Chapter 35 - Litanya ng Dilim

2.3K 232 17
                                    



Napabuntung hininga si Pepe, "Ambilis nitong matanda maglakad!" sabi niya habang binabaybay ang gilid ng mahabang kalsada. Hindi niya pansin ang init ng araw, usok at ingay ng mga sasakyan kahit labin limang minuto na niyang sinusundan ang matanda. Ang masaklap pa dito ay hindi man lang niya napapaliit ang espasyo sa pagitan nila.

"Anong kayang kinakain ng matandang ito?" sabi niya.

Habang naglalakad ay nakaramdam si Pepe ng malamig na bagay sa leeg. Gumapang ang lamig paikot dito at pagkapa niya ay isang maliit subalit mahabang ahas na pala ang nakapulupot sa kanyang leeg.

Hinawakan ni Pepe ang ahas at pinilit itong tanggalin subalit masyadong mahigpit ang pulupot nito. "Paano ito nangyari?" Isip niya. Umikot ang berdeng ulo nito at tumapat sa kanyang mukha. Humarap ito kay Pepe at bumuka ang bibig.

Anino ng buwan, anino ng gabi,

Anino ng ulap, anino ng bundok,

Anino ng dilim, anino ng itim,

Balutin ng anino ang taong nakakarinig nito,

Natunaw ang ahas matapos itong magsalita at nalaglag sa kanyang paa. Kasabay nito ay ang paglaki ng anino ni Pepe. Tinabunan nito ang semento na kanyang nilalakaran pati ang buong kalsada, mga tao at pader sa paligid.

Napatigil si Pepe sa paglalakad, "Anong nangyayari? Ano ito?" sabi niya. Bumalik ang tingin niya sa matandang lalaki at ngayon ay napansin niya na bukod tanging sila lang dalawa ang hindi kinain ng anino na patuloy pa din ang paglawak hanggang sa matabunan na nito pati ang kalawakan.

"Munting liwanag!" sabi ni Pepe subalit hindi ito gumana.

Kahit nabalot na sila ng dilim ay nakikita pa din ni Pepe ang matanda. Humarap ito kay Pepe, "Ako ang magtatanong! Hindi ikaw!" sabi nito. Lumaki ang matanda, kasing laki ng isang building at tinaas ang kanyang kanang paa.

Nanlaki ang mata ni Pepe. Tumakbo siya subalit hindi naman siya nakakaalis sa pwesto. Dahan dahan na lumalapit ang higanteng paa para pisain siya at napatalon si Pepe upang makaiwas dito. Pagbagsak niya sa itim na anino ay bigla siyang lumubog na parang sa tubig siya tumalon.

Umangat ang ulo niya at paglabas nito sa itim na anino ay hindi na niya maramdaman ang ibang parte ng kanyang katawan. Ang kanyang ulo na lamang ang nagagalaw niya at hindi niya makita ang kanyang katawan. Humakbang ang malaking paa sa harap ng mukha ni Pepe at napapakit siya. Pagmulat ng kanyang mata ay nakatayo na ang matanda sa harap niya at bumalik na sa normal ang laki nito.

"Sino ka? At saang kulto ka kabilang?" sigaw ng matanda.

"Ano pong kulto?" sabi ni Pepe. "Sino ka?" sigaw ulit nito.

"A-ako po si Joseph!" sabi ni Pepe.

"Yung buong pangalan mo!" sabi ng matanda.

"Mandirigma po! J-Joseph Mandirigma!" sagot ng binata.

"Mandirigma? Sigurado ka ba? Bakit parang hindi bagay sa iyo ang apelyido mo?" sabi ng matanda.

"Yan po talaga apelyido ko. Ano pong gagawin nyo sakin? May gusto lang po ako malaman kaya ko kayo sinusundan." sabi ni Pepe.

Umupo ang matanda sa harap ni Pepe at inilapit ang mukha nito sa mukha niya. "Ikaw? Malaki ang atraso mo sa akin. Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang singsing ni Sophia! Anong kulto ka ba talaga miyembro?"

"Wala po talaga!" sabi ni Pepe.

"Talagang wala? Siguraduhin mong wala dahil malalaman ko din yan."

"Opo! Wala po akong alam na kulto. Magkaibigan lang po kami ni Pia." sabi ni Pepe.

"Magkaibigan? Wag mo akong lokohin bata! Papunta ka pa lang e pabalik na ako! Sinasabi ko din yan dati noong bata pa ako pero girlfriend ko na yung babae."

"Wow! Wag niyo po akong igaya sa inyo," isip ni Pepe, "Wala po akong masamang intensyon kay Pia." sabi niya.

"Pero nilagay mo ang buhay niya sa peligro dahil nasira ang singsing niya! Iyon lang ang tanging nagtatago sa kanya laban sa aming mga kaaway!"

Hinawakan ng matanda ang ulo ni Pepe at pumitas ng ilang piraso ng buhok nito. "Wag mo na kaming susundan! At wag ka nang magpapakita sa amin! Kukulamin kita pag nakita ulit kita, Joseph Mandirigma!"

Nagkaroon ng matinding liwanag sa ulo na Pepe at sinilaw siya nito. Bumusina ang mga sasakyan at unti unting nawala ang anino na bumalot sa lahat.

"Ano nang nangyari? Nasaan na siya?" sabi ni Pepe habang nakatayo sa kalsada, sa pwesto kung saan niya naramdaman ang ahas sa leeg.

Nawala na ang matandang lalaki at bumalik na si Pepe sa school. Pagdating niya ay hindi pala natuloy ang klase nila at nag-uwian na ang kanyang mga kaklase kaya umuwi na din siya.

"Nasaan na yung tela?" sabi ni Pepe pagpasok sa kanyang kwarto. Ginalugad niya lahat ng pwedeng galugadin, tinanong niya ito sa kanyang nanay subalit walang nakakita nito.

"Huling ginamit ko iyon noong tumakas ako sa kampo ni James. Tsk tsk! Wala na talaga, hindi ko na sila mapupuntahan." sabi ni Pepe.

Dahil sa paghahanap kanina ay nakita niya ang mga libro na binigay ni Elena. "Magbabasa na nga lang ako. Spirit 101, Adam, Ito Dignum 101. Ito na lang," binuklat ni Pepe ang libro at sinumulang basahin ang librong napili.

"Ang Dignum ay isang misteryoso at makapangyarihang kahoy. Ito ay maaring matagpuan sa lahat ng puno na nagbubunga. Ang isang puno ay maaring magkaroon ng sanga na punong-puno ng espiritwal na enerhiya bukod tangi sa ibang parte nito at iyon ang nagiging Dignum matapos ang matagal na panahon. Walang nakaka-alam kung gaano katagal ito basta nakikita na lamang ito ng mga taong may alam sa espiritwal na enerhiya."

"Mayroon dalawang estado ang Dignum; tulog at gising. Kapag gising ang Dignum ay kakalap ng spiritual na lakas mula sa paligid at isasalin nito ito sa nilalang na may suot ng dignum. Tinatawag na tulog ang dignum kapag ito ay walang espiritwal na enerhiya. Ang tulog na dignum ay madalas gamitin na sandata dahil nakakapinsala pa din ito sa kahit anong espiritu sa pamamagitan lamang ng pagdagdag ng bilis at pwersa..."

"...Dahil sa Dignum nagkaroon ng kakayanan ang mga tao lumaban sa mga malalakas na espiritwal na nilalang. Ilan sa mga grupo ng tao na malaki ang pakinabang sa dignum ay ang Pintados na bihasa sa pag-gamit ng kutsilyo na gawa sa Dignum at ang hindi halos gumagamit nito ay ang mga mangkukulam dahil nakatutok ang mga ito sa espiritwal na paraan ng pakikipaglaban..."

"Mangkukulam? Mangkukulam si Lolo!" isip ni Pepe habang hinayaan na lamang na malaglag ang libro sa kama, "Siya ang kailangan ni Lola para magamot si Karl at pagkatapos makikita ko pa si Pia kung malalaman ko kung saan sila nakatira. Win/win!"

Tumayo si Pepe at kinuha ang kanyang cellphone, "Alam ko na kung sino ang tatawagin ko."

"John!" sabi ni Pepe.

"O bakit ka napatawag?" sagot ni John mula sa kabilang linya.

"Kailangan kong malaman ang address ni Pia. Matutulungan mo ba ako?"

Isang malakas na tawa ang narinig ni Pepe mula sa kabilang linya, "Oo naman stalker!" sabi ni John.

*****To be continued*****

Hello sa inyong lahat!

Una sa lahat maraming salamat po sa pagtangkilik sa Aswang Hunter.  Gusto ko po kayong hikayatin na iboto lagi ang bawat chapter dahil malaki po ang magiging epekto nito sa akin. Pangarap ko po kasi na maipublish ito at gumawa pa ng dalawang sequel. Mas malaki ang chance na mangyari iyon kapag marami itong votes o maraming reads o maging top po ito.

Para po mahikayat kayo na iboto ang bawat chapters ay ganito. Kung aabot po sa 50 ang votes itong chapter 35 hanggang friday night ay gagawin ko po agad ang next chapter at ipopost ko ito sa Sunday (Nov. 13) ng hapon before 6 pm. Ayos po ba ito? Any reactions? Maraming salamat!


Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon