Chapter 22 - Hawak Kamay

2.5K 138 12
                                    


"PIA?"

Parang nasaksak si Pepe ng isang balisong nang makumpirma ang katauhan ng babae sa kanyang harapan.

"Oo Pepe, its me! Hawakan mo lang ang kamay ko and don't let go."

"Nasa langit na ba ako? May anghel kasi sa harapan ko eh!" isip ni Pepe habang ninanamnam ang tamis ng eksena na nararanasan. Para silang magsyota na tumatakbo sa dalampasigan at sunod doon ay mas maraming pang mas exciting na eksena ang pumasok sa isipan niya.

"PAANO NANGYARI 'TO? NASAAN KA?"

Binasag ng isang kakila-kilabot na sigaw ang pangarap ni Pepe. Umikot ang mga mata ni Barlan, pati ang sa kanyang mga kampon subalit wala itong nakita.

"ARRRAHHHHH!"

Tulala ang mga alagad nito. At sa paligid naman ay nagtumbahan ang ilang puno dahil sa malakas na hampas ng kapre gamit ang tatlong kamay nito na para bang nagbabaka-sakali na nasa malapit lamang si Pepe. Wala siyang tatamaan dahil malayo na ito.

Nerbyos at tuwa naman ang pakiramdam na pinipilit kontrolin ni Pepe. Parang lumulubog sa sobrang lambot na kama ang kanyang kanang kamay na nakahawak sa kaliwang kamay ni Pia. At mula sa kamay na ito ay isang malakas na tibok ng puso ang kanyang naririnig na para bang kampana na nagpapakilig sa kanyang buong katawan. Gusto man niya itong pisilin ay hindi niya magawa dahil parang hinihigop nito ang kanyang lakas at wala siyang magawa kung hindi magpatangay na lamang dito tulad sa isang dahon na nalaglag sa isang ilog. O baka naman wala lang siyang lakas ng loob.

Tumigil sa pagtakbo si Pia at sinilip kung nasaan ang kalaban, "Safe na ba tayo? Ano na ang gagawin natin Pepe?" sabi nito na napahawak ang isang kamay sa tuhod habang humihingal.

"Safe?" Bilang natauhan si Pepe sa narinig. Paano sila magiging safe? Eh nandiyan pa rin si Barlan. At ang mga madre at ang kaibigan nila ay kontrolado pa nito. Maraming tanong ang pumasok sa isipan niya pero ang pinaka-obvious ang nangingibabaw, Bakit gising si Pia?

"Paano ka nagising?" sabi ni Pepe sa ilalim ng kanyang panyo, "Isuot mo ito sa bibig mo para hindi ka makontrol ni Barlan," binitawan ni Pepe kamay ni Pia para tanggalin ang panyo sa kanyang bibig subalit hinabol ito ng kamay ni Pia at hinawakan ng mahigpit.

"No Pepe, wag kang bibitaw! And don't worry, hindi tatalab ang powers ni Barlan sa akin. At hangga't magkahawak tayo ng kamay ngayon ay hindi rin ito tatalab sa iyo. Hindi ka rin niya makikita o maririnig like what happened kanina."

Kumislap ang mga mata ni Pepe sa narinig, "Ahh? S-sige, hindi ako bibitaw. Pero paano mo nagawa ito? May espiritual na kapangyarihan ka din?"

"Spiritual power? Nope, parang wala naman. Ikaw ang may power! I saw you fight!"

"Ehehe! May nagturo sa akin kung paano lumaban pero kung hindi dahil sayo ay nahuli na ako ni Barlan. Actually, Ikaw talaga ang may power."

"Power over me!" Gusto sanang isigaw ni Pepe pero nanatili ito sa kasulok-sulukan ng kanyang isipan. "Buti na lang at gising ka. Hindi ka ba natakot?" sabi ni Pepe.

"Nope! Wala akong powers! Haha!" sabi ni Pia sabay tapik sa balikat ni Pepe.

"Yes you have! Sige pa, tapikin mo lang ako!" isip ulit ni Pepe.

"Nagising ako sa mga weird voices mula dun sa malaking portrait. Tapos paglabas ko nakita ko yung mga madre. Nakakatakot, pati sina John na nakatayo sa living room nakakatakot din! Buti nakita kita na lumalaban sa kanila. You're amazing!"

"Ehehehe! Thank you! Pero wait! Sabi mo hindi nila tayo nakikita ngayon? At hindi rin naririnig?"

"Yes. Precisely!"

Nagulat si Pepe sa sinabi ni Pia dahil parang nangyari na ito sa kanya dati. Tumingin siya sa mga mata ng kaharap at naalala ang Marka na inilagay sa kanya ni Amang. Humakbang siya paatras at tinignan ang katawan ni Pia mula sa paa pataas, "Mayroon ka bang Marka?" tanong ni Pepe.

"Huh? Anong Marka?" sabi ni Pia.

Natulala si Pepe sa di inaasahang makikita. Bakit ngayon lang niya ito napansin eh kanina pa sila magkahawak ang kamay. Bakit hindi niya napansin ang pink at manipis na nighties ni Pia na konting titig lang ay parang makikita na niya ang suot nito sa loob, kung meron man.

Isang pisil sa kamay ang gumising sa kanya, "Anong Marka?"

"Ah? Hmm Ano! Meron kasi akong nakilala na matanda. Tinapalan niya ako dito sa tiyan at dahil doon ay nagkaroon ako ng isang kakaibang abilidad na kagaya ng sayo."

"Talaga an old man? Parang movie lang ah? Kaya ka ba gising ngayon?"

"Ehehe! Oo! Parang kinuha talaga sa isang movie yung mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang linggo at pati ung mga mangyayari pa lang. Pero hindi, nagising ako dahil may gumising sa akin na boses. At ikaw? Kung wala kang Marka sa katawan paano mo nagagawa itong mga ito?"

"A voice? From whom?" tinaas ni Pia ang kanyang kanang kamay at pinakita ang isang singsing, "Itong ring na ito ang tumutulong sa atin ngayon. Sa mother ko ito, binigay niya sa akin to protect me sa mga masasamang elemento."

Tinignan ni Pepe ng mabuti ang singsing at napansin agad ang kulay nito at tekstura, "Pwede ko bang hawakan?"

Tumango si Pia at inoffer ang kanyang kanang kamay kay Pepe, "Sa totoo lang hindi ako naniniwala dati pero little by little ay may mga naexperience akong kakaiba at sa tulong nito ay walang nangyari sa akin na masama."

"Dignum ito," sabi ni Pepe na ngayon ay hawak na ang dalawang kamay ni Pia at parang may wang-wang ng naririnig dahil sobrang lapit na nilang dalawa sa isa't isa. Maliit lamang ang singsing at sa unang tingin ay aakalain mo na ordinaryo at mumurahin lamang ito na nabibili sa mga kanto o sa Quiapo pero mataas ang kalidad nito, one of kind. Mayroong ding mga simbulong nakaukit sa singsing subalit hindi ito naiintindihan ni Pepe.

"Dignum? Marami na akong books na nabasa tungkol dun pero ano ba talaga yun?" tanong ni Pia.

Biglang naging seryoso ang mukha ni Pepe na para bang nanumbalik na ang peligro na nag aagbang sa kanila, "Alam kong marami kang tanong. Pero kailangan na natin kumilos para maligtas natin ang mga kaibigan natin."

Si Pia naman ay naging seryoso natin. "Yes! Si Rhea! They got her! Ano na ang gagawin natin?"

"Naalala mo yung nangyari kaninang hapon? Doon malapit sa maliit na hardin?" sabi ni Pepe.

"Yes! Anong meron?"

"May boses na tumawag sa akin kanina mula doon. Yun ang dahilan kung bakit ako lumapit." paliwanag ni Pepe.

Nanlamig ang kamay ni Pia sa narinig at napahawak ng mahigpit kay Pepe, "Talaga? Hindi ba demon daw yung meron doon?" 

"Alam mo hindi ako naniniwala sa sinabi nung Madre. Pagdating palang natin dito ay may naramdaman na akong hindi maganda sa kanila at nakumpirma ko iyon kagabi dahil kay Rhea. Tapos yung parehas na boses na mula sa hardin ang gumising sakin ngayon. At ang sabi ng boses ay Diwata siya at matutulungan niya tayo talunin si Barlan.

Tumingin si Pia sa mga mata ni Pepe, "I believe you."

Si Pepe naman ay tumingin din sa mga mata ng magandang dalaga sa harap niya, "Sumama ka sa akin, Pia."

"Hmm, Okay sasama ako sayo."

Magkahawak ang kamay, naglakad ang dalawa papalapit sa mahiwagang hardin.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon