"Mabuti na lang at nakita nyo siya ng mga kasama mo. Pasensiya na kayo ha! Hindi ko alam na paano napapad doon ang anak ko. Mabait naman iyan at masipag at masunurin. Bayaan mo at pagsasabihan ko siya. Naalimpungatan si Pepe sa boses ng kanyang nanay.
"Ah wala po iyon. Okay lang po!" sabi ni John. "Salamat ulit ha? Oh kaen ka muna John. Paborito ni Pepe yan kakainit ko lang," alok ng matanda.
Sininghot ni Pepe ang amoy ng tinola, "uhmmmm. Gutom nako! Pero.. Teeeeka nasaan na ako?" isip niya.
"Nay?" sabi ni Pepe. Nabulag siya sa liwanag kaya't dahan dahan niya minulat ang kanyang mata. "Anak! Anak! Salamat at gising ka na!" Niyakap si Pepe ng kanyang nanay, "Tatawagin ko lang yung doctor ha!" sabi ng nanay niya sabay labas ng kwarto. "Tita! May button po dito na pantawag ng nurse!" sabi ni John subalit hindi na siya narinig ng nanay ni Pepe.
Tumingin si Pepe sa paligid, "Ah ospital," isip niya at nakita niya si John na nakaupo sa may pintuan. "John! Anong nangyari?" sabi niya. Tumayo agad si John at lumapit sa kama. "Mabuti naman at nagising ka na!" sabi ni John. "Salamat. Anong nangyari? Nasaan na sila?" sabi ni Pepe.
"Handa ka na bang malaman?" sabi ni John. Nagsalubong ang kilay ni Pepe, "Bakit? May nangyari bang masama?" sagot niya. "Handa ka na ba?" ulit ni John. "Bakit ganyan ka? Sabihin mo na!" sagot ni Pepe.
"Ay teka lang!" sabi ni John. Lumapit siya kay Pepe at tinuro ang isang dignum na singsing na nakasuot sa kaliwang ring finger ni Pepe. "Huwag mong tatangalin yan," sabi ni John. "Bakit?" sabi ni Pepe. "Sige tanggalin mo," sagot ni John. "Akala ko ba huwag kong tanggalin," sabi ni Pepe.
Natawa naman si John, "Para lang makita mo kung anong mangyayari." Tinignan ni Pepe ang singsing, "Lakas ng trip mo ah. Safe to ha?" sabi ni Pepe. Natawa ulit si John, "Oo! Sige na bilisan mo," sabi niya.
Dahan dahan tinanggal ni Pepe ang singsing at isa-isang nagsulputan ang maraming patik sa kanyang katawan. Nanlaki ang mga mata ni Pepe, "ANO ITO?" sabi niya sabay suot ulit ng singsing. "Sa Manunugis yan," bulong ni John. "Manunugis? Paano nangyari to?" sabi ni Pepe.
"Mahirap ipaliwanag eh. Ito na lang. Watch this," dumukot si John sa kanyang bulsa at isang smartphone ang kanyang inilabas; Ang Ephone X3, ang pinakamahal na smartphone ngayon. Pumindot siya sa screen ng telepono at pagkatapos ay inabot ito kay Pepe.
"Ah, video!" sabi ni Pepe. "Prepared by John," nakasulat sa itim na screen ilang segundo pa lamang ang nakakalipas. Lumabas sa video ang mapulang buwan at tumunog ang isang rock music na may halong nakakatakot na huni ng violin at melodiya ng isang piano. Sunod doon ay lumabas sa video ang mga aswang na kinalaban nina Pepe; mula sa pinakamahina hanggang sa pinakamalakas na parang bang opening song ito ng isang anime series. Pagkatapos ng mga kalaban ay ang mga bida naman ang pinakita. Isa isang lumabas ang mukha ng kanyang mga kasama at nagdulot ito ng ngiti kay Pepe.
Pagkatapos ipakilala ang mga bida ay pinakita naman ang pakikipaglaban nila sa mga nakakatakot na mga aswang at mga demonyo. Si John, Karl at si Pepe, at pagkatapos ay si Lola Armina at si Elena naman ay sumulpot sa likod nilang tatlo. Sunod ay ang mga mangkukulam na sina Pia at Hinaryo. Gamit sa video ang mga laban na nakuhanan ni John gamit ang kanyang drone na hinaluan ng animation na mataas ang quality. Pati ang laban nina Pepe sa loob ng malaking pintuan ay pinakita din (hango sa kwento ni Karl). "Huh? Ang alam ako ang sumira ng singsing ah! Bakit si Karl dito?" isip ni Pepe. Sunod ay ang pagsapi ng manunugis kay Pepe at ang laban nito kay Adam. Kasama din ang ang pagtakbo ni Karl habang hinahabol siya ng manunugis. "Oh buti nga sayo!" Credit Grabber!" isip ni Pepe. Natigil lamang ang paghabol ng manunugis kay Karl ng ipakita ni Elena ang kanyang singsing at patik na nagpapatunay na isa siyang hunter at kakampi nila si Karl. Matapos kausapin ni Elena ang manunugis ay naglaho na ito. Bumagsak ang katawan ni Pepe na agad namang sinalo ni Pia.
"Yiihiiiiiii" isip ni Pepe. "Lover boy!" sabi ni John suntok ng mahina sa pisngi ni Pepe.
Biglang bumagal ang musikang ng video at napalitan ito ng malungkot na melodiya. Sa parteng iyon ay hinawakan ni Elena ang drone ni John at nagpaalam ito. Humingi siya ng tawad dahil kailangan na niyang umalis agad at nagpasalamat siya. Sabi din niya na huwag mag-alala kay Lola Armina dahil aalagaan niya ito sa Danawa, ang mundo ng mga diwata.
"Pepe, ikaw na ang bahala dito," sabi ni Elena, "At lahat ng maiiwan namin ay sa iyo na". Ipinakita ni Elena ang isang malaking susi at ibinigay ito kay John. Tumingin si Elena sa camera ng drone ng ilang segundo at bahagyang ngumiti. Bakas sa mga mata niya ang lungkot at pagkatapos ay tumalikod na siya at kumaway. Ipinakita sa video kung papaano umalis sina Elena at mga diwata at ang kasunod na eksena sa video ay si John at Karl na nagsasayaw at nagsasaya. Doon na natapos ang video.
Nagsalubong muli ang kilay ni Pepe, "Yun lang?" sabi niya. "Oo yun lang," sabi ni John. "Sigurado ka?" sabi ni Pepe. "Oo, yan nga lang!" sabi ni John. "Si Karl nasa base natin. Yung dedication ba nya hanap mo? Ayaw nya. Corny daw," sabi ni John.
"Ahhhh. Okay," sabi ni Pepe. "Oh? Bakit parang hindi ka masaya? Pinaghirapan ko yan ha! Ako lang gumawa nyan. Ah yung susi nasa base din natin. Yun ba ikinalulungkot mo? Wag ka mag-alala ibibigay ko yun paglabas mo dito," sabi ni John.
Biglang bumukas ang pinto at agad napalingon si Pepe, "Ayan doc! Gising na ang anak ko!" sabi ng nanay niya kasunod ang doktor at isang nurse. Parang hindi natuwa si Pepe sa nakita. Kinausap ng doktor si Pepe at makalipas ang ilang minuto ay lumabas na. Lumabas din ang nanay ni Pepe upang bumili ng bagong lutong pagkain.
"Pepe. Uuwi na ako," sabi ni John sabay lapit ng pinto. "Ah sige, ingat! Salamat ha," sabi ni Pepe. "Walang anuman," sabi ni John. Binuksan niya ang pinto, "Teka, wala ka bang itatanong sakin?"
"WALA!" sabi ni Pepe. Tumawa ng malakas si John at bumalik sa loob. "Wag ka nang mapikon. Binuksan ni John ang dala niyang bag at inabot kay Pepe ang isang pulang papel na nakatiklop, "Oh!" sabi niya. "Ano yan?" sabi ni Pepe. "Ayaw mo ba?" sabi ni John subalit agad itong kinuha ni Pepe. Tumawa ulit ng malakas si John at pagkatapos ay kumaway na at lumabas ng pinto.
Tinignan ni Pepe ang kulay pulang papel at binuklat ito. Walang nakasulat sa harap kaya't binaliktad niya ito. "Wala?" sabi niya nang wala pa ding makita sa kabila. Tumingin si Pepe sa paligid at pagkatapos ay tinignan muli ang papel.
"Pia?" sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ni Pepe nang makita ang sunod sunod na pagkabuo ng mga letra sa papel. Umabot sa batok ang kanyang ngiti nang makita ang mga unang salita at marinig ang boses ni Pia mula sa mga salitang nakasulat.
My Dearest Pepe,
First things first, I'd like you to know that this my first time doing this. So please wag mo ako patawanan okay?
Pepe, I did not expect na magiging iba ang experience ko sa mundong ito. Before, it was the same old routine. Palipat-lipat ng house at ng school. Magkakaroon ng friends pero magpapaalam din. Paulit-ulit, ulit, ulit, hanggang sa umabot sa ayaw ko nang magkaroon ng friends at makipagkilala. Bucket pa diba? LOLS (Get the reference?)
I didn't expect din na aabot tayo sa ganito. You were always the shy type, always looking. Haha! Pero hangang tingin lang! But I love the way your face looks whenever you look away pag nahuhuli kita. And you're very funny sa school! Very memorable ka sakin!
Tapos we became closer nung field trip but it felt like it ended there na din. Akala ko parehas lang din ng sa iba yung mangyayari sa atin. Nakilala kita, naging friends tayo at pagkatapos ay nagpaalam na ako. Ang bilis diba?
But you're different! You followed me! And changed me! Hindi ko makakalimutan iyon. How you stood up for me against my Lolo and how we fought together against Barlan, sa islands and this fight with the aswangs. Maraming salamat Joseph.
Mamimiss kita. In fact, I miss you right now habang ginagawa ito. Will you miss me? I hope so! It turns out parang ganun din pala. I am leaving para hanapin ang lolo ko. Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Isa pa, don't ever try to find me! Your family needs you. Pati ang mga tao kailangan ng Aswang Hunter! Okay?
I will come back, I PROMISE YOU!
Your Mangkukulam (Am I?),
Pia
PS: this paper will turn into a teddy bear, just touch this and say my name!
**********************************************************************************************************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...