"He's dangerous," sabi ni Pepe habang nakatingin kay James. Tinignan niya si Elena subalit wala itong reaksyon. "Kung kayang gawin iyon ni James malamang ay magagawa din yun ni Karl," isip ni Pepe. Napatingin siya sa kanyang kaibigan na diretso ang tingin sa pader.
"Mas malaki ang problema natin ngayon, si Calvin," sabi ni Elena. Tumango si Pepe subalit hindi niya maalis sa isip ang nakita at posibleng mga mangyari sa hinaharap. Nagsimula na muli maglakad si Elena subalit naiwan si Pepe at si Karl na nakatingin pa din kay James habang iniikot at ginagalaw ang malahiganteng braso at kamay nito.
"A demon, no matter how small, how big, will will always be a demon!" sabi ni Linara habang nakatingin kay Karl bago sumunod kay Elena. Napansin ito ni Pepe. Napatingin din siya kay Karl at nahagip ng mata niya ang bahagya at nakakabahalang ngiti mula sa kaibigan.
Naglakad na ang apat paakyat ng hagdan. Bumukas ang sunod na pinto subalit walang laman na palapag. Tumabo si Elena at agad na sumunod ang tatlo. Sunod sunod ang walang laman na palapag na kanilang nilampasan subalit sa pag akyat nila ay maraming pagsabog ang kanilang naririnig. "Ano nangyayari? Sa labas ba ito?" sabi ni Karl. "Oo nga. Hindi ordinary yung mga sabog na yun," sabi ni Pepe. Patuloy ang apat sa sunod na palapag at doon ay naramdaman na nila ang kanilang inaasahan na kalaban.
"Malakas ang isang ito," sabi ni Linara, "Aking na lang siya! Pero itong isang espiritwal na enerhiya na nararamdaman ko. Kanino ito?" dagdag ni Linara. "Hindi ba kay Calvin yan?" sabi ni Karl. "Hindi Karl," sabi ni Pepe. Malakas ang dating EE niya. Ito ay malumanay na EE pero napakasolid. Parang pader!" sabi ni Pepe.
Itinaas ni Elena ang kanyang kamao at tumigil sila pagtakbo at naglakad na lamang hanggang sa marating ang malaking pinto. "Ready," sabi ni Elena at tinulak ni Pepe at Karl ang malaking pinto.
Sumalubong sa kanila ang malakas na bugso ng hangin na tumulak sa kanilang mga buhok. Agad napansin nina Pepe ang lalaking nakatayo sa gitna, si Marcus. Walang pader ang buong palapag at makikita sa magkabilang gilid ni Marcus ang mapusyaw na liwanag sa labas. Maangas ang tayo ng heneral at hawak niya ang kanyang mahaba at malaking sandata, isang lance na may mga maiikli na gintong tali sa gitna at dekorasyon na leon sa hawakan.
Tinignan ni Pepe ang paligid, "Mas malaki ang floor na ito. Doble ang taas ng kisame at parang dome ang hugis at mas malawak ang sahig. Sa taas," tumingin si Pepe sa kisame, "nandoon na si Calvin!" isip niya.
Sa likod ni Marcus ay may makapal at pabilog na haligi. Ito rin ay isang paikot na hagdan at ito ang nagsisilbing koneksyon ng palapag na iyon mula sa susunod. Kulay marmol ito at walang palamuti katulad ng kisame at sahig ng palapag.
"Ako na ang bahala sa kanya," sabi ni Linara. "Good! Karl at Pepe, sa akin kayo susunod," sabi ni Elena. "Yes Ma'am!" sagot ni Karl sabay bulong kay Pepe, "Ako yung una nyang tinawag! Ako paborito niya!" sabi niya. "Manahimik ka nga diyan," bulong naman ni Pepe.
"Sa aking hudyat," sabi ni Linara sabay takbo papalapit kay Marcus. Unti-unting nabuo mula sa maliit na liwanag sandata ni Linara, si Sodom at Gomorrah. At habang lumalapit ay naririnig ni Linara ang boses ni Marcus.
Light of the sun, Light of the moon, Light of the spirit
Light of the sun, Light of the moon, Light of the spirit
Light of the sun, Light of the moon, Light of the spirit
Bring forth and channel your energy to Zahara!
"Bakit hindi na lang natin siya pagtulungan?" sabi ni Karl. "No, we can't risk it. I don't want any of you getting injured until the fight with Calvin. The lesser the fight the better!" sabi ni Elena.
Nagliwanag ang sandata ni Marcus at isinalubong niya ito sa mga saksak ni Linara. "Isang Litanya na pangdepensa sa aking superior na sandata. Ginaganahan ako sayo!" sabi ni Linara. Tumalon siya sa harap ni Marcus at inihampas ang kanyang dalawang espada subalit tulad ng mga naunang atake ay nasalag ito ni Marcus. Idiniin ngayon ni Linara ang espada niya kay Marcus, "NOW!" sigaw niya.
Tumalon si Elena at agad na sumunod si Pepe at Karl. Alam na agad nina Pepe ang plano kahit hindi sila nagusap. Pupunta sila sa hagdan at susugod na kay Calvin. Nakita ni Marcus ang balak nina Elena kaya't bigla siyang umatras at kumalas kay Linara. Sa isang mabilis na kilos ay naihagis agad niya ang kanyang lance kina Pepe. "Fool!" sabi ni Linara. Inatake niya ng sunod sunod si Marcus subalit lahat ay nailagan lahat ito ng Heneral.
Mabilis na bumulusok ang lance kina Pepe. Binaril ito ni Elena subalit tumalsik lamang sa ibang direksyon ang mga bala na tumama dito. "Sa akin! Sa akin ata tatama!" sigaw ni Karl nang makita ang direksyon ng lance. Agad siyang hinawakan ni Pepe at itinulak sa ere subalit si Pepe naman ang maaring tamaan. "Hindi!" sigaw ni Karl. Hinila silang dalawa ni Elena at nadaplisan sa balikat si Karl.
"KARLLLLL!" sigaw ni Pepe nang makita niya ang pagtusok ng lance sa balikat ng kaibigan. Tinangay si Karl ng sandata at sa pwersa nito ay dadahiln siya nito papalabas. "Ahhhhhh!" sigaw ni Karl sabay sigaw ng, "Demon Wings," sabi niya. Tumubo ang itim at malaking pakpak sa kanyang likod at pumalag ito sa hangin ng paulit-ulit dahilan upang bumagal ang lance.
Lumapag si Elena at Pepe sa gitna ng hagdan kasabay ng paglapag ni Karl sa sahig. Biglang nawala ang Lance sa balikat ni Karl at bumalik ito sa kamay ni Marcus. Patuloy ang laban ni Marcus at Linara. "Karl!" sigaw ni Pepe. "Okay lang ako!" sagot niya habang tinatakpan ang kanyang balikat na puro dugo, "Susunod ako!" sabi niya. Tumingin si Pepe kay Elena, "Susunod daw siya," sabi ni Pepe. Tumango si Elena at agad na tinakbo ng dalawa ang hagdan.
Habang umaakyat ay muli napansin ni Pepe ang mga pagsabog sa labas. Sumilip siya sa gilid ng hagdan at nakita ang labanan na nangyayari sa lupa. "Ano ito? Bakit sila naglalaban? Yung mga aswang!" sabi ni Pepe.
"It's a civil war. Naglalaban ang mga malalakas na pamilya ng aswang for power," sagot ni Elena. "Pero natatalo na ang mga sundalo ni Calvin!" sabi ni Pepe. "Huh? How?" sabi ni Elena sabay sumilip din. "Demons!" sabi niya. "Yung mga diwata! Nakakulong sila sa isang barrier," sabi ni Pepe.
Tumigil si Elena sa pagtakbo at tinignan muli ang mga naglalaban, "Nakipagtulungan sa mga demonyo ang mga aswang, ang grupo ni James, para matalo ang mga sundalo ni Calvin," sabi ni Elena. "Oo at matatalo na sina Calvin. Yung grupo na lang ni Romus ang natitira!" sabi ni Pepe. Natigilan si Elena at tila nag-iisip, "Let's finish our mission here first. Tsaka na natin sila problemahin," sabi ni Elena. "Okay," sabi ni Pepe.
Tumakbo muli ang dalawa at nakarating sa dulo. "Oh my!" sabi ni Elena nang makita ang babaeng nakatayo sa harap ng malaking pintuan. May hawak itong kutsilyo sa kanang kamay at isang revolver naman sa kaliwa. Nakatutok kay Elena ang baril ng babae. "Lola NO!" sabi ni Pepe at umalingawngaw ang malakas na putok mula sa baril ng matanda.
Itutuloy...
**********************************************************************************************************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...