Hawak-hawak ang Lukbutan, naglakad si Calvin Wolfgramm papalapit kay Pepe. Umaagos sa hangin ang itim nitong coat at sa bawat hakbang ay nag-iiwan ng bakas ang suot na boots.
Pinisil niya ang hawak na bag gamit ang kanyang malaking kamay. Sumirit ang ilaw sa pagitan ng mga ito na lalong tumindi makalipas ang ilang segundo. Walang nagawa si Pepe kung hindi tignan kung paano sumabog ang Lukbutan sa lakas ng kanilang kalaban. Sa pagbukas ng kanyang kamay ay isang maliit na bote ang natira.
"I can see you now," sabi ni Calvin kay Pepe. Nakatingin ito sa nakahilatang katawan ng binatilyo habang inihahagis paulit-ulit pataas mula sa kanyang kamay ang bote. Umupo si Calvin sa harap ni Pepe at pinakita ang laman ng kanyang kamay. Tinignan niya ng maigi ang bote na may lamang maitim na likido. Sa harapan ng bote nakaukit ang isang pigura na hindi niya maintindihan.
"GET OFF OF HIM!" Sigaw ng isang matandang boses. "Pepe!" sigaw ng isa pang boses na nagpabawas sa pagkabahalang nararamdaman ni Pepe.
Tumayo si Calvin, "Armina," tawag niya sa matanda, "Is this boy your new weapon to kill me?"
"No, Calvin. Me," sagot ng matandang babae, "Armando" bulong niya at lumabas ang kanyang baston. Tumalon siya papalapit kay Calvin at inihampas ang baston na nagbagong anyo at naging latigo. Umikot sa braso ni Calvin ang latigo at naghilahan ang dalawa.
"Elena!" Sigaw ng matanda. Sumugod si Elena subalit sinalubong siya ng dalawang kasama ni Calvin. "Rose at Dahlia," bulong niya sabay baril sa dalawa na humaharang sa kanya. Nakailag ang dalawa at tumalon papalapit kay Elena. Ilang putok ang pinakawalan ni Elena subalit wala itong tinamaan. Ngayon ang dalawa na ang nagsimulang umatake ng mga suntok at sipa. Si Elena naman ang dumipensa sa sunod sunod na atake ng dalawa.
Isang ngiti ang lumabas sa labi ni Calvin kasunod ang isang malakas na hila na sumira sa balanse ng matanda. Imbes na umatras, sumugod ang matanda sabay tawag sa kanyang punyal, "Rosario". Nawala ang latigo at napalitan ng panaksak. Puro depensa ang ginawa ni Calvin laban sa bilis ng atake ni Armina. Napaatras ito ng dalawang hakbang pero gumanti naman ng isang malakas na suntok. Nasambot ng dalawang braso ng matanda ang suntok subalit napaubo siya ng dugo habang kumakaladkad ng paupo palayo kay Calvin.
Pag tayo ni Armina ay hawak na niya si Pepe, "Elena!" sigaw ulit niya.
"Malaking pasabog!" sigaw ni Elena. Isang malakas na sabog ng hangin na nagpa-atras sa kanyang mga kalaban. Tumalon si Elena sa tabi ng matanda at tinulungan si Pepe makatayo.
Bumalik naman ang dalawang alalay ni Calvin sa kanyang tabi. Harapan tinignan ni Calvin sa mata si Armina, "He's dead, Amang is dead" sabi nito.
Nanlaki ang mata ni Elena sa narinig at tinaas nito ang damit ni Pepe. Wala na duon ang Marka. Matinding init ang naramdaman ni Pepe mula sa matandang katabi. Naramdaman din ito ni Elena.
"Not in my heart" sagot ni Armina na diretso ang tingin sa kalaban.
"That's a very sad line Armina," sabi ni Calvin. "He actually said something before dying. What was it? Sorry? Or something like that?
Sumabog ang matinding init mula sa katawan ng matanda at biglang sumugod kay Calvin. Subalit humarang ang isa sa mga alalay nito at nasalo ang matanda sa leeg. Pagtapos nito ay malakas siyang inihampas sa lupa.
"Lola!" sigaw ni Elena habang pasan si Pepe sa balikat.
"Your attempts are futile. No one can stop me now." Sabi ni Calvin habang nakatingin pababa kay Armina na ngayon ay tumatayo na.
"Stay down! Sabi ng lalaki sabay sipa sa matanda pabalik sa lupa. Bago pa man makakilos si Elena ay tumalon na sa kanyang harapan ang isapang alalay ni Calvin upang harangan ang kung ano man na binabalak nitong gawin.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...