"Ano pa? Edi multo. Nakabarong diba? Multo yun." sabi ni Mario.
"Nakabarong lang multo na agad!" bulong ni Mary Ann.
"Eh diba nga wala daw lalaki dito?" sagot ulit ni Mario na ayaw magpatalo sa babae.
Isang kamay ang humarang sa mukha ni Mario at umagaw sa atensyon ng lahat, "Ayon sa mga nakalap nating impormasyon dalawang scenario ang nakikita ko," bulong ni John matapos ilagay sa kanyang chin ang kamay na itinapat sa mukha ni Mario, "Maaring multo nga ang nakita ni Pepe o pwede rin namang nagsisinungaling si Sister Estela"
"Pwede! Mahusay talaga itong si Detective John!" bulong ni Michael.
"Kailangan na nating mag imbestiga at sisimulan ko na ngayon," tumayo si John at umupo sa gitna ni Pepe at Mario, "Ikaw Pepe, ano ang hitsura ng nakita mo?"
"Tsk! Malayo kasi eh, pero mukang tao talaga yung nakita ko. Buhay na tao."
"Hmmmm, lagi ka bang nakakita ng multo?" tanong ni John.
Napatango si Pepe sa tanong, "Good question, hindi. Ngayon lang. Kung multo nga iyon."
"hmmmmm" hinimas ni John ang kanyang baba habang nakapikit ang mga mata.
"Galing mo tlaga! So malamang nagsinugaling si Sister!" bulong ni Mario na sinang ayunan ng iba maliban kay Pepe na nakatingin kay John at nag-iisip.
"Wag muna kayong manghuhusga," minulat ni John ang kanyang mga mata, "dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon. Maari rin namang niloloko tayo ni Pepe. Niloloko ba kami? Huh?"
"Ba't ko naman kayo lolokohin? Anong mapapala ko?" sagot ni Pepe.
"Well, tama ka. Kami na nga lang ang kaibigan mo sa school tapos lolokohin mo pa kami" sabi ni John habang hinihimas ulit ang kanyang chin. Tumayo ito sa harapan ng lamesa at bumulong sa gitna ng kanilang umpukan, "Ang next step! Dapat mapasok natin ang kwarto kung saan nakita ni Pepe ang lalaking nakabarong!"
"Dinggggg! Dingggggg! Dingggggg! Tunog ng kampana sa tuktok ng resthouse.
"Ay tapos na ang recess! Bitin naman Detective!" sabi ni Lucio sunod and malakas na tawanan ng magkakatabi.
"Hahaha! Hanggang sa muli!" sagot ni John sabay alis.
Tumayo na si Pepe pati ang ilan sa magkakabarkada, "Baliw talaga tong si John no? Pero valid naman yung mga tanong niya," sabi ni Michael.
"Ikaw na. Sa NBI nagtatrabaho tatay nyan. Baka ganyan din magtanong sa bahay yun!" kwento ni Mario.
"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?" mustra ni Lucio na nagpatawa sa kanilang lahat pati kay Pepe.
Umalis na ng canteen sina Pepe at pumunta sa isang kwarto sa 1st floor ng resthouse malapit sa main hallway kung saan gaganapin ang kanilang first activity.
"Students! I will call out your names and hand you a letter. After you receive the letter, you will go outside and find a quiet place to read the letter alone. I repeat! ALONE HA? Malawak ang field, you all have enough space outside. Tutulungan ako nina sister bantayan kayo, Okay?" sabi ng kanilang adviser.
"Opo!" sagot ng mga estudyante. Kakaunti na estudyante na lamang ang natitira sa loob ng room nang matawag si Pepe. Kinuha niya ang sulat at lumabas ng kwarto.
"Hehe! Sino pa ba? Eh d si Inay," sabi niya habang tinitignan ang sobre. Bago tuluyang bulatlatin ang sulat ay tumingin siya sa paligid at naghanap ng magandang pwesto at habang naghahanap ay nagkaroon siya ng magandang idea.
"Nasaan ka na Pia?" isip niya habang tinatalasan ang kanyang paningin na parang cellphone na pwedeng magzoom-in sa buong field. Natutunan niya ito nitong nakaraang linggo lamang matapos ang laban nila sa mga Wolfgramm.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...