Note: Hello! Ito po sana ang Prologue ng istoryang ito pero I changed my mind as of 12/3/2016.
Isang lalaki na may mahaba at itim na buhok ang tahimik na nakaupo sa magarang trono ng Hohenzollern Castle. Itim ang damit at pantalon ng lalaki, malaki ang pangangatawan nito at diretso ang tingin niya sa malaking pinto, isang daang metro ang layo mula sa kanya. Marahan na bumukas ang pinto at binasag ang katahimikan ng lumalangitngit na tunog ng bakal at kahoy.
Pumasok ang isang sundalo sa throne room. Magara ang uniporme nito; naka-asul itong damit na maraming nakasabit sa balikat at sa dibdib, asul din ang pantalon nito at itim naman ang kanyang combat shoes.
Naglakad ang sundalo papalapit sa trono at lumampas sa ilang marmol na poste at mga larawan na gawa sa minantsahang salamin. Tumigil ito sa paglalakad at inilagay ang kanang kamao sa dibdib tatlong dipa ang layo sa trono, "My King, preparations are complete. The bases and laboratories and operational; all known Dignum weapons and items are processed and all known Hunters except for Amang's group are neutralized."
Tumayo ang lalaking nakaupo at umangat ang asul nitong kapa sa sahig. Naglakad ito papunta sa likod ng trono kung saan isang imahe ng leon na may korona ang makikita. Gawa ang leon sa salamin na may iba't ibang kulay at kumikinang ito dahil sa sinag ng araw mula sa labas, "Good. Is Amang still in Manila?" sagot ng lalaki habang nakatingala sa leon.
"Yes, Your Majesty," sagot ng sundalo na ilang minuto ng nakayuko.
Humarap ang lalaki sa sundalo at naglakad pababa ng trono, "How about my son?" tanong nito habang naglalakad.
"He is already in Philippines, My King."
Lumampas ang hari sa sundalo at naglakad sa direksyon ng malaking pinto kung saan matinding liwanag ang sumusikat, "And the New Blood?" sabi nito.
Sumunod ang sundalo subalit maingat na nag-iwan ang isang dipa na espasyo sa kanilang dalawa, "Trials on live subjects are on-going and showing promising results even without the key component, Your Majesty."
"I have hidden in this castle long enough," sabi ng hari bago lumabas ng pinto. Sinalubong siya ng liwanag ng araw at ng magandang tanawin sa labas ng kastilyo. Sa magkabilang gilid ng malaking pinto ay may magarang hagdan pababa. Sa harap naman ay mayroong pahabang lakaran na walang bakod na nakaturo sa abot-tanaw at sa sumisikat na araw.
Naglakad ang hari papunta sa dulo ng lakaran kung saan isang hakbang na lamang ay bangin na ang kasunod. Huminga siya ng malalim at nilaglag ang kanyang asul na kapa na tinangay naman ng hangin at sinalo ng sundalo sa likod na sumusunod sa kanya. Tinignan niya ang kanyang dalawang kamao at binuklat ito ng ilang ulit habang tinatangay ng hangin ang mahaba at maalon niyang buhok.
"This world will soon be ours," sabi niya sabay tingin sa magandang tanawin na nasa harap niya; ang berde na lupain, ilang kabundukan sa hindi kalayuan at ang malawak na dagat na humahalik sa asul na kalawakan.
"Time for Aswangs to rise again," sabi niya at pagkatapos ay lumingon sa sundalo, "You go on ahead. It's been a while since I've used these bones."
"Yes, Your Majesty. We will greet you along with the crew in Mindanao, Philippines."
Tumalon ang lalaki sa malalim na bangin at bumulusok pababa. Matapos ang ilang segundo ay isang maitim na usok ang bumalot sa kanya at mula sa usok ay isang agila ang lumabas at lumipad papunta sa abot tanaw.
"Hail King Calvin! The Aswang King!" sigaw ng lalaking sundalo habang nakatingin sa malaking ibon na lumilipad papalayo.
**********************************************************************************************Hello! Pasensiya na sa mga naunang readers dahil late ang Prologue. Matagal na kasi akong nag-iisip kung ano ang magandang prologue para sa story na ito pero last week lang ako nasatisfy sa mga naisip ko. Sa mga bagong readers, sana ay magustuhan nyo ang storyang ito na pinaghihirapan kong isulat.
Note: I do not own any of the images posted in this story.
Credits to:
Bird image - https://il6.picdn.net/shutterstock/videos/9558266/thumb/10.jpg
Castle - https://www.reddit.com/r/pics/comments/3duvms/hohenzollern_castle_fog_germany/Please vote! Any reactions? Icomment nyo lang po sa baba.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...