"Kailangan ko na kumilos!" sabi ni Elena. Tumalikod siya sa matanda at naglakad papunta sa harap ng malaking computer. Mabilis niyang pinindot ang keyboard sa harap nito at pagkatapos ay humarap pabalik sa maglolo.
"Aalis na po ako," sabi niya. "Ihanda nyo na po ang mga dapat ninyong ihanda. John! Kumusta ang mga patibong?" Biglang lumabas sa malaking screen ang mukha ni John, "Okay na po, Ma'am! 100% operational sabi dito sa binigay nyo sa akin na computer!" sagot ng binata. "Good, ikaw na muna ang bahala dito at imonitor mo sina Pepe at Karl. Kung may kakaibang nangyayari, sabihan mo agad ako."
"Opo Ma'am!" sabi ni John. Tumalikod si Elena at nagsimula nang maglakad papalabas ng Command Room.
"Sandali lang! San ka pupunta?" sabi ni Lolo Ricardo. "Titignan ko po kung ano na ang ginagawa ng mga kalaban," sabi ni Elena habang patuloy pa din na naglalakad.
"Ako na ang bahala diyan!" sabi ng matanda. Tumigil sa paglalakad si Elena at humarap, "No, responsibilidad ko po ito," sagot niya.
Naglakad si Lolo Ricardo papalapit kay Elena at lumampas sa dalaga. Hinarang niya ang braso niya sa pinto, "No, let me do this! Marami ka pang ibang bagay na gagawin hindi ba? Atsaka SPYING is one of my expertise!" sabi ng matanda habang tumataas ang dalawang kilay sa ibabaw ng kanyang maitim na shades.
Agad na napailing si Pia at napatingin sa baba dahil sa narinig, "hay nako," sabi niya. Tumingin si Elena sa matanda, ramdam niya na seryoso ito at tila handa ito sa mga pwedeng mangyari. Tumingin din siya kay Pia na tumango naman sa kanya bilang kompirmayson sa gustong gawin ng matanda.
"Sige po, if you insist," sabi ni Elena habang nakatingin sa matanda. "Lolo! Take care!" sabi ni Pia. Humarap ang matanda sa kanyang apo at tinaas ang kanang kamao bago lumabas ng pinto.
Huminga ng malalim si Elena bago bumalik sa harap ng malaking computer at nagsimulang gamitin ito. Bumukas ang malaking monitor at lumabas ang maraming parisukat na may laman na iba't ibang live camera.
"Kalmado ang paligid ng kampo nila. I don't like this, masyadong tahimik," sabi ni Elena habang tinitignan ang satellite view ng kampo ng mga aswang.
Biglang lumabas ang mukha ni John sa monitor at tila nag-aalala, "Ma'am! Si Pepe delikado!" sabi niya. Agad na nilipat ni Elena ang video na tinitignan at nakita niya si Pepe na nakahiga sa nyebe. "What's happening?" sabi ni Pia habang tumatakbo papalapit. Sa kanan ng screen ay makikita ang vital signs ni Pepe at hindi ito maganda.
"His heartbeat is starting to slow down," kalmadong sabi ni Elena. "Slowing down? It should beat faster kasi malamig? Di ba?" sabi ni Pia.
"On normal conditions, yes, pero iba to. Hindi angkop ang damit niya at wala siyang ibang depensa sa lamig. Hindi na din kaya ng puso niya painitin ang kanyang buong katawan at unti-unti na itong bumibigay.
"We have to save him! Namumutla na siya!" sabi ni Pia.
"Wait, not yet" sabi ni Elena. Nagulat si Pia at tila nagningas ang mga mata na para bang gusto na niyang sunugin si Elena. Napansin naman ito ni Elena at tumingin din sa mga mata ni Pia, "Wait," sabi ni Elena. At habang nagtititigan ang dalawa ay biglang gumalaw ang kamay ni Pepe at sumuntok ito sa lupa. Pumitik pabalik sa normal ang kanyang vital signs at dahan dahan siyang bumangon para umupo. Dinikit niya ang mga tuhod niya sa kanyang dibdib at pinikit ang kanyang mga mata.
"Good! Keep yourself warm. No big movements!" sabi ni Pia. "That's not the point of this training! He has to move! To encourage movement of his spirit!" sabi ni Elena.
Dahan dahan ay bumagsak ulit si Pepe at kasabay nito ay ang dahan dahan din na pagbaba ng vitals signs niya. Napatayo si Elena at si Pia naman ay tatakbo na palabas.
"ANO ITO?" sabi ni John.
Napalingon pabalik si Pia at nakita niya ang singsing sa daliri ni Pepe na umiilaw. "Ang singsing," sabi ni Elena. "What's gonna happen now?" sabi naman ni Pia.
Umilaw ng ilang beses ang singsing at pagkatapos ay nagsabog ito ng isang malakas na ilaw papunta sa langit. Nanlaki ang mata ng dalawang dalaga at natigilan sila ng ilang segundo. Sabay silang napatingin sa kanan ng monitor dahil sa paggalaw ng vital signs ni Pepe. "It's still going down!" sabi ni Pia. Tumakbo ang dalawa papunta sa pinto.
"ANO ITO?" sabi nanaman ni John. "Ano ba?" sabi ni Pia at paglingon niya ay isang kayumanggi na Oso ang tumakbo papalapit kay Pepe. Tinitigan siya ng oso at niyakap bago binuhat.
Nagkatinginan ang dalawang dalaga, "Is that Karl?" sabi ni Pia. "Yes," sabi ni Elena, "Mukhang nakokontrol na niya ang kanyang transformation. That's good! He can keep Pepe warm for now."
Tumigil ang pagbaba ng vital signs ni Pepe, "But is he stable?" sabi ni Pia. "We'll see," sagot naman ni Elena.
Samantala...
Dumating si Lolo Ricardo sa Mindanao ilang kilometro mula sa kampo ng mga aswang. Kalmado siyang naglakad papalapit na para bang walang kinatatakutan. "Parating na ako my love," sabi niya.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula ng magkaroon ng usok sa kanyang paligid subalit dirediretso pa rin siya. Isang lalaking nakaitim na coat at hood ang nakatayo sa tapat niya na para bang hinihintay siya.
"Hay salamat nagka-aswang din, I'm starting to feel lonely!" sabi ni Lolo Ricardo.
Ngumiti naman ang lalaking nakaitim, "I don't think you'll like me as company," sabi niya. Pumorma na parang isang martial artist ang lalaking nakaitim; lumaki ang mga muscle niya at naglabasan ang kanyang mga litid.
"hmmm, ang pangit naman ng porma mo," sabi ni Lolo Ricardo at agad na hinagisan ng isang bato ang kaharap. Agad na nakailag ang lalaki, "How petty," sabi niya.
Tumalon ang lalaki papunta sa harap ng matanda at mabilis itong sumuntok ng paulit-ulit. Imbes na umilag ay pinagtatapik ng matanda ang mga suntok nito gamit ang kanyang kaliwang kamay.
Nagulat ang lalaking nakaitim sa ginawa ng matanda at biglang tumalon paatras. Pinasok ng kalaban ang kanyang kanang kamay sa bulsa at biglang isang bato na hugis kamao ang lumipad sa kanyang panga, "Yung bato kanina?" sabi niya bago bumagsak sa lupa.
"Boring!" sabi ng matanda habang nakaporma pa din ang braso pa parang nagpakawala siya ng isang malakas na hook shot. Lumapit siya sa nakahigang lalaki at tinignan ang laman ng bulsa nito, "Radyo, walang kwenta, walang kwenta," sabi niya habang iniisa isa ang laman ng bulsa.
"Libro, Snake Coffin," sabi ng matanda. Lumabas ang isang lumang libro na maraming nakasabit na abubot sa tabi ng ulo ni Lolo Ricardo at kasunod nito ay isang ulo naman ng ahas ang umusbong mula sa lupa sa tabi ng kanyang paa. Binuka ng ahas ang malaking bibig nito at kinain ang katawan ng lalaki at pagkatapos ay lumubog ulit ito sa lupa.
"Ngayon, oras na para gawin ang trabaho ko," sabi niya. Ipinatong niya ang kanyang kaliwang kamay sa ibabaw ng kanyang kaliwang mata, sa ilalim ng kanyang shades at makalipas ang ilang segundo ay tinikom niya ito at binaba sa tapat ng kanyang dibdib. Hinawakan niya ng kanyang kanang kamay ang kanyang kaliwang pulso at hinimas ito. Lumabas ang mahabang tahi paikot dito at nalaglag ang kanyang kaliwang kamao sa lupa.
Nag-iba ang kulay ng kanyang kamao sa lupa at naging ahas ito na may pangatlong mata sa noo. Gumapang ang ahas papasok sa makapal na usok at nawala na ito sa paningin ni Ricardo.
Tumubo ang isang puting bato sa kanyang pulso at naging kamay ito. Binuka niya ang daliri ng kanyang bagong kamay nang ilang beses at tumingin sa paligid. Bahagya siyang humarap sa kanyang kanan at naglakad, "Now, time to play," sabi niya.
Sa hindi kalayuan ay nagsigawan ang kakila-kilabot na atungol ng iba't ibang hayop. Hindi ito pinansin ng matanda. Patuloy siyang naglakad pailalim sa puso ng kampo ng kalaban, hindi natitinag, hindi natatakot.
Itutuloy...
***********************************************************************************************
Salamat sa maraming votes at sa maraming bago na nag add sa reading list. Sana ay maenjoy nyo ang chapter na ito.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...