Ala-una ng hapon, dalawang oras bago umuwi ay masaya ang mga estudyante sa binigay na malayang oras para gawin ang gusto nila. Kanya kanya silang selfie at groupie na siguradong ipopost agad sa kanilang Pesbuk pag uwi. Nagkalat ang mga ito sa loob at labas ng resthouse subalit si Pepe ay naiwan sa kanyang kwarto. Nakahiga ang binatilyo sa kanyang kama at nakatingin sa kisame.
"Akala ko ay simula na ito ng maganda nating pagkakaibigan, Pia." sabi ni Pepe, "Bakit Goodbye? Paasa ka ba?"
Huminga siya ng malalim at umupo. Binuksan niya ang kanyang bag at inilabas ang beltbag na bigay ni Lamira. "Maganda at simple lang. Okay din ang pagka-itim na kulay," isip niya habang tinitignan ang harap nito. Kung hindi titignan ng mabuti ay para lamang itong ordinaryong beltbag subalit kung kikilatisin ito malalaman agad na hindi ito gawa sa balat ng hayop. Meron itong tatlong bulsa. Isang malaki na sinakop ang ¾ ng laki nito at dalawang maliit na magkapatong na pinaghatian ang natitirang espasyo. Tinignan ni Pepe ang ibabaw, "huh?" sabi niya. "Bakit walang zipper o butones? Paano ko ito gagamitin?"
"Lamira!" tawag niya sa kanyang isip, "Kailangan kitang makausap, Lamira!" isa pa niyang tawag subalit walang sumagot.
Lumabas siya ng kwarto dala-dala ang bag. Aliw na aliw pa din ang mga kaklase niya sa pagkuha ng mga litrato at nilampasan lamang niya ito. Pagdating niya sa Living Room ay nandoon din si Rhea at Mary Ann na masayang nakikipag-usap sa iba nilang kaklase. Bumaba siya mula sa Living Room at dumiretso sa Chapel. Pumasok siya dito at nakita ang tatlong estudyante na nagdadasal, "Tsk, paano kaya ito? Kung sa gate ako ng hardin dadaan eh may makakakita sa akin," isip niya. Umupo si Pepe sa pinakalikod na upuan nanahimik.
"Alam ko na!" isip niya. Kumatok siya ng malakas sa kanyang inuupuan at agad na tumakbo ng walang ingay sa kabilang parte ng simbahan at bumaba sa hagdan. Paglingon ng mga nagdadasal ay wala na silang nakita. "Oh my God! It's a sign! Thank you po!" sabi ng isang estudyante na agad na tumakbo palabas. Si Pepe naman ay patuloy na naglakad sa ilalim ng chapel. "Teka, bakit wala yung pinto?" isip niya. Tinignan niya ng mabuti ang pader na pinasukan nila kaninang madaling araw subalit wala siyang makita na hawakan o kahit anong pwedeng galawin. Tinulak din niya ito at kinapa subalit walang nangyari.
Tumingin siya sa likod niya at sa tapat ng pader ay may isang maliit ng rebulto ni Jesus Christ, "Hindi ko ito napansin kagabi ah," bulong niya. Paglapit niya dito ay agad niyang nakita na hindi nakabaon ng maayos ang isang maliit na pako sa krus. "Please do not touch," nakasulat sa isang sign sa ilalim nito. "Do not touch pala ah," Idiniin niya ang pako sa kamay ng rebulto at biglang nakaramdam ng galaw sa likod. "Sorry po!" sabi niya habang hinihintay matapos ang pagbukas ng pinto. Agad na tumakbo si Pepe sa lihim na daan matapos isara ito.
Isang masukal na hardin ang nakita niya, "Lamira!" tawag ni Pepe. Naka-ilang tawag na siya subalit wala pa ring sumasagot, "Tsk, hindi niya sinabi sa akin kung paano ko gagamitin itong beltbag," napaatras si Pepe at napahawak sa puno na nasa likod niya.
"UTO UTO KA KASI! NAGPALOKO KAYO KAY LAMIRA!" sabi ng isang pamilyar na boses. Napatalon si Pepe sa narinig at napalayo subalit isang baging ang humabol sa kanyang paa at pumulupot dito, "HINDI PA AKO TAPOS SA MUNDONG ITO! BALANG ARAW AY MAKAKAWALA DIN AKO GAYA NI LAMIRA AT PAG NANGYARI IYON AY IKAW ANG UNA KONG HAHANAPIN! KAHIT ILANG DAANG TAON PA ANG HINYATIN KO!" sabi ni Barlan.
Nakita ni Pepe na napasandal pala siya sa puno ni Barlan, "Sibat ng Katarungan," tawag niya sabay tusok ng kanyang sandata sa baging at naputol ito. "68 years old lang ang life expectancy ng lalaking pinoy!" sabi ni Pepe habang tinatangal ang natirang baging na pumuluput sa kanyang paa.
Isang baging pa ang kumapit sa balikat ni Pepe. "EH DI YUNG ANAK MO!" sabi ni Barlan na tila nakakausap lamang si Pepe kapag nakadikit sa kanya ang isang parte ng puno o baging. "Hindi pa nga ako nagkakagirlfriend, anak agad?" sagot niya.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...