Napuno ng bulungan ang buong bahay. Binuksan nila ang pinto ng room #6 at inilabas si Rhea na hindi matigil ang pag-iyak. Si Pia ang umaakay sa kanya palabas na tinulungan naman ni Mary Ann. Dadalhin daw siya sa Medical Room kasama si Ms. Ann at ang ilang teachers.
"Mga bata sumunod kayo sa akin sa chapel and we will pray for Rhea," sabi ni Sister Estela. Sumunod ang mga estudyante na karamihan ay nakapangtulog na.
Nagdikit-dikit ang magbabarka nina John at kasunod naman si Pepe. Hindi sila nagsasalita pero iisa ang laman ng isipan nila. Sa loob ng chapel ay tinalasan ni Pepe ang kanyang mga pandama subalit walang nagparamdam. Matapos ang labin-limang minuto ng pagdadasal ay pinapasok na sila sa kanya kanyang kwarto pero bago maghiwahiwlay ay sumenyas si John sa mga kabarkada. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay ay kunyari ay kumakatok sa hangin. Alam na ng lahat ang ibig niyang sabhin.
"Pepe.. gising.."
Naalimpungatan si Pepe dahil sa isang pamilyar na boses, "Nakatulog ako! Anong oras na kaya?" isip niya.
"Alas-onse na ng gabi Pepe at kailangan mong takpan ang bibig mo."
"Anong amoy ito?" Isip niya sabay takip ng ilong.
"Iyan ang isa sa kapangyarihan ni Barlan. Huwag na huwag kang lalanghap ng hamog na iyan. Dahil pag nakalanghap ka ay makokontrol ka niya." sabi ng boses.
Pinigil ni Pepe ang kanyang paghinga at kinuha ang kanyang panyo sa bag. Nilawayan niya ang kanyang daliri at ginamit ito para isulat ang mga salitang "Linis hangin" sa kanyang panyo. Pagkatapos ay tinali niya ito paikot sa kanyang batok upang matakpan and kanyang bibig at ilong.
"Paano itong mga kasama ko?" tanong ni Pepe habang tinitignan ang mga roommates niya.
"Mas safe sila pag tulog Pepe. Mahina ang espiritual power nila kaya hindi sila papansinin ni Barlan.
"Barlan? Teka, ano iba talaga ang nangyayari dito? At sino ka ba talaga?" tanong ni Pepe.
"Huminahon ka Pepe. Hindi ako ang kalaban mo."
"Yung nakabarong na nagpaparamdam, Sino Siya?" tanong ni Pepe habang inaayos ang kanyang damit.
"Siya ang nagkulong sa akin sa Hardin. Isa siyang makapangyarihan na Kapre, ang pangalan niya ay Barlan. Kinokontrol nya ang mga bata at madre dito para manguha ng espritual na kapangyarihan."
"Ahhh! Okay," tumayo si Pepe at inayos ang kanyang sapatos, "Eh anong gagawin niya sa espiritual na kapangyarihan? Tapos bakit ka naman niya kinulong? At Diwata ka ba talaga?"
"Limitado lang ang kakayanan ko ngayon Pepe. Malakas na kapangyarihan ang inuubos ko makausap lang kita ng hindi nalalaman ni Barlan. Diwata ako. Nakakita ka na ba ng Diwata?"
"Sa TV lang, syempre hindi ko naman alam kung totoong ganun ang hitsura ng mga Diwata."
"Hmm, ang masasabi ko lang ay siguradong magugustuhan mo ako pag nakita mo ako."
Parang kumislap ang mga mata ni Pepe sa narinig subalit binalik niya ang focus sa problema, "Ganun ba? Okay. Pero paano ko ba tatalunin si Barlan?"
"Hindi mo siya matatalo sa isang labanan Pepe. Masyado siyang malakas pero meron akong maaring ibigay sayo na makakatulong para matalo mo siya.
"tok tok tok tok"
"Sila na yan," Isip ni Pepe. Tumayo siya at lumapit sa pinto.
"Huwag mong bubuksan ang pinto. Hindi na iyan ang kaibigan mo! Pumunta ka na dito!"
Humarap si Pepe sa pintuan, "Patawad, pero hindi ko sila pwedeng basta na lamang iwanan."
Bago hawakan ang door knob ay nilawayan ulit ni Pepe ang kanyang hintuturo at sinulat ang salitang "Katahimikan" sa pintuan. Pinihit niya ang door knob at dahan dahan tinulak ang pinto. Tulad ng inaasahan wala man lang kahit katiting na tunog ang nagmula dito.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...