Nasindak si Marcus at nagulat sa sinabi ni Calvin. Agad siyang napatungo, "My apologies, GOD Calvin!" Sa mata niya ay kitang-kita ang takot at pagkabahala na para bang iniisip niya kung kilala pa niya ang kanyang kaharap.
"GOD CALVIN!" Paulit ulit na sigaw ng mga aswang at ibang tao at mga ilalang na nakaluhod. Lumutang ang mga bagay sa paligid ni Calvin, ang lamesa at upuan sa likod, ang mga materyales na ginamit sa ritual, ang telang itim at ang katawan ni Elena. Lumayo agad ang mga nakaitim na nilalang nang makita ito. Umikot kay Calvin ang mga bagay pati ang katawan ni Elena at pagkatapos ay tumilapon sa iba't ibang direksyon.
Bumagsak ang katawan ni Elena sa tabi ni Lamira. Agad nagkatinginan si Pepe at Pia at bakas sa mukha nila ang kaba at takot. "Let's go!" sabi ng kasama ni Pia. "Huh?" sagot niya. "There's no point in staying here. You'll only endanger yourself!" sabi ng lalaki. "I won't leave them behind!" sigaw ni Pia.
"You'll die!"
"I DON'T CARE!"
Isang malakas na pwersa ang tumama at sumabog sa pader na hangin na nakapalibot kay Pia at sa kasama niya. Nagulat ang dalaga at napalingon sa direksyon nito. Sa pinagmulan ng pwersa ay naglalakad papalapit si Marcus at Rufus kasunod ang kanilang mga tinyente.
Inihampas muli ni Rufus ang kanyang espada sa direksyon nina Pia at lumabas ang isang pahabang talim na hangin. Tumama ito sa pader na hangin at sumabog subalit walang nagbago.
"Who are YOU?" sabi ni Marcus habang nakatayo sa harap ng lalaki. Humarap ang kasama ni Pia kay Marcus at lumapit sa pader na hangin. Tanging ang pader lamang ang namamagitan sa kanila.
"You'll never break this wall. No one, not even your god wannabe," sabi niya.
Tumaas ang kanang kilay ni Marcus sa sinabi ng matanda. "YOU COWARD! Get out of that cage and fight me!" sigaw ni Rufus sabay bunggo sa pader. Paulit-ulit niya itong ginawa subalit wala pa ding nangyayari. "Annie! Help me!" sabi niya subalit tinignan lamang siya nito na parang nandidiri. Ahhhhhhhh!" sigaw ni Rufus habang patuloy sa pagbunggo.
"Quiet Rufus! There's no need to get worked up," inihampas niya ang kanyang kanang kamay sa hangin. "Romus, Phase III starts now," dagdag niya.
"Finally," sagot ni Romus sabay saludo at pagkatalikod nito ay bigla itong nawala. "Phase III! HELL YEAH!" sabi ni Rufus. Yumanig ang lupa at biglang lumabas sa lupa ang daan daang sundalo paikot sa kanilang lahat.
"I thought Elena already took care of all of them?" bulong ni Pia.
"Those are just canon fodders, early experiments. These soldiers are the final product. Stronger, faster and obedient!" sagot ni Marcus. "You'd really think it was that easy to get close to the Ki... to our GOD? You lost your chance. Now you are doomed!"
"Heartless, these people have families!" sabi ni Pia.
"ENOUGH!"
Nangingibabaw ang boses ni Calvin. Nawala siya sa entablado at biglang sumulpot sa harap nina Pia. "You are not welcome here, Hinaryo," sabi ni Calvin. Nanlaki ang mga mata ng nasa paligid nila. Lalong lalo na si Marcus.
"Hinaryo, the legend..." Agad na sinenyasan ni Marcus si Rufus na manahimik kaya hindi nito natapos ang sasabihin.
"I didn't think I'm that popular here. However, I could say the same to you. You are not welcome here either. The spirits are crying, I'm sure you can feel it too," sagot ni Hinaryo.
Dinikit ni Calvin ang kanyang hintuturo sa pader sa tapat ng mukha ni Hinaryo at diniin ito. Napangiti si Hinaryo, this Litany. I called upon the TRUE God of Wind to summon it. You can't break it, you fake god."
Malumanay na tumingin kay Hinaryo si Calvin at diniin muli ang kanyang daliri. Pumitik ang isang maliit na kidlat sa mukha ni Calvin at bahagyang nagbago ang hitsura niya. Nanlaki ang mga mata ni Hinaryo sa pamilyar na hitsura.
Tila nagkaroon ng kakaibang lakas si Calvin nang magbago ang hitsura niya. Dahan dahan na bumaon ang daliri niya at lumabas sa kabila ng pader. Nanlaki ang mga mata ni Pia at agad sinaksak ng kanyang punyal ang daliri subalit hindi ito tinablan. Tinaas ni Calvin ang kanyang kaliwang kamay at diniin ang kanyang mga daliri sa pader. Kasabay nito ay binunot ni Calvin ang kanyang isang daliri na unang tinusok sa pader at diniin naman ang buong limang daliri ng kanyang kanang kamay. Bumaon ang kanyang sampung daliri at hinati sa dalawa ang pader.
"Hello, Adam," sabi ni Hinaryo.
Sa isang iglap ay biglang tumilapon papalayo si Hinaryo at kasabay noon ay nawala din si Calvin. Ilang pagsabog ang sumunod kay Hinaryo na gumulat kay Pia. "Don't move," sabi ni Marcus kay Pia.
Umubo ng dugo si Hinaryo at ngumiti habang nakabaon sa lupa, "I guess I underestimated you, ADAM."
Pumitik ng ilang beses ang maliit na kidlat sa mukha ni Calvin, "STOP CALLING ME THAT!" sabi niya sabay hawak ng mahigpit ulo. "GET OUT OF MY HEAD!" Pinalo niya ang kanyang ulo ng ilang beses at pagkapos ay tumalikod. Mabilis siyang naglakad pabalik sa entablado at sinalubong siya ni Marcus at lumuhod, "God Calvin, We're starting Phase 3," sabi niya. Si Pia naman ay binantayan ni Romus.
"PROCEED. AND FOR THE MEAN TIME. MAKE SURE NO ONE DISTURB ME," sabi ni Calvin. Lumampas siya sa katawan ni Elena at sa silweta ni Lamira na hindi gumagalaw at mumunting ilaw na lamang, "YOU WILL FALL," sabi ng diwata. Hindi siya pinansin ni Calvin at patuloy na naglakad papunta sa entablado.
Kuminang ang natitirang ilaw ni Lamira.
"Pepe at Pia, makinig kayo. Ito ang aking huling habilin."
"Sa pinakamadilim ninyong gabi at pinakamahirap na pagsubok; pag-asa ang inyong magiging liwanag at magiging sagot. At bago ako mawala ay meron akong huling regalo sa inyo," nagliwanag ang silweta ni Lamira at binulag nito sina Pepe at Pia.
Itutuloy...
**********************************************************************************************************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...