Chapter 92 - Sorry Lola

933 43 2
                                    

"Talo na ba siya?" tanong ni Karl. "Hindi pa. Hindi sapat pa iyan pero yang tubig na iyan ay nagbibigay sa akin ng oras," sabi ni Linara. Nakatayo at nakalutang si Marcus sa gitna ng bilog na tubig. Hindi ito gumagalaw subalit alam ni Linara na hindi pa tapos ang laban. "Ayan na siya," sabi ni Karl habang nakasandal sa haligi ng palapag at sa unahan niya ay si Linara na nakatayo pa din. "Humanda ka," sabi ni Linara.

Nagmulat ang mata ni Marcus, "I hated this form of mine but I'll use it nonetheless. I, Marcus Vena Ursova, Member of the 6 Great Families, General and Guardian of the King, is loyal to my pledge and will remain loyal UNTIL MY DYING HOUR!" Nagsimulang umusok ang tubig na kinalalagyan ni Marcus at makalipas ang ilang segundo ay bumula ito.

Isang malakas na ungol ang dumagundong sa palapag at biglang sumabog ang tubig na kulungan. Bigla nawala si Marcus at sumulpot sa taas. "Babagsak siya!" sigaw ni Karl. At ayan na nga, biglang sumabog ang tubig at sahig nang bumagsak si Marcus subalit wala na si Linara at Karl doon.

"Whew! Muntik na," sabi ni Karl habang nasa bisig siya ni Linara. Tumalikod si Marcus sa malaking haligi at nakita si Linara na buhat si Karl. Isang malakas na sigaw muli ang lumabas sa kanyang bibig at pagkatapos ay bigla itong nawala sa paningin ni Karl. Parang isang malakas na kulog ang sunod niyang narinig. Nagulat na lamang si Karl nang makita ang nagaapoy na kamao ni Marcus sa harap niya. "Waaaahhhhhh!" sigaw niya habang nakapikit. Halos mabingi siya sa sunod sunod na suntok, kalmot at sipa na pinakawalan ni Marcus subalit wala siyang nararamdamang sakit.

"Waaaah?" Natigilan si Karl. Minulat niya ang isa niyang mata at nakita niya ang kalmadong mukha ni Linara at ang kumikinang at puti nitong mata, "Ayos. diwata ka na ulit at wala na ang armor mo," sabi niya at para bang nakahinga siya ng maluwag. Minulat niya ang isa pa niyang mata at dahan dahan lumingon sa harap kung saan nanggagaling ang malalakas na tunog.

"Hala! Ano nang nangyayari sa kanya?" sabi ni Karl. Parang isang baliw na hayop ang nakita ni Karl; kabaligtaran ng kalmadong si Marcus. Wala itong tigil sa pagtake sa ilaw na harang na ginawa ni Linara. Galit na galit. Gigil na gigil.

"Tumayo ka na," sabi ni Linara kay Karl. "Ha?" sagot ng binata na para bang nagulat siya na buhat siya ni Linara. "Ah, Oo!" sabi niya at tumalon pababa mula sa malambot na braso ng diwata. Pagkababa ni Karl ay nawala na ang ilaw na harang at isang suntok agad ang pinakawalan ni Linara na nagpatalsik kay Marcus sa haligi sa gitna. "Watch and learn," sabi niya kay Karl habang humahakbang papalapit sa kalaban. "Opo, Ate papanuorin talaga kita," sagot ng binata.

May puting liwanag na humiwalay kay Linara. Binalot nito si Karl at nagdulot ito ng ginhawa at proteksyon sa kanya. Umungol muli ang nagaapoy na oso. "Ungol ka nanaman," wala namang nagagawa yan sabi ni Karl. Sumugod ang dalawa sa isa't isa at nagsuntukan. Umuuga ang buong palapag sa tuwing nagsasalubong ang kanilang mga bisig at kamao. "Wow, matindi ito!" sabi ni Karl na pilit hinahabol ng kanyang mata ang mga kilos ng dalawa. Hindi man niya makita ng mabuti ay pansin niya kung sino ang nanalo.

Tumalsik si Marcus sa dulo ng palapag. Nakalutang sa ere si Linara at lumapit siya kay Marcus. "Like a boss!" sabi ni Karl nang makita ang angas ng hitsura at tindig ni Linara na nakalutang at nakatingin pababa habang lumalapit sa bumagsak na kalaban. At dahil wala na armor nito na napalitan ng manipis at puti na tela kagaya ng suot ng ibang diwata ay may magandang epekto pa ang hangin sa kanyang suot.

Duguan sa bibig ang malaking oso at tulala. Unti-unting nawala ang apoy niya at bumalik na sa pagkatao ang porma. Isang walang sapot na porma. Tinignan ni Linara si Marcus. Mabagal na kumilos ang mata ni Marcus at tumingin din kay Linara at pagkatapos ay nanginig ng ilang beses ang katawan nito bago nawalan ng buhay.

Hinawakan ni Linara ang ulo ni Marcus at hinagis ito sa mga naglalaban sa ibaba. Sa lakas at bilis ng tama nito ay napatingin ang lahat sa tore. "Bakit mo ginawa iyon?" sabi ng isang boses sa likod niya. Nagulat si Karl at biglang napalingon. Isang itim at mamula-mulang nilalang ang nakatayo sa likod nila. May suot itong itim na saplot subalit mahirap ito mapansin dahil halos kasing kulay ito ng kanyang balat. Ang naiibang lamang ay ang mata nito na halos katulad ng kay Linara.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon