Parang lumulutang pa rin ang pakiramdam ni Pepe habang naglalakad kasabay ang magandang dalaga. Ang kulang na lamang ay tumalon-talon siya at kumanta ng masayang awitin at iisipin mong nakamit na niya ang lahat ng kanyang pangarap sa buhay.
"Nakikita ko na kayo. Bubuksan ko na ang gate para makapasok na kayo agad." sabi ng boses sa isip ni Pepe. At tulad ng sinabi ng Diwata. Ilang metro pa lang ang layo ng dalawa mula sa kalawangin na gate ay dahan dahan na itong bumukas.
"Oh! Yung gate! It's opening!"
"Oo, sinabi sakin ng Diwata na bubuksan daw nya yung gate at bilisan daw natin!"
"LAMIRAAAA!"
Napatigil ang dalawa sa sigaw na narinig. Sabay silang napalingon at nakita ang nakabukang bunganga ng mga madre na tila galit na galit.
"Bilisan nyo. Alam na ni Barlan na dito kayo pupunta sa akin." sabi ng boses kay Pepe.
"Tara na Pia!" Hinigpitan ni Pepe ang hawak sa kamay ni Pia at kumaripas ito ng takbo, "Ahhhh!" sigaw ni Pia.
Hindi magpapahuli, tumakbo at nagtalunan ang mga madre na parang mga ninja papunta sa gate subalit masyado silang malayo para umabot. Pinauna ni Pepe si Pia pumasok sa gate at hinila naman agad siya ng dalaga. Sumarado ang gate at naiwan ang mga madre na nakatayo sa labas na para bang naghihintay ng pari para mangumpisal.
"LAMIRAAAA!"
Sigaw ulit ng mga madre.
"Oh my! Nakakatakot talaga! Ano ung sinasabi nila?" Dumikit kay Pepe si Pia at dahan dahan itong hinihila papalayo sa gate. Nang maramdaman nito na natatakot si Pia ay pinisil niya ang kamay nito, "Wag ka mag-alala. Poprotektahan kita."
"Really? Haha! Ikaw kaya ang niligtas ko kanina! Anyway, where do we go from here?"
"Oo nga e, kaya nga ngayon ako babawi sayo." sabi ni Pepe sabay kamot ng noo gamit ang kanyang kaliwang kamay.
"Maglakad kayo papunta sa gitna. Wag niyo pansinin ang mga alagad ni Barlan, ligtas kayo dito. Hindi aabot ang kapangyarihan ni Barlan dito."
"Okay" sagot ni Pepe sa kanyang isip. Tinignan niya ang paligid. Puno ito ng matataas na mga ligaw na halaman at madilim pa.
"Doon daw tayo pumunta sa may gitna sabi ng Diwata, pero ang dilim naman."
Bago pa man magsimula maglakad ang dalawa ay ilang munting ilaw ang sumindi sa mga puno sa harapan at nagmistulang gabay kay Pepe at Pia.
"Ohh! You're right! Sa gitna nga!"
Dumiretso ng lakad ang dalawa at makalipas ang ilang segundo ay naramdaman na nila ang isang sementong pathway, "malapit na siguro," sabi ni Pepe. Habang naglalakad ay pansin niya ang maya't maya na paghawak ni Pia sa binti at hita nito, "Makati ba yung mga halaman? Gusto mo buhatin kita?" tanong nito.
"Oh thank you! Pero I'm okay. Don't worry! Noong bata ako sanay ako sa ganito. Naninibago lang ulit siguro yung skin ko kasi ngayon lang ulit ako naglakad sa ganitong terrain. Don't worry."
"Okay," sabi ni Pepe na hindi pa rin maiwasang mag-alala at mapatingin kay Pia.
Dumating sila sa dulo ng pathway subalit puno ito ng mas mataas na mga halaman, "Dito ba?" tanong ni Pepe.
"Oo Pepe, humakbang ka"
Humakbang si Pepe at paglapat ng paa niya sa lupa ay lumuhod ang mga matataas na halaman at isa-isang itong lumubog sa lupa. Sa pagkawala ng mga ligaw na halaman ay lumitaw ang magagandang bulaklak at isang malinis at maayos na hardin. Kulang kulang 200 square meters ang hardin, maliit kumpara sa hacienda sa labas. Sa gitna nito ay isang malaking puno ng mangga na napapalibutan ng ilang upuan at lamesa na gawa sa bato. Ilang hakbang naman mula sa mga upuan at lamesa ay may anim na haligi na nakapalibot na bumubuo ng isang bilog kung titignan mula sa itaas.
"Ilang dekada na din akong walang bisita." sabi ng isang boses.
"Is that her?" turo ni Pia gamit ang kanyang isang kamay.
"Oo! Yan yung boses na pumasok sa isip ko."
"Lumapit kayo dito sa puno ng mangga."
Lumapit ang dalawa at nagulat sa nakita. Isang pigura ng babae ang nagmistulang estatwa na tinubuan ng puno. Para itong nahihirapan. Ang mukha ay parang umiiyak at ang isang kamay ay parang may inaabot.
"Ito ka po ba?" tanong ni Pepe.
"Yes, Ako si Lamira."
"Ahhh! Name nyo pala yung sinisigaw kanina ni Barlan!"
"Tama ka. What's your name? At ikaw ba ang girlfriend ni Pepe?"
"Oh! No! No! No! hindi po!" sabi ni Pia habang paulit-ulit na winawagayway ang isang kamay.
"Ouch! Hanep! Ang tindi magdeny! Pwede namang isang "No" lang!" isip ni Pepe.
"We're holding hands po para hindi siya tablan ng powers ni Barlan."
"I see, kanina pa kasi kayo magkahawak ng kamay pero don't worry, hindi papasok dito ang powers ni Barlan. Diba sinabi ko na yun sayo Pepe?"
"Huh? Wala kang sinabi! At bakit nag eenglish ka na ngayon?" sagot agad ni Pepe.
Napatingin bigla si Pia kay Pepe na may halong pagtataka. Hindi naman ito pinansin ng binatilyo at tumingin lamang ng diretso sa estatwang nagsasalita.
"Ilang libong taon na ako Pepe, I know hundreds of languages at gagamitin ko ito anytime that I want. Anyway Pia, dahil sa singsing mo? Can you come closer?"
"Baka dahil sakin kaya nag eenglish ka na rin. And yes I can come closer. But are you sure? Hindi makakapasok ang powers ni Barlan dito?"
"You're observant Pia. I am sure, the proof is all around you."
Tumingin ang dalawa sa paligid, "There's no fog! Hmm Okay, naniniwala na ako." sabi ni Pia.
"Hmm safe na Pepe," sabi ni Pia sabay ngiti. Gumanti naman ng ngiti si Pepe at dahan dahan naghiwalay ang kanilang mga kamay. Imbes na gumaan ay parang bumigat ang kamay ni Pepe sa nangyari. Bumagsak ito na parang ibon na tinamaan ng baril at isama mo din dito ang kanyang nararamdaman na bumulusok at sumabog na parang bulalakaw na tumama sa dagat.
"This is a powerful ring at marami nang pinagdaanan ito." sabi ng boses habang nakatayo si Pia sa harap ng estatwa at tinataas ang kanyang kamay na may singsing.
"Salamat sa inyong dalawa. Ngayon ay nais ko ng ibigay ang inyong kailangan para matalo si Barlan"
Isang maliit at bilog na bato ang nalaglag sa harapan ni Pepe. Pinulot niya ito sa lupa at tinitigan ng mabuti, "Ano po to?"
"Iyan ay ang butil ng sumpa na nagkulong sa akin dito."
"Kailangan mong maipasok sa katawan ni Barlan ang bato na iyan."
Pinakita ni Pepe ang butil kay Pia na sobrang interesado sa nakikita, "Anong mangyayari kapag naipasok ko na ito sa katawan niya?" tanong ni Pepe.
"Mawawala na siya sa mundong ito."
(Photo credit - http://www.wallpapersxl.com/wallpaper/1366x768/woman-tree-forest-fantasy-girl-in-a-211401.html)
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...