"What's the latest sa kampo ng mga Aswang?" sabi ni Pia.
"Wait lang," sabi ni John mula sa speaker ng malaking screen sa harap ni Pia. Tinignan ng dalaga ang mga nagsulputan na mga litrato at videos sa screen.
"Iyan, same pa din ang volume at thickness ng hamog o usok na nakapalibot pero wala nang activity na makikita. As in wala," sabi ni John.
"Wala nang pumapasok?"
"Oo at wala na ding lumabas," sabi ni John, "Nagsimula ito 24 hours ago, iyon ba yung oras na umalis si Lolo Ric?"
"Around that timeframe," sabi ni Pia, "What about yung singer?"
"Wala na din, pero nawala lang siya around 10 hours ago, siya yung last na activity na naobserbahan natin mula sa loob. Grabe ano kayang nangyari? Natalo na kaya sila ni Lolo?" sabi ni John.
"I don't know," sabi ni Pia. "Until what time ka ba diyan?"
"Tapos na ako sa daily calibrations, pabalik na ako in 30 minutes."
"Okay. Ingat," sabi ni Pia. Pumindot siya ng ilang button sa keyboard sa kanyang harap at lumabas sina Pepe at Karl na nagsasanay kasama si Elena. Tinignan sila ng dalaga bago pumunta sa lamesa at umupo, "Where are you Lolo?" sabi niya. Binuksan niya ang libro na nakapatong sa lamesa at nagbasa.
Makalipas ang ilang minuto ay isang ahas ang gumapang papasok sa pinto ng Command Room. Lumapit ito kay Pia at agad na napansin ng dalaga. "Huh?" sabi niya. Tumubo ang apat na paa sa katawan ng ahas at nagmistulan itong butiki. Mabilis itong umakyat sa paanan ng dalaga papunta sa kamay nito.
Mabagal na lumiit ang mga paa ng butiki at pumasok ito sa katawan kaya't naging ahas na ulit ang hitsura nito. Tinaas ni Pia ang kanyang kanang kamay at tinitigan ang maamo na ahas.
"Kay Lolo ito!" sabi niya.
Bumuka ang bibig ng hayop. Lumabas ang dila nito kung saan isang perlas ang nakadikit sa gitna. Alam ni Pia ang gamit ng perlas na nito.
"Ipakita sa akin," sabi niya at isang liwanag ang bumulag sa kanya.
Matapos ang ilang segundo ay nawala ang liwanag at tumulo ang luha sa mga mata ni Pia. Lumingon siya sa malaking monitor at tinignan si Elena na sinasanay ang dalawang binata, "Oh no," sabi niya, "J-John,"
Bumukas ang isang maliit na monitor sa gilid ng malaking monitor at lumabas ang mukha ni John. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" sabi ni John. Pinunasan ni Pia ang mga luha sa kanyang pisngi, "Help me! You have to see this," sabi niya. Dali daling pumunta si John at sinalubong siya ni Pia sa harap ng Command Room.
"Watch this!" sabi ni Pia. "Saan?" sabi ni John.
Tinapat ni Pia ang ahas sa mukha ni John at bumuka ang bibig nito. Nagsabog ito ng matinding liwanag at sinakop nito ang buong paligid.
Napalitan ng usok at hamog ang paligid subalit nawala agad ito at mabilis na sumulpot ang mga puno at gusali.
"Naging isang military camp na talaga yung school. Nawala na ang mga classroom!" sabi ni John. Nilibot ng ahas ang buong kampo ng mga aswang. Nagsimula ito sa gilid at umikot ng umikot papunta sa gitna.
"Ano yun?" sabi ni John.
Dumating na sa gitna ng kampo ang ahas kung saan makikita ang mga nakapako na mga bata. Sa gitna nito ay matatagpuan ang pinakamataas na krus kung saan isang matandang babae ang nakapako.
"Oh Sh*t! Si Lola!" sabi ni John sabay hampas sa pader sa kanyang gilid. Duguan, nanghihina at walang malay. Iyan ang sitwasyon ngayon ni Lola Armina.
"You saw it?" sabi ng Pia. "Yes, pero hindi pa tapos. Wait lang," sabi ni John. "Oh, I know. I just stopped there dahil hindi ko na kinaya yung nakita ko," sabi ni Pia.
Pagkatapos tumutok sa matanda ay lumampas ang tingin ng ahas at dumiretso sa tanghalan. Sa gitna ay nakaupo si Calvin, Hari ng mga Aswang. Tumayo siya at tumaas ang kanang kamay, "Start the preparations!" sabi niya at pagkatapos ay umupo ulit. Tumayo ang mga nilalang na nakaitim sa kanyang harapan at pumunta ito sa kanyang likod. Tinaas ni Calvin ang kanyang dalawang kamay at sabay sabay umawit ang lahat ng mga aswang.
Tumindig ang balahibo ni John sa kakila-kilabot na awitin. Hindi niya ito naiintindihan subalit ang sabay sabay na boses at tono nito ay tila nagpapahiwatig ng pagdurusa, kamatayan at sakripisyo.
Lumuhod si Calvin sa harapan. Sa likod niya ay may hawak na telang itim ang mga nilalang at tinabon ito kay Calvin. Naglakad ang mga nilalang na nakaitim sa likod at pagbalik ng mga ito ay may hawak na itong itim na baso at kutsilyo. Pinalibutan nila ang nakaluhod na hari at sinaksak ito ng hawak na kutsilyo. Matapos ang unang saksak ay sinaksak nila ito ulit ng maraming beses. Marahan na binuhos ng mga nilalang ang laman ng baso na kanilang dala at tumulo ang pulang likido kay Calvin.
Isang malakas na pagsabog ang narinig. Sa kabilang dulo sa tapat ng tanghalan ay umangat ang lupa at ilan pang pagsabog ang sumunod. Ilang bagay ang tumalsik sa iba't ibang direksyon subalit mabilis itong natabunan ng malalaking puno na tila nakulong kung ano o sino man ang sumabog doon.
Hinila ng mga nilalang ang telang itim at tumayo si Calvin. Bakas sa damit niya ang mga saksak at kumapit sa kanya ang dugo na mayroong kakaibang kinang at tingkad. Naglakad muli papunta sa likod niya ang mga nilalang. Walang emosyon ang hari at mabagal na sinuri ang paligid, "Start the ritual!" sabi niya.
Nawala ang liwanag at naiwan si John at Pia na nagtitinginan, "Hoy! "Tara na! Dapat malaman ito ni Elena!" sabi ni John. Tila nagulat si Pia, "Uh yes!" sabi niya.
"How do we say this to her?" sabi ni Pia habang sinusundan si John. Lumingon si John sa dalaga, "Ako magsasabi?" sabi niya. Tumango lamang ang dalaga at napahinga ng malalim si John, "Oh sige, ako ang bahala," sabi niya.
Lumapit ang drone kay Elena.
"Ms. Elena, we have an emergency. Kailangan nyo po pumunta dito. Ngayon na," sabi ni John. Napahinga si Pia na para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib, "Good! You were able to tell her na magmadali without shocking her!" bulong ni Pia.
"What is it?" sabi ni Elena.
"Mas maganda po na dito ninyo makita, Ma'am," sabi ni John.
"Okay. I'll be there," sabi ni Pia.
Dumating si Elena sa Command Room. Hawak ni Pia ang ahas at pinakita ito kay Elena. "Nasaan na yung ipapakita ninyo?" sabi ni Elena.
"This snake is a part of Lolo's body. It has brought back valuable information para sa atin," sabi niya.
"Eh si Lolo?" How is he?" sabi ni Elena. "Don't worry, since this snake is still okay it means he is also in good condition," sabi ni Pia.
"More importantly, you have to see this. Please be calm," sabi ni Pia. Bumuka ang bibig ng ahas at binalot sila ng liwanag.
Matapos ang ilang segundo ay biglang matinding init ang naramdaman ni Pia at ni John. Pumikit si Elena at tinigasan ang kanyang kamao. Kasunod nito ay malakas na hangin ang umalon mula sa kanya na nagpaalon din sa lahat ng bagay sa paligid na para bang nasira ang espasyo at oras.
Napaatras si John at Pia dahil sa alon at pagtingin nila kay Elena ay kulay puti na ang mata nito at pagkatapos ay bigla itong naglaho na parang bula.
"NASAAN NA SIYA?" sabi ni John.
"Oh no! Maybe she'll rescue Lola!" sabi Pia.
"Pepe! Karl!" Emergency! Pumunta kayo agad dito!"
***Itutuloy***
***********************************************************************************************
Musta na? Andiyan pa ba kayo? Comment lang! Let me know kung nagustuhan niyo itong complete version. Salamat!
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...