Chapter 72 - Trio

1.3K 74 9
                                    


Tumabon kina Pepe at sa mga kasama niya ang anino ng tore. Naglaglagan mula dito ang ilang malalaking bitak ng lupa at bato galing sa kailaliman at umiwas ang lahat na mabagsakan. Kasing itim ng dignum ang pader ng tore at sa baba nito ay mayroong isang pasukan. Madilim at walang ilaw; walang pinto ang pasukan, malawak ito at kasya ang limang tao.

"Intriguing, a summoning of this level by a pretender," sabi ni Hinaryo habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok gamit ang kanyang kanang kamay. Humakbang siya papunta sa tore papalapit kay Liru. "Hey! Wait!" tinawag siya ni Elena subalit hindi siya pinansin nito, "Pepe! Pia! This tower is dangerous! We have to get out of here!" sabi niya.

"Ha? S-sige!" sagot ni Pepe.

Binasag ng boses ni Elena ang pagkamangha ni Liru sa tore, "You won't get out of here alive!" sabi niya. "You there!" Tumuro siya sa grupo sa kanan, "Attack!" at pagkatapos ay sa kaliwa naman tumuro, "You! Get your weapons!" Mabilis na kumilos ang mga aswang at sumunod agad sa utos ni Liru.

"Not showing off? Oh! There are no Generals here," sabi ni Annie. Hindi siya pinansin ni Liru at naglakad ang dalawa papalapit sa tore. Tumigil sila isang hakbang ang layo sa pasukan, "I don't see anything. Just black," sabi ni Annie habang tinitignan ang loob. "Same here," sagot ni Liru. Tinaas niya ang kanyang kanang paa upang ihakbang papasok subalit isang boses ang pumigil sa kanya.

"Step forward and you can no longer go back."

Napalingon ang dalawa sa kanilang kanan at doon ay nakatayo si Hinaryo na nakatingin sa kanila. Tinuro ni Hinaryo ang nakasulat sa arko ng pasukan. "You can read it?" sabi ni Annie. "Ah yes," sagot ni Hinaryo. "Then what does that say?" tumuro si Annie sa kanang pader kung saan mas marami ang nakasulat. "History, just old history," sagot ni Hinaryo.

"You imbecile! Why are you talking to him?" sigaw ni Liru sa katabi. "Well, do you have other suggestions? Because we don't really know if we'll enter or not," kalmadong sagot ni Annie. Binunot ni Liru ang kanyang rapier sa kanyang tagiliran at tinusok si Hinaryo, "You're dead!" sabi niya.

"hmmm, fascinating; I have to record everything that is written on these walls," sabi ni Hinaryo habang nakatingin sa malawak na pader at walang pakialam kay Liru. Tinignan ni Liru ang kanyang sandata, "What? This is dignum! This is supposed to cut anything!" sabi niya nang makita na tumagos lamang ang kanyang rapier sa katawan ni Hinaryo na parang sumaksak siya sa hangin. Inulit-ulit niya ang pagsaksak subalit walang epekto.

"What are you?" sabi ni Annie. Lumingon muli si Hinaryo sa dalawa subalit rumatrat ang mga baril ng mga sundalong aswang at kinuha nito ang atensyon ng tatlo.

Habang umiilag sa mga bala at atake ng mga aswang ay humahakbang si Pepe at Elena papalapit sa mga aswang na may baril. Gamit ang kanilang magaling at maliliksing mga paa ay para silang basketbolista na umiiwas sa mga humaharap at humahabol sa kanila. Umiikot sila, tumatambling at nagtatago sa likod ng mga aswang upang hindi tamaan ng mga bala. Si Pia naman ay lumubog sa ilalim ng lupa at isa-isang nagsipaglubugan din ang mga nakapalibot sa kanya.

"Book!"

Nagulat si Annie at si Liru at biglang bumalik ang tingin nila sa mangkukulam na katabi. Bumukas ang nakalutang na libro at pinatong ni Hinaryo ang kanyang kanang kamay sa isang pahina. "Roseva," sabi niya sabay angat ng kanyang kamay. Biglang lumabas sa libro ang isang asul na agila at pinagaspas pa nito ang kanyang pakpak. Nasa tatlumpung pulgada ang laki ng agila; parang nanunusok ang mga asul na mata nito at sa leeg nito ay may tatlong malalaking perlas ang nakasabit. "Sweep these walls please," sabi ni Hinaryo at agad na lumipad ang ibon. "Excuse me. I have to help my friends," lumutang ang katawan ni Hinaryo papalapit sa isang kumpol ng kalaban na parang hinihipan ng hangin at nagliparan ang mga kalaban.

"Hindi sila nauubos!" sabi ni Pepe. "Don't stop! Focus!" sabi ni Elena. Sunod sunod ang dating ng mga sundalong aswang. Ang mga nasusugatan ay umaatras at tinutulungan ng mga kasama. At pagkagaling nga kanilang sugat dahil sa healing power ng kanilang dugo ay lalaban ulit ito.

Isang malaking bagay ang bumagsak malapit kina liru, "I'm BAAACKK!"

"General Rufus," sabi ni Liru. "Yes, It's me!" sabi niya na may halong galak. "You two, go enter the tower and meet our leader and don't forget to call him GOD, okay?" sabi ni Rufus. "Are you sure it's safe to enter this tower?" sabi ni Annie. "Of course!" sagot ni Rifus. "But why didn't you do down from the top from inside the tower?" tanong ulit ni Annie.

"Well, it's faster if I just jump! Just go! What are you afraid of?" sabi ni Rufus. "Okay General. If you say so," sabi ni Liru. Humakbang si Liru papasok at nawala sa kadiliman. Si Annie naman ay nag isip muna, "Don't worry I'll enter too after a few minutes. I'll just take care of these pests," sabi niya. Humarap si Rufus kina Pepe at pumasok naman si Annie sa tore. Dalawang itim na nilalang ang sumulpot sa tabi ni Rufus. Para itong usok na may suot lamang na malaking tela, "Okay you two black things. Go fight that guy over there. This woman is mine," sabi niya.

Tumalon papalapit kay Elena si Rufus at agad na hinampas ang kanyang malaking espada. "Good thing, that you're still alive! Now, I can kill you then I'll tell your pesky grandma that you're dead!"

Nanlaki ang mga mata ni Elena Pepe at Pia, "WHERE IS SHE?" sigaw niya. "Hahaha! Fight me first! I'll tell it to you if you can kill me!" sabi ni Rufus habang tumatawa. Isang malakas na agos ng hangin ang pumaitaas sa paligid ni Elena. "You'll regret this!" sabi niya habang gigil na gigil ang hitsura.

Lumipat ang atensyon ng mga sundalong aswang mula kay Elena papunta kay Pia at Pepe nang magsimulang harapin ni Rufus si Elena. Si Hinaryo naman ay patuloy ang tulong sa kina Pepe at Pia habang abala sa mga nilalang na nakaitim.

Walang tigil ang pagliyab ng braso ni Pia habang naghahagis ng apoy sa mga kalaban. "Kaya natin to!" sabi ni Pepe na wala pa ding sugat hanggang ngayon, "Nasasanay na ako sa bilis at mga atake nila!" dagdag niya. Dumagdag pa ng dumagdag ang mga sundalong aswang at napapagod na ang dalawang bata.

"Mukhang kailangan ninyo ng tulong,"sigaw ng pamilyar na boses.

"KUKO NG DINOSAUR!" sigaw pa ng boses. "Huh?" sabi ni Pepe napatingin siya sa taas at isang bagay ang bumagsak sa mga kalaban sa harap ni Pia.

"Karl?" sigaw ni Pia.

"Ako nga!" sabi ni Karl habang nakatusok ang kanyang kamao sa lupa kung saan isang malaking hukay ang naging resulta ng kanyang atake. Inangat niya ang kanyang kamao at nakita ni Pepe at Pia ang isang maitim at matalas na tila kuko. Mahaba ito; abot sa lupa kahit nakatayo na si Karl at natatabunan nito ang buong kamay niya. "Kuko ng Dinosaur?" sabi ni Pia.

"Oo! Astig diba?" sabi ni Karl.

"Magpapangalan ka lang, ambaho pa!" sabi ni Pepe habang nakangiti. Sumugod ulit sa kanila ang mga kalaban at agad nilang napatumba ang mga ito na parang gumanda ulit ang pakiramdam nila. Tumalon si Karl sa tabi ni Pepe at Pia. Sira sira ang kanyang damit subalit wala naman siyang sugat.

"Ano bang mas magandang pangalan?" tanong ni Karl. Lumingon sa kanya si Pepe, "Bakit hindi na lang, Dragon Claw?" sabi ni Pepe. Napangiti si Karl, "Pwede!" sabi niya.

"DRAGON CLAW!" sigaw ni Karl at tumubo sa kanyang kabilang kamay ang isang pang malaking kuko. "Whoah!" sabi ni Pepe. "Spear of Justice!" sabi ni Pepe at sumulpot ang kanyang sibat. "Wow English!" sabi ni Karl. "Minerva!" tawag ni Pia. Gumalaw ang ulo ni Minerva sa kanyang braso at lalong lumakas ang pagliyab nito. Ngumiti ang tatlo at nagtinginan. At pagkatapos ay sabay-sabay silang tumalon pasugod sa mga kalaban.

Itutuloy...

**********************************************************************************************************************************************************************************************

Hello guys! Thanks sa mga votes sa mga bagong readers!

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon