Nilampasan ni Pepe ang sunod sunod na pinto na nakahilera sa pasilyo. Naisip niya kung sino-sino pa kaya ang mga nasa loob ng mga nakasarang pinto subalit hindi na niya pinansin ang mga ito at nagpatuloy na lamang sa dulo kung saan nanggagaling ang mga boses.
Lumabas siya sa lagusan at bumulaga sa kanya ang pulutong ng mga aswang. "Ano ito?" agad niyang sabi ng mapansin ang walang kulay na pader na nagsisilbing harang laban sa mga aswang. Nakatuntong ang mga aswang sa isa't isa at tinatakpan ang buong pader mula sa baba hanggang sa itaas. Gigil na gigil na ang mga ito na nasa anyong hayop na. Nakalabas ang kanilang mga pangil at sandata at kinakalampag nila ang pader na hindi natitinag kahit ano ang gawin nila.
"Huwag kang mag alala. Hindi sila makakalampas sa pader na iyan," sabi ni Linara. "Ikaw ang gumawa niyan?" sabi ni Pepe habang pinoproseso sa isip niya ang mga nakikita. Si Elena na nakatayo sa gilid ng pinto, sa kanan niya. Si Linara na nakatayo ilang hakbang ang layo sa pader, sa bandang kaliwa. Sa bandang kanan pa ni Elena ay may isang malaking butas ang pader.
"Pepe, let's go," sabi ni Elena. Nilingon ulit ni Pepe ang paligid. Wala ang nais niyang makita. "Si Pia? Si Karl?" sabi niya. "Karl is still inside. Si Pia, nilalabanan na niya ang mangkukulam," sabi ni Elena sabay turo sa malaking butas sa pader.
Tumakbo si Pepe sa tabi ng pader at sumilip. Unang bumati sa kanya ang malakas na hangin na halos hilahin siya papalabas. Tumingin siya sa taas; sa kaliwa, sa kanan, at sa baba. Wala siyang makita kung hindi ang madilim na ulap at ang itim na hamog na tumatabon sa lahat. "Nasaan ka?" isip niya sabay hawak sa suot na kwintas. Ginulat siya ng isang mahabang linya ng apoy ang humati sa ulap sa itaas. Pagkatapos nito ay isang malaking ibon na may katawa na kahoy ang lumipad papalayo. Kita ni Pepe ang nakasakay dito, "Yung walang hiyang mangkukulam!" sabi niya. At pagkatapos ay isa namang nagaapoy na ibon ang sumunod.
"Pia, hintayin mo ako." isip ni Pepe.
"She's fighting her fight right now. It's time to fight yours," sabi ni Elena. Lumingon si Pepe kay Elena at nagtagpo ang kanilang mga seryosong mata. Tumalas ang paningin at ang mukha ni Pepe. Tinignan niya ang kaniyang kamay na nababalat ng itim na gloves at ang kaniyang suot na uniporme.
"I'm ready. Pero paano si Karl?" sabi niya.
Lumingon si Linara sa kanya, "Mananatili ako dito. Hihintayin ko sila ni Hinaryo dahil kung hindi ay papasok ang mga aswang na ito at papatayin sila habang tulog sila sa loob.
Lumabas ang isang nilalang sa lagusan, si Hinaryo, "Nakakainis! Masyado ako nagtagal! Kumusta kayo?" tanong niya. "We're okay, but Pia is already there," sabi ni Elena. Tinignan ni Hinaryo ang butas, "Libro!" tawag niya. "Ibigay mo sa akin si Mayana ang pinakamagiting na ibon ng Vishaya," sabi niya.
"Ito na, ito na!" Kung makautos ka ah!" sabi ng isang boses.
Nagsalubong ang kilay ni Pepe at agad siyang napatingin sa libro. Dito niya napansin ang dalawang mata at isang bibig na bumubuka at gumagalaw sa makapal nitong balat habang lumilipat ang mga pahina.
"Nagsasalita siya?" sabi ni Pepe.
"Oo, bingi ka ba? And I have a name!" sabi ng libro. Tumigil ang paglipat ng mga pahina at natira ang isa na nakatayo sa gitna. Agad na pinunit ni Hinaryo ang pahina at hinagis ito na parang isang baraha sa malaking butas ng pader. Sa loob lamang ng isang segundo ay isang malaki at mabalahibong ibon ang sumulpot mula sa kawalan. Dumapo ang paa nito sa butas ng pader. Agad na lumapit si Hinaryo at hinawakan ang ulo ng ibon. Gumanti ito ng lambing at parang pusa na kinuskos ang ulo sa amo.
"Whoa, hindi na ako makapaniwala sa mga nangyayari," sabi ni Pepe.
"Maniwala ka Joseph. Hindi mo mabibilang ang hiwaga na hindi mo pa nalalaman," sabi ni Hinaryo habang nakayakap sa kanyang ibon. Sumakay na si Hinaryo sa ibon at marahan na pumitas ng isang balahibo sa katawan nito.
Inihampas niya sa hangin ang balahibo at bigla itong lumaki. Kumintab ang dulo at gilid nito at mukhang ang bawat hibla ng balahibong iyon ay kayang humati ng kahit ano. "Isang espada," sabi ni Pepe habang titig na titig doon.
"I will help Pia. Gawin nyo na ang dapat nyong gawin." sabi ni Hinaryo. Pumagpag ang pakpak ng ibon na nagpakwala ng malakas na hangin. Umangat ito at mabilis na lumipad paitaas.
Gumalaw ang mga kamay ni Linara at nahati ang barrier sa gitna. Tinulak nito ang mga aswang papunta sa gilid at nakita ni Pepe ang isang hagdan paakyat, "Tara," sabi ni Pepe kay Elena. Gawa din sa bato ang hagdan tulad pader at sahig subalit ang pinagkaiba nito ay meron itong itim na karpet sa gitna na nakalatag mula sa ibaba hanggang sa dulo sa itaas.
"We're going," sabi naman ni Elena kay Linara at agad na lumakad ang dalawa paakyat.
"Nawa ay gabayan kayo ng Reyna." sabi ni Linara.
Binuksan ni Pepe ang malaking pinto ng sunod na palapag. Walang itong laman kaya't dumiretso ng takbo ang dalawa. Dalawang palapag pa ang nilampasan nina Pepe at Elena nang magsimulang magkaroon ng grupo ng mga aswang humaharang as kanila. Walang nagawa ang mga ito sa pinagsamang lakas at galing nina Pepe at Elena. Hindi na inilabas ni Pepe ang kanyang sibat. Ginamit na lamang niya ang kanyang kamao na bumabaon sa katawan ng mga aswang sa bawat suntok niya.
Ang malaking pinto ng sunod na palapag ay nakabukas at nangiimbita. "Sino kaya itong nararamdaman ko?" isip ni Pepe habang umaakyat ng hagdan. Isang lalaki ang nakatayo sa dulo ng palapag. Nakaharang sa sunod hagdanan. Kilala ito ni Pepe, "Liru," sabi niya.
Lumampas sina Pepe at Elena sa malaking pintuan at patuloy na naglakad diretso. Nakangisi si Liru. Punong puno ng paghanga sa sarili ang postura nito at diretso ang tingin kay Pepe. "There's barrier," sabi ni Elena. Tumigil ang dalawa sa harap ng transparent at malabughaw na barrier ilang metro ang layo kay Liru.
"I'm glad that you are here. I haven't forgotten what you said to me before," sabi ni Pepe kay Liru. Tumaas ang kanang kilay ni Elena at napatingin siya kay Pepe. "Medyo madaldal ka yata ngayon but me too! I'm glad that you're here." sagot ni Liru. "Ha? Nagtatagalog na din siya?" isip ni Pepe.
"Isa lang ang pwede ko palampasin sa barrier na iyan. Sana maging matapang ka, Boy! At harapin ako mag-isa," sabi ni Liru.
"It's a trap. I'll go," sabi ni Elena. Humakbang siya papaharap subalit hinawakan ni Pepe ang kanyang kaliwang braso. "No, sa akin ang laban na ito." sabi ni Pepe. Tinignan ni Elena ng mabuti ang mga mata ni Pepe at pagkatapos ay binawi ang kanyang hakbang.
Humakbang si Pepe at lumambas sa barrier. "Don't get injured," sabi ni Elena. "Huwag kang mag-alala. I'll end this in a single blow," sabi ni Pepe.
Isang malakas na tawa ang kumawala sa bibig ni Liru. "Bobo ka talaga! It's a trap! Uto-uto!" sabi ni Liru habang patuloy ang pagtawa. "Hindi gagana ang mga Marka mo sa katawan dahil sa barrier na ito!"
Sinuntok ni Elena ang barrier na kanina ay tinagusan lamang ni Pepe. Walang nangyari sa Pader. Agad na inilabas ni Elena ang isa niyang baril at pinaputukan ang pader subalit wala pa ding nangyari. Tinaas ni Pepe ang kanyang kanang palad at sinenyasan si Elena habang diretso ang tingin kay Liru. "Okay lang ako. Yan ba ang ibig sabihin yan? Gusto mo talaga siyang labanan magisa?" bulong ni Elena.
"Hindi," sabi ni Pepe kay Liru. "You are now trapped with me here! At pagsisihan mo ito."
Tumawa uli ng malakas si Liru sabay bunot ng kanyang rapier sa kanyang tagiliran, "Sinabi ko na sayo dati na mamatay ka pag kinalaban mo ako. This is your end!"
"No not my end at uulitin ko. I'll end you in a single blow," sabi ni Pepe.
Itutuloy....
**********************************************************************************************************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...