"Ano kaya ang dadalhin ko?" sabi ni Pepe habang tumitingin paikot sa kanyang kwarto.
"Itong mga libro, matutuwa si Pia dito. Ano pa?" sabi niya, "Damit! May beach dun! Baka mapaswimming ako!"
Inayos ni Pepe ang kanyang backpack, nilagay ang mga dadalhin at kinuha ang kanyang Ubelt. "Ubelt, backpack," lumabas muli ang itim na hangin mula sa Ubelt at kinuha ang backpack.
"Nice! Maliit na beltbag lang dala ko," sabi niya habang nagbibihis. Nagsuot si Pepe ng isang dark na cargo shorts, puti na polo-shirt at white na rubber shoes.
"Dito na kame sa kanto ninyo," sabi ni John gamit ang isang messenger.
Tumaas ang isang kilay ni Pepe, "Sila?" isip niya, "Sinong kasama mo?" sagot niya.
"Pinsan ko, siya ang magddrive para sa atin. Wag ka mag alala. Wala siyang alam kaya wag na lang natin pag-usapan yung tungkol kay Pia sa sasakyan." reply ni John.
"Okay, nice!" sagot ni Pepe.
"Sinabi ko sa kanya may project lang tayo, Hahaha!" sagot ni John kay Pepe.
"Sige, magpapaalam lang ako kay Inay," sabi ni Pepe.
Bumaba si Pepe suot ang kanyang beltbag, "Inay, aalis lang po ako."
"Saan ka pupunta?" tanong ng nanay ni Pepe habang nasa kusina.
"My special project lang po kame," sabi ni Pepe sabay kuha sa kamay ng nanay niya para magmano, "kasama ko si John, alis na po ako."
"Mag-ingat kayo ha?" sabi nito, "I love you Anak!"
"Baka gabihin po ako ng uwi Inay. Dala ko naman cellphone ko," sabi ni Pepe habang palabas ng pinto.
"Ha? Wag mong papatayin cellphone mo ah?" sigaw ng kanyang nanay.
Isang malaki at mamahaling kotse ang nakita ni Pepe sa kanto, "Ito na siguro iyon," sabi niya. Paglapit niya ay bumaba ang isang madilim na bintana nito at kumaway si John na parang contestant sa Miss Universe.
"Hey!" sabi ni John. Nakasuot din ito ng khaki na shorts pero nakasando lang ito. "Hey ka din!" sabi ni Pepe.
"Pinsan ko si Jason," sabi ni John. Tumingin ang lalaki sa rear view mirror ng kotse at tumango kay Pepe, "Hi Kuya, thank you po ah." sabi ni Pepe.
"Ngumiti lang ang lalaki, "Tara na?" tanong nito.
"Tara," sabi ni John.
Habang nasa byahe ay natulog lamang si John. Puyat daw kasi siya kakalaro sa kanyang PS4. Si Pepe naman ay pinipilit magising dahil nahihiya siya sa pinsan ni John pero nakatulog din siya.
Dumating sila ng alas-quatro ng hapon sa Alaminos City, Pangasinan. Nagcheck-in lang sila sandali sa isang hotel para may tutulugan ang pinsan ni John at lumabas na ang dalawa para maghanap ng tricycle.
"Buti na lang pala sumama ka, may financer ang lakad ko," sabi ni Pepe habang tumatawa.
Ngumiti naman si John, "Pasalamat ka curious ako sa pagiging mangkukulam ni Pia. Tignan ko kung totoo sinasabi mo," sabi nito.
"Totoo iyon," sabi ni Pepe. "Tignan natin," sagot ni John.
Naglakad ang dalawa sa isang terminal ng tricycle malapit sa hotel nila.
"Sa Pandan, doon kayo pupunta?" tanong ng drayber pagpasok ni Pepe at John sa loob ng tricycle.
"Opo!" sabi ni Pepe.
"Sa resort?" tanong ulit ng drayber na parang nasa apatnapung taong gulang ang tanda.
Nagkatinginan si Pepe at si John, "Opo! Doon po!" sagot ni Pepe.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...