Chapter 13 - Unang Pagsubok

3.3K 147 7
                                    

Nagmadali si Pepe bumaba ng hagdan. Nilampasan niya ang kanyang mga kaklase at tumakbo palabas ng building. Mayroong excitement sa kanyang mga kilos hindi dahil sa nararamdaman niyang malapit na magsimula ang kanyang pagsasanay kung hindi dahil nagtext sa kanya si Elena.

Lumampas siya sa canteen at sa corridor ng University. Pagdating niya sa gate ay tumatakbo pa rin siya hanggang sa labas at papunta sa likod kung saan malapit ang garden na tinukoy ni Elena sa text.

Kilala ang garden na iyon. Isang daan taon na mula ng itinayo ito at makikita ito sa maraming magazines at videos. Madalas din itong pagdausan ng kasal at iba pang mga event ng mga elite na tao ng bansa.

Bata pa si Pepe noong una niyang makita ang loob ng garden. Fieldtrip nila noon at maraming pinagbawal sa kanila na puntahan. Malawak ito sa loob, may isang malaking fountain sa gitna nito at kasunod ng fountain ay isang malawak at maraming serye ng pader na gawa sa halaman na animo'y isang maze. Sa tapat ng maze sa kabilang dulo ay isang luma at magandang bahay. Kung tatayo ka sa balkonahe nito may makikita mo siguro ang buong hardin at ang buong ganda nito. Pinagbawalan silang pasukin ang bahay at doon lamang sa tapat nito nag ikot ikot kung saan isang outdoor exhibit ng mga halaman ang makikita.

Hindi na si Pepe nakapasok muli sa garden dahil may kamahalan ang entrance fee nito. "Hardin de Cassandra," basa ni Pepe sa harap ng gate. Sa kanan ay isang booth, "PHP 500" ang nakasulat sa salamin. Napailing si Pepe habang kinukuha ang kanyang wallet. Katumbas na kasi ng isang linggong allowance niya sa school ang magagastos niya, "Irereimburse kaya ni Elena ito? Bakit kasi dito pa?" isip niya.

Pumasok si Pepe tumambad agad ang magandang hardin, kasabay nito ay ang ilang alaala noong bata pa siya, "Walang nagbago," sabi ni Pepe. Mula pa lamang sa entrance ay naririnig na niya ang lagaslas ng tubig mula sa malaking fountain kaya't natuwa siya. Nilakad niya ang bukana ng garden subalit hindi niya makita si Elena. Pinuntahan niya ang exhibit ng mga halaman sa tapat ng malaking bahay subalit wala pa din ang katagpo niya. Pumunta siya ngayon sa harap ng malaking fountain at tumunog ulit ang kanyang cellphone.

"Andito ako sa Maze, sumunod ka dito," nakaramdam ng ginhawa si Pepe nang mabasa ang text. Syempre nakaramdam din siya ng kilig dahil sa mga napapanood niyang eksena ng mga bida sa pelikula tuwing may isang maze garden. Pumasok si Pepe sa gitna ng maze ng may ngiti sa labi "hahanapin kita Elena", isip niya.

Hindi alam ni Pepe kung gaano kalaki ang maze basta naglakad lamang siya ng naglakad. Makalipas ang ilang minute ay hindi na niya alam kung nasaan na siya at bahagya siyang nag aalala. Tinignan niya ang kanyang cellphone ngunit walang bagong text si Elena. Dahil dumidilim na naisipan ni Pepe na bumalik sa labas at magpaload. Hindi kasi siya nagloload lagi dahil wala naman siyang malimit na katext.

Umikot-ikot si Pepe subalit hindi na niya maalala ang kung saan ang exit at hindi na rin niya masundan ang pinanggaligan niya. Hinanap niya ang tunog ng fountain subalit wala na ito bagkus isang kaba ang narinig niya sa kanyang dibdib nang mabasag ang katahimikan ng isang isang pamilyar na hingal.Hindi siya nagkakamali sa kanyang narinig, "Balbal!" isip ni Pepe.

Kinabahan si Pepe at nagtaka sa mga nangyayari, "Tatagpuin ko si Elena dito ah pero bakit may balbal?" isip niya. Gusto sana niyang bilisan ang paglakad subalit nag-iingat siya na baka may makasalubong siya. Tumitigil siya sa tuwing liliko, dahan dahan muna na sisilipin at papakinggan kung anong meron sa malapit bago magpatuloy. Lalo naman tumindi ang tension na naramdaman habang tumatagal siya sa loob ng maze. Lakad siya ng lakad ngunit parang hindi siya makalayo sa tunog na hingal ng balbal at para bang sinusundan siya nito.

Alas-syete na ng gabi at tanging ang ilaw na lamang sa sahig ng hardin ang gabay ni Pepe. Umilaw ito nang magsimulang dumilim subalit walang nagbago, naliligaw pa din siya. Tumigil siya sa paglalakad at nagisip kung paano makakalabas ng maze. Kanina pa niya hawak ang kanyang cellphone subalit walang nang sumunod na text. Kailangan na niyang makaalis sa maze sa lalong madaling panahon. Hindi na niya hihintayin si Elena. Tumingala siya at naisipang akyatin ang mataas na pader ng garden. Mataas ang pader subalit iyon na lamang ang pwede niyang gawin.

Humawak si Pepe sa pinaka mataas na baging na abot niya at hinila ang sarili paakyat. Naghanap ang kanyang paa ng tatapakan at umabot muli ng mas mataas na kahoy o baging. "Aray!" sabi niya nang makahawak ng isang matalas na tinik. Dahan dahan umusad siya pataas nagtamo siya ilang sugat at gasgas subalit nagtagumpay siya. Bago tumayo ay sinilip muna niya ang kanyang pinanggalingan, "Wow! Galing ko ah," bulong niya nang makita ang taas na kanyang inakyat.

Pagdating niya sa taas ng pader ay nagulat siya sa nakita. Walang ilaw sa labas ng maze, hindi niya makita ang fountain at ang malaking bahay. Wala rin siyang marinig na lagaslas ng tubig, "Anak ng! Saan ako pupunta?"

Naglakad na lamang si Pepe sa ibabaw ng mga pader. Gawa ito sa semento at tinaniman lamang sa gilid ng mga halaman at baging.

Isang malakas na tawa ang sumuklob sa buong paligid, "No cheating Joseph," sabi ng boses. Tumingala si Pepe at nakita niya ang pigura ng isang tao. Dahan dahan ito lumutang pababa sa tapat niya sa kabila ng pader na kanyang kinatatayuan.

Kuminang ang mga mata nito na parang mata ng pusa sa dilim. Mahaba at wavy ang buhok niya na sumusunod sa galaw ng hangin. May kataasan ang lalaki, nakaloong sleeves na bukas ang butones hanggang sa dibdib at naka slacks na mejo hapit. Ayaw mang isipan ni Pepe pero mas pogi ito sa kanya at kung nagaaral ito sa kanyang pinapasukan na University ay siguradong laglag panty ang mga babae tuwing makikita ito.

"Sino ka?" tanong ni Pepe.

"I am the Prince of Aswangs," sabi ng lalaki, "and soon will be the King once I get that bag from you".

Napahawak si Pepe sa bulsa at kinatuwa naman ito ng katapat niya, "How stupid! You just showed me where the bag is!" Napailing si Pepe sa nagawa niya, "Nasaan ka na Elena?" isip niya sabay kuha ng kanyang cellphone.

"Anyway, let's play first because I'm bored!"

Tumalon ang self proclaimed soon to be Hari ng mga Aswang papalapit kay Pepe at binigwasan siya nito. Hindi nakailag si Pepe. Tumalsik siya pabalik sa loob na maze at namilipit sa sakit ng suntok na tumama sa kanyang sikmura.

"Here's the game! These lights" pitik ng kanyang daliri, "will show you the exit to this maze and if you reach the exit I will let you go alive. I'll be waiting." sabi ng lalaki sa kanyang European accent. Bumangon si Pepe hawak pa rin ang kanyang tiyan.

"And by the way, it was me who texted."

Parang isang granada na sumabog kay Pepe ang sinabi ng lalaki at walang nagawa si Pepe kung hindi sisihin ang sarili. Tinignan niya ang ilaw sa sahig, "Bakit ko susundin ang sinasabi ng lalaking ito?"

Umakyat ulit si Pepe sa pader subalit isang malakas na suntok muli ang tumama sa kanya. Sa kanyang mukha naman ngayon, "No cheating Joseph!"

Nanghina ang katawan ni Pepe pero pinilit niyang bumangon. Mukhang wala siyang ibang pagpipilian kung hindi sumunod sa laro ng lalaki. Sa paligid, dinig niya biglang pagdami ng hingal ng mga balbal at kaluskos ng mga ito sa pader. Huminga ng malalim si Pepe. Hindi niya alam kung paano kokontakin si Elena pero hindi naman pwede na lagi na lang siyang aasa na iligtas siya nito. Ayaw pa niyang mamatay kaya lalaban siya. Lumakad si Pepe at sinundan ang ilaw. Tatahakin niya ang makitid na daan at ito ang kanyang unang pagsubok.

"Sibat ng Katarungan," bulong niya.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon