng taba duon. Pakiramdam niya ay nabali ang ilan niyang mga buto pero kailangan niyang tumayo at lumaban. Sa kanyang harapan ay bumubwelo na ang baboy para lusubin ulit siya. Nahirapan si Pepe kumilos, nagsimula nang tumakbo ang baboy at hindi niya alam kung saang direksyon tatakbo. Paglapit ng baboy ay naisipan ni Pepe na tumalon. Gulat na gulat si Pepe sa nagawa dahil umabot ng 20 talampakan ang naabot ng kanyang talon. Bumagsak siya ng walang kahirap hirap sa kabila direksyon ng dambuhala.
"Hoy baboy!" sigaw ni Pepe.
Umikot ang baboy papunta kay Pepe, "Hhhooooiinnnkkkkk!" sagot nito na parang galit na galit at pulang pula ang mukha. Kinayod nito ang paa sa sementong nabasag dahil sa lakas at bigat ng baboy. Hinanda naman ni Pepe ang sarili at ang kanyang mga tuhod at hinintay ang kalaban. Alam na niya ang kanyang gagawin. Tumakbo ang dambuhalang baboy, una ang matigas nitong nguso at pangil. Ngayon si Pepe naman ay bumubwelo din. Tiniklop niya ang kanyang tuhod at tumalon ng mataas. Pagdating niya sa tuktok ng kanyang talon ay tumingin siya sa baba kung saan naroon na ang baboy na hindi alam kung nasaan siya dahil hindi ito marunong tumingala. Tinutok niya ang kanyang sibat sa ulo ng baboy at sa kanyang malakas na pagbagsak ay kasabay din sa pagsabog ng ulo nito.
Pakiramdam ni Pepe ay ang galing galing niya.
"Didn't know that Amang would pick an Amature. Really, I thought you were holding back and hiding your abilities but it's clear that you don't know what you are doing," sabi ng Prinsipe habang nakaupo pa din sa fountain. Isang malakas na suntok ang gumulat sa mukna ni Pepe. Sobrang bilis nito na para bang mas mabilis pa sa kurap ng kanyang mata.
"This is it! The Legend of Manunugis!"
Hilo si Pepe na nakasubsob sa lupa pero kitang kita niya na hawak na ng lalaki ang Lukbutan. Tumayo si Pepe at tumakbo sa lalaki subalit isang sipa ang sumalubong sa kanya. Tumilapon si Pepe palayo at tumama sa isang pader.
"I will be the KING now!"
Gigil na gigil na hiwakan ng Prinsipe ng mga Aswang ang Lukbutan. Nagniningas ang mga mata nito na parang bang nanalo sa lotto subalit biglang nanlaki ang mga mata niya na para bang may mali. Kasunod nito ay isang malakas na apoy ang lumamon sa kanyang buong katawan. Napasigaw siya sa sakit at nagpagulong gulong sa lupa subalit patuloy pa rin ang pagliyab niya.
Kasunod nito ay tatlong malalakas na pagsabog ang bumagsak sa tabi ng nagliliyab na prinsipe. Umangat ang mga abo sa lupa dahil sa pwersa ng bagsak nila at ilang pigura ng mga tao ang naaninag ni Pepe. Isa sa mga ito, ang pinakamatangkad ay lumapit sa prinsipe. Nagliliyab pa rin ang katawan, binuhat niya ang prinsepe sa leeg. Gamit ang kanyang matalas na kuko ay pinutol nito ang kamay na may hawak sa Lukbutan sabay hagis ng prinsepe papunta sa fountain pati ang kamay nito.
Pagbaba ng abo ay namukhaan ni Pepe ang lalaki, "Calvin Wolfgramm," isip niya.
"You won't be King, because I am THE KING!" sabi niya habang hawak ang Lukbutan.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasi"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...