Hindi makapaniwala si Pepe sa narinig, "Hunter na po ako?" sabi niya habang nakakunot ang noo. "Oo, Pepe. Ilang beses ko nang nakita ang matinding malasakit mo sa iyong kapwa lalo na sa taong mahalaga sayo. Para sa akin ay iyan ang pinakamahalagang ugali na dapat mayroon ang isang Hunter." Napapalakpak si Pia sa saya at si John naman ay napangiti sa sinabi ng matanda.
"Pwede kong turuan ang isang tao para maging pinakamalakas at pinakamagaling subalit kung wala siyang malasakit sa kapwa ay walang kwenta ang lakas at galing na ito," patuloy ni Lola Armina habang nakahiga.
"Parehas kayo ni Amang. Hindi siya ang pinakamagaling, pinakamalakas at pinakamatalino--"
"Ouch," mustra ni John kay Pepe habang nagsasalita ang matanda. Sinuway siya ni Pia at tumingin ang dalaga kay Pepe subalit seryoso ang binata at tila hindi napapansin ang ginagawa nila.
"--pero sa kanya pinagkatiwala ang Lukbutan dahil sa kanyang malinis na intensyon at busilak na puso." Napayuko si Pepe at napatingin sa singsing na suot niya, ang simbulo ng Crescent Moon at isang kutsilyo sa ibabaw nito, "Salamat po sa pagtitiwala," isip ni Pepe.
"LET'S DO IT!" sabi ni Rufus habang nakangisi at nanlalaki ang mga mata.
Napalingon si Pepe at mga kasama niya sa narinig. "Kailangan niya ng tulong!" sabi ni Pepe at akmang pupunta sa tabi ni Elena subalit hinawakan ni Lola Armina ang kamay niya. Bumitaw ang dalawang ahas sa leeg ng matanda at tumayo si Lola Armina na ikinagulat ni Pepe at John. "Wait Lola!" sabi ni Pia subalit hindi siya pinansin nito. Agad na ipinatong ni Lola Armina ang kanyang kanang palad sa dibdib ni Pepe, "Dahil isa ka nang Hunter, ikaw ay may responsibilidad na sumunod sa utos ng Grandmaester, ako iyon," sabi ng matanda. Nakaramdam si Pepe ng init sa dibdib, "Ano ito?" isip niya habang nakatingin sa palad ng matanda sa kanyang dibdib.
Tinanggal ni Lola Armina ang kanyang palad sa dibdib ni Pepe at tumayo sa gilid ng binata, "At ang unang utos ko sayo ay wag kang umalis dito sa tabi ko. Naiintindihan ko ang kagustuhan mong tumulong pero ang pagiging padalos-dalos mo ay ang magpapaikli ng buhay mo," sabi niya.
Natauhan si Pepe sa sinabi ng matanda at hindi na gumalaw. Naalala niya ang ilang mga delikadong pangyayari na sinuong niya; ang paghahanap ng aswang sa park, ang paglaban kay Barlan, ang pagsugod sa kampo ng mga aswang, ang paghahanap kay Pia at ang pinakahuli, ang biglaang pagsugod kay Rufus. Inisip niya ang kanyang mga magulang at kapatid at ang mararamdaman nito kung siya ay mamatay, "Tama si Lola. Hindi ako dapat padalos-dalos," isip niya.
Huminga ng malalim si Pepe at tinignan si Elena at ang kalaban. Sa mata ni Elena ay makikita ang apoy mula sa nasusunog na dojo at ang apoy na ito kasama ang buwan ang nagsisilbing liwanag para sa kanilang dalawa ni Rufus. Hinawakan ni Elena ng dalawang kamay ang kanyang samurai at mabilis na sumugod kay Rufus. Kahit malaki ang katawan ng kalaban ay naiilagan nito ang mabilis na pagtaga ni Elena sa iba't ibang parte ng katawan.
"Si Rufus ay isa sa mga Heneral ni Calvin," sabi ni Lola Armina. "Bukod kay Rufus ay may dalawa pang Heneral," dagdag ng matanda. "Mabilis siya," sabi ni Pepe. "Yes. Kahit ako ay hindi nakatagal sa bilis ni Rufus, pero iba ang bilis at liksi ni Elena," sabi ni Lola Armina.
Nang hindi makatama si Elena ay umilaw ang kanyang katawan at nagkaroon ng malakas na pagsabog. Napaatras si Rufus at hinarang ang kanyang sandata, hindi ito nasaktan. Mula sa pwesto ni Rufus ay tinaga niya ang kanyang malaking espada sa direksyon ni Elena at mula sa galaw ng espada ay nabuo ang isang talim na gawa sa hangin at sumugod ito kay Elena.
"Wind?" sabi ni Elena sabay sa pagtaga niya sa hangin sa sumugod sa kanya. Nahati ito sa gitna at umama sa mga puno sa likod na ikinasira ng mga ito. "YES, we can now use the elements. THANKS TO DIGNUM!" sabi ni Rufus at pagkatapos ay tumawa ito ng malakas. Hinawakan ni Elena ng mabuti ang kanyang samurai at pumorma, "Good then, now killing you won't be boring," sabi niya.
Tumawa ulit ng malakas si Rufus at sunod-sunod na tinaga ang kanyang espada sa hangin na nagbunga ng maraming talim na hangin. Sumugod ang mga ito kay Elena subalit sa halip na umilag ay hinarap niya ito. Gamit ang kanyang samurai ay hinati niya ang mga ito habang naglalakad papalapit kay Rufus.
Kumalat sa ibat' ibang direksyon ang mga nahati na talim. Tumama ang ilan sa mga ito sa nasusunog na dojo at ang ilan naman ay papunta kina Pepe, "Fire Wall!" sabi ni Pia nang makita ang ilang talim na papunta sa kanilang direksyon. Tumama ito sa pader na ginawa ni Pia at biglang naglaho, "Dignum weapons are really powerful! Walang kwenta ang mga elemental na pag-atake sa isang magaling na Hunter," sabi ni Pia.
"Maaring totoo iyan, pero hinding hindi ko mamaliitin ang galing at kakayanan ng mga VISHAYAN sa pakikipaglaban," sabi ni Lola Armina.
Tumawa pa ng mas malakas si Rufus ng makitang malapit na sa kanya si Elena, "YES! Come Closer!" sabi ni Rufus. Tumigil ito sa pagtaga ng kanyang espada at sumuntok sa hangin gamit ang kanang kamao. Malakas na pagsabog ang lumabas sa suntok ni Rufus at isang hugis kamao na gawa sa hangin ang mabilis na sumugod kay Elena.
Umilag si Elena subalit nadaplisan siya nito sa braso, "Mabilis ang isang iyon," sabi niya sabay bitaw ng kanang kamay sa kanyang samurai. Hindi maigalaw ni Elena ang kanyang braso na tila nabalian kaya't kaliwang kamay na lamang ang pinanghawak sa kanyang sandata. Napangiti si Rufus sa nakita. Nawala ang kanyang espada at sumuntok ito ng sunod sunod gamit ang dalawang kamao. Tumalon si Elena para umilag. "I got you now!" sabi ni Rufus sabay suntok ulit sa hangin. Nang malapit nang tamaan si Elena ay tumalon ito sa hangin, "Paano niya nagawa iyon?" isip ni Pepe.
"That's a nice trick!" sabi ni Rufus. Tumalon si Rufus pasugod kay Elena, "Zweihander," sabi niya. Inihagis ni Elena ang kanyang samurai kay Rufus subalit tinabig lamang ito ng kalaban. Paglapit ni Rufus kay Elena ay mabilis nitong inatake ang babae gamit ang kanyang espada subalit nailagan lahat ito ni Elena habang silang dalawa ay bumababa sa lupa.
Nauna si Elena bumagsak sa lupa, "Zhao Yun," sabi niya at lumabas ang isang pula na submachine gun sa kanyang harapan. Agad niyang niratrat si Rufus ng bagong labas na baril habang tumatalon paikot dito. Umilag si Rufus sa pamamagitan ng pagtalon at pag-ikot kay Elena at hinahabol naman ni Elena ang kanyang mga galaw.
Habang hinahabol ng mga bala si Rufus ay bigla itong tumigil malapit kay Elena at sumigaw. Sumunod dito ay isang malakas na pagsabog sa kanyang paligid. Inihampas ni Elena ang kanyang kaliwang kamay paitaas, "WALL," sabi niya at nabuo ang isang pader ng hangin na nagprotekta sa kanya. Matapos ang pagsabog ay agad na niratrat ulit ni Elena si Rufus na ginagamit ang kanyang espada ngayon para maharang ang mga bala ni Elena. Habang dumedepensa si Rufus ay kinontrol ni Elena ang kaninang nalaglag na samurai gamit ang kanyang spiritual na enerhiya at sinaksak ito sa likod ng kalaban.
Bumaon ang samurai sa makapal na aura ni Rufus subalit tumigil ito at hindi man lamang umabot sa balat ng aswang. Diniin pa ni Elena ang samurai subalit nabasag ito. Tumawa ng malakas si Rufus, "This is the REAL hardening!" sabi niya. Pagkatapos niya tumawa ay isang ilaw ang lumabas sa kanyang tabi. Lumabas sa ilaw na ito ang isang babae na may maikli at ginintuang buhok. Kaparehas ng kay Rufus ang suot niyang uniporme.
"Riva! What are you doing here? And where is Marcus?" sabi ni Rufus.
Kasunod ni Riva ay labin-limang sundalong aswang ang lumabas at pumaligid sa kanilang lahat. "What's taking you so long? You are needed elsewhere," mahinahon na sabi ni Riva. Binaba ni Rufus ang kanyang espada, "Long?" I've only been here for 30 minutes!" sagot niya.
"I'm taking over this operation. Get the hostage!" sabi ni Riva. Nagtalunan ang mga aswang pasugod kina Pepe subalit natigilan sila dahil sa isang malaking bato na bumagsak sa harapan nila mula sa itaas. "Snake Dragon!" sabi ng isang pamilyar na boses. Tumubo sa paligid nina Pepe ang sampung ahas na bato. May sungay ang mga ito at sa malaking bato naman na bumagsak ay lumabas ang Lolo ni Pia.
"Walang makukuhang hostage hangga't nandito ako!" sabi ng matandang lalaki.
***********************************************************************************************Hello everyone! Kumusta kayo?
Please vote and comment!
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...