Chapter 91 - Ako Naman!

869 42 2
                                    

Tumulo ang dugo mula sa kaliwang gilid ng noo ni Elena. Gumapang ito pababa sa kanyang pisngi at bumagsak sa kanyang nanginginig na balikat. Nanlaki ang kanyang mga mata at natulala siya sa mga larawan na sumabog sa kanyang isipan mula sa kanyang nakaraan.

"Mga anak at ikaw din Lola. Wala... wala akong kayang protektahan," sabi niya. Napansin ni Pepe sa gilid ng kanyang mata ang paggalaw ng daliri ni Lola Armina. "ELENAA!" sigaw niya. Tulala pa din, lumingon si Elena kay Pepe, "Umalis na kayo. Hindi ko kayang protektahan," bulong ni Elena habang tumutulo ang luha mula sa kanyang mga mata.

Samantala...

Patuloy ang depensa ng Zahara sa mga saksak at palo ng Sodom at Gomorrah. At sa bawat pagtama ng mga ito sa isa't isa ay may mga maliliit na liwanag na sumasabog na para bang may mga mabibilis na eroplanong nagpapakawala ng mga missiles. Sa bawat galaw ni Linara na biglang bumibilis at bumabagal ay lalo siyang kumikinang. Parang alitaptap na kumikislap at bulkan na malapit nang sumabog.

Itinaas ni Linara ang kanyang dalawang espada at hinampas pabagsak kay Marcus. Sinalubong ito ng lance ng kalaban, "If you want to defeat me. Do it now while I'm in this weak form," sabi ni Linara habang unti-unting nagbabago ang kulay ng kanyang mga mata. "You don't have to say it," kalmadong sabi ni Marcus. "I will!" dagdag niya. Napangiti si Linara, "And I will let you try," sabi niya sabay diin ng kanyang espada pababa kay Marcus na nagpalapit sa kanilang mukha.

Huminga ng malalim si Marcus. Kitang kita ni Linara ang pagpasok ng hangin sa ilong ng kaharap at pagkatapos ay biglang lumaki ang dibdib at kanang braso nito na muntik ng pumunit sa uniporme na usot.

Biglang natulak si Linara papalayo kay Marcus. Nakatayo pa din si Linara subalit kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat. Dahan dahan binaba ni Marcus ang kanyang lance. "Ha? Natulak niya si Linara ng ganun-ganun na lang?" sabi ni Karl habang nakaupo at hawak pa din ang kanyang sugat na mabilis na gumagaling.

Apat na dipa ang layo kay Marcus; inayos ni Linara ang kanyang porma, "Tara laban!" sabi niya. Humakbang si Marcus papalapit. Umaawas ang kanyang dibdib at braso sa kanyang uniporme, bahagya itong tumangkad at higit sa lahat ay lalong naging seryoso ang kanyang hitsura. "Wow, may mas seseryoso pa pala sa mukha niya," sabi ni Karl habang inaayos ang sarili. Magaling na ang kanyang sugat makalipas lamang ang ilang minuto, "Gaganti ako!" sabi niya habang tinitignan maglakad si Marcus papalapit kay Linara.

Biglang tumalon si Marcus pasugod kay Linara at agad inihampas ang kanyang lance. Napakalakas ng hampas na iyon; parang nahati ang hangin at sumabog naman ang sahig na tinamaan nito. Nasa kanan na si Linara at agad siyang sinundan ng atake ni Marcus. Nadaplisan si Linara sa pisngi at ang sumunod na atake ni Marcus ay isang sipa na hindi napansin ni Linara.

Tumalsik si Linara. Kumaladkad siya sahig at hindi pa man siya tumitigil ay agad na tumalon si Marcus upang bagsakan siya at itusok sa kanya ang kanyang matulis na sandata. Sinuntok ni Linara ang sahig dahilan para tumigil siya sa pagkaladkad sabay tambling patalikod. Pagbagsak niya ay mabilis niyang pinatong ang kanyang kanang palad sa sahig, "Water Well," sabi niya. Pagkatanggal ng kanyang palad sa sahig at nagsimulang lumabas doon ang tubig na parang fountain ang lakas.

Bumagsak si Marcus sa tubig na nagsisimulang kumalat sa buong sahig at agad na sumugod kay Linara. Si Linara naman ang sumasalag sa mabibilis at malalakas na atake ni Marcus. Walang magawa si Linara kung hindi umaatras at padami ng dami ang mga tama sa kanyang napakagandang baluti at balat. Ngayon ay inikot ni Marcus ang kanyang lance sa harap ni Linara at hinawakan ito sa tali nito sa gitna. Nagmistulang talim ng helicopter na umiikot ng mabilis ang sandata ni Marcus at sistematikong winawasiwas niya ito kay Linara.

"A strong technique!" sabi ni Linara dahil sa tuwing haharangin niya ito ng kanyang espada ay tumatalsik ito kasama ang kanyang buong braso. Hindi na mailabas ni Linara ang kanyang sandata at hirap na din siyang umiwas dahil sa mga tama niya sa buong katawan. "It's over! You were a fool for going into that weak body," sabi ni Marcus. Sinipa niya ng ubod ng lakas si Linara at tumilapon ito sa nag-iisang haligi ng palapag na iyon. At parang lamok ay dumikit sa pader si Linara.

Nasakop na ng tubig ang buong sahig. Hindi ito tumatapon sa gilid ng palapag bagkus ay parang may pwersa dito na pumipigil sa tubig kaya't umabot na ito sa ibabaw ng combat shoes ni Marcus. Hindi nag-aaksaya ng panahon; tinigil ni Marcus ang ikot ng kanyang lance at nagsimulang tumakbo papunta kay Linara.

"HOYYYYYY!" isang malakas na sigaw ang kumuha ng atensyon nila. Bumulusok mula sa taas si Karl. Nangunguna ang kanyang itim na Dragon Claw. Hindi siya pinansin ni Marcus at patuloy na sumugod kay Linara. Nauna si Marcus kay Linara at bumagsak si Karl sa sahig ilang hakbang sa likod ni Marcus. Agad siyang hinabol ni Karl subalit masyadong mabilis ang kalaban.

Hawak ang kanyang lance ay sinaksak ni Marcus si Linara sa dibdib. Napanganga si Linara sa sakit at halos lumuwa ang kanyang namumuti na mata. Sinalag naman ni Marcus ang atake ni Karl mula sa likod ng isang kamay. "Sandali lang! Hindi pa ako tapos!" sigaw ni Karl. Nawala ang kanyang Dragon Claw dahilan para mabitawan siya ni Marcus. At pagkatapos ay bigla niyang niyakap sa Marcus na hawak pa din ang kanyang lance na nakasaksak kay Linara. "Dragon Claw!" sigaw ni Karl at biglang tumubo ang kanyang Dragon Claw sa kanyang dibdib at bumutas sa dibdib Marcus.

Binitawan ni Marcus ang kanyang sandata at nalaglag ito sa sahig na may tubig kasabay ni Linara. Sumabog ang kanyang dugo at nanlaki ang kanyang mga mata, gulat na gulat siya sa nangyari. Tinignan niya ang malaking bagay sa kanyang dibdib at agad na dinampot ang ulo ni Karl gamit ang kanyang malaking kamay. "Hindi kita bibitawan! Ulol ka!" sabi ni Karl subalit madali siyang nahila ni Marcus paitaas kasabay ng isang malakas na sigaw na halos bumingi kay Linara at Karl.

Biglang naglabasan ang manipis na balahibo sa mukha, dibdib at kamay ni Marcus. Nagmuka siyang oso! Hinampas niya sa sahig si Karl at pagkatapos ay tinapon sa haligi ang binata.

Bumagsak si Karl sa baba ng haligi sa tabi ni Linara. "You fool, I don't need your help," sabi ni Linara subalit wala siyang narinig mula kay Karl. Tumalikod si Marcus kina Linara at naglakad papunta sa gilid ng palapag habang tinatakpan ang kanyang dibdib. Tinignan niya ang natitira niyang hukbo at pagkatapos ay nagpakawala ng malakas na ungol. Isang galit na ungol. Isang ungol na ang ibig sabihin ay hindi siya matatalo. Gumanti ng ungol ang mga nasa baba at nangunguna sa lakas ng ungol ang kanyang tinyente, si Romus.

Humarap siya sa loob ng palapag, "hmm?" sabi niya ng makita si Linara na nakatayo na muli. Si Karl naman ay nakaupo at nakasandal sa pader. "You've healed yourself but because of that you've lost your armor," sabi ni Marcus. "But I already said it's over, therefore ITS OVER!" dagdag niya.

Humaba ang kuko ni Marcus at sumugod siya kay Linara. "Water World!" sabi ni Linara. Nanginig ang tubig sa sahig at bigla itong nagsama-sama papunta kay Marcus. Naging isang malakas at malaking alon ito at tinulak nito si Marcus paatras. Sunod ay tumalon si Marcus subalit hinabol siya ng tubig at nang maabot siya nito ay nagmistulan siyang isda na nasa loob ng aquarium. Lumangoy siya pataas ng tubig subalit hanggang doon lamang ang kanyang narating. Para siyang naglalangoy sa loob ng isang malaking mangkok ng tubig pero walang mangkok. At sa bawat direksyon na puntahan niya ay sumusunod ang tubig.Nanlisik ang mga mata ni Marcus. Walang siyang magawa sa tubig na patuloy ang pagbol sa kanya.

"This won't save you!" sabi ni Marcus.

"Yes. That will not save us, but this will." sabi ni Linara habang nakaturo sa kanyang mata na malapit nang mapuno ng kulay puti. Malapit nang bumalik ang kanyang buong lakas at kapangyarihan, ang kanyang pagkadiwata!

Samantala ulit...

Pumutok sa pangalawang beses ang baril ni Lola. Sinundan ng mga mata ni Pepe ang putok at parang bumagal ang oras sa kanya. Kita niya ang mabilis na paglabas ng bala sa baril at hinabol niya ito upang harangin.

Napasigaw si Pepe sa tindi ng sitwasyon.

Ilang dugo ang tumulo sa sahig. Galing ito sa kamay ni Pepe. Pinisil niya ang bala ng baril sa kanyang kamao at pinatong niya ito sa kanyang dibidb.

Tinignan niya ang kanyang kamao, "Ako naman. AKO NAMAN ANG MAGPOPROTEKTA SA INYO!" sigaw niya.


Itutuloy.....

**********************************************************************************************************************************************************************************************

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon