Chapter 9 - Mga Kasagutan

4.1K 176 4
                                    

"Sasama ako sayo? Talaga?" sabi ni Pepe na abot tenga ang ngiti. Hindi siya pinansin ng hunter bagkus ay tumalikod ito.

"Talaga? Saan?" sabi ni Pepe sa kanyang normal na boses nang mapansin niya ang mahaba niyang ngiti. Tinitignan niya ang nakatalikod na Hunter na parang may kinukuha. Pagharap nito ay may hawak na itong pulang tela na nakaikot.

"Ano yan?" sabi ni Pepe.

Inilabas ng hunter ang kanyang magandang ngiti at inihagis ang pulang tela paitaas, "Kamay na hangin," sabi ng Hunter kasabay ang pagtaas ng kanyang kanang kamay sa tapat ng kanyang mukha. Lumutang ang tela sa kanyang harapan at nanatili doon.

Lumuwa naman ang mata ni Pepe sa nasaksihan, "Paano mo nakokontrol ang hangin?"

"Alam kong maraming kang tanong, mamaya sasagutin kita. Lahat ng pwede mong itanong sasagutin ko," dahan dahan na sinabi ng Hunter.

Gumalaw ang pulang tela sabay sa galaw ng kamay ng Hunter. Bumukas ito mula sa pagkakabilot nang ibuka ng Hunter ang kanyang kamay at tumayo ito sa harapan nilang dalawa.

"Bukas," sabi ng hunter.

Nagningas ng dilaw na ilaw ang mga karakter at mga simbolo sa na nakasulat sa pulang tela.

"Wow! Ano yan?" sabi ni Pepe habang hawak ang magkabila niyang pisngi.

"Pasok!" sabi ulet ng hunter

Nagulat si Pepe sa sinabi ng Hunter at napatingin ng mabuti sa pulang tela bago tumingin ulit sa mga mata ng katabi. Parang nagtataka ang mukha ni Pepe, salubong ang kilay nito at kunot ang noo subalit nawala ito ng kindatan siya ng Hunter.

Lumapit si Pepe sa harap ng tela at pumorma, "Isa, dalawa tatlo!" bilang niya sa kanyang isip bago tumalon papasok. Isang matinding liwanag ang sumalubong sa kanya na agad naman napalitan ng isang malaking kwarto.

Walang imik si Pepe na inikot ang kanyang paningin. Tinignan niya ang kanyang sarili sa makinis na sahig na parang ang kintab ay to the max. Tinignan din niya ang mga nakasabit na karakter at mga simbolo sa pader na gawa sa iba't ibang uri ng bato at kahoy. Parang isang Martial Arts Dojo ang kwarto na iyon, kulang na lang ay mga samurai at katulad na ito ng mga nakikita niya sa TV maliban sa ibang nakasabit na karakter at bato.

"Dito tayo," sabi ng Hunter mula sa likod ni Pepe. Lumingon siya at nakita na naglalakad papunta ang hunter sa tila isang malaking kahoy na pintuan. Napansin agad niya na itim na medyas na lamang ang suot nito sa paa kaya agad niyang tinanggal ang kanyang tsinelas at inilagay ito sa tabi ng boots ng hunter.

Namangha si Pepe. Maganda ang pagkakagawa sa boots ng hunter, mukha itong matibay at maganda ang disenyo, "meron kaya itong mga nakatagong kutsilyo?" tanong ni pepe sa kanyang sarili.

Pagtayo niya ay sinundan agad niya ang hunter. Nakasulat sa ilang kahoy na nakasabit sa pader ay mga karakter na kilala ni Pepe.

"Baybayin ito diba?" sabi ni Pepe habang sinusundan ang hunter.

"Oo," sabi nito sa kanya.

"Ikaw ang nagsulat?" tanong ni Pepe. Ngayon napansin niya ang mahinang dagundong na palakas ng palakas habang lumalapit sila sa malaking pintuan. Ang dagundong ay nadagdagan ng malalakas na lagaslas ng tubig sa paglapit nila.

"Hindi ako," sabi ng hunter habang mabagal na binubuksan ang malaking pinto. Pumasok ang liwanag ng araw sa kwarto at lumakas lalo ang mga dagundong. Dahan dahan niyang nakita ang mga halaman na bumubuo sa isang hardin at isang malaki at napakagandang talon. Kitang kita sa kanyang pwesto ang malakas na agos ng tubig na dumadaan sa tabi ng malalaking bato na nagsisilbing pader ng hardin, diretso sa isang malalim at malakas na pagbasak sa ibaba. Sa gilid ng hardin ay may isang kahoy na lamesa na napapalibutan ng batong upuan.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon