"Basement ng chapel" sambit ni Pepe sa kanyang isip habang humahakbang pababa ng hadgan hawak ang kamay ni Pia. Sinalubong sila ng isang ihip ng hangin na nagbigay kilig sa kanilang dalawa. "Oh my god!" nanginig ang kamay ni Pia sa lamig at napansin ulit ito ni Pepe.
"Wait lang," sabi ng binatilyo sabay bitaw sa kamay ni Pia. Biglang nawala ang gabay nilang ilaw at ang natira na lamang ay ang munting liwanag mula sa hardin.
Mabilisan na tinanggal ni Pepe ang kanyang damit. Nasaksihan ito Pia at napataas ang kanang kilay niya, "What are y--". Bago pa man matapos ni Pia ang kanyang sasabihin ay naiabot na ni Pepe ang kanyang damit sa dalaga, "Isuot mo muna ito. Mukang lamig na lamig ka na eh."
"Ahh, wag na. I'm okay." sagot ni Pia habang senisenyas ang dalawang kamay. "Isuot mo na. Kanina ka pa nilalamig eh atsaka ang nipis kaya ng suot mo" sagot ni Pepe. Napatingin si Pia sa kanyang katawan at nanlaki ang kanyang mga mata. Bigla niya kinuha ang damit ni Pepe at sinuot ito, "Thank you!" sabi niya.
"Munting liwanag" sabi ni Pepe. Kasabay nito ay napansin niya ang biglang pagbabago sa facial expression ni Pia habang nakatingin sa katawan niya. Napahiya siya at napatakip ang isang kamay sa katawan.
"Wow abs! Wag mo ihide!" sabi ni Pia na may ngisi. Tinignan ni Pepe ang kanyang katawan at nanlaki din ang mata sa nakita, "Wow abs!" sabi din niya. "Huh?! Hindi mo alam na may abs ka?" sabi ni Pia. "Hindi!" sagot naman ni Pepe sabay kamot sa ulo. "Nakakatawa ka talaga. Let's go na!" hinawakan ni Pia ang kamay ni Pepe tumuloy sila ng hakbang pababa ng hagdan.
Habang bumababa ay hindi maiwasan ni Pepe na isipin ang mga nangyayari sa kanyang katawan. "Hindi ako nagpapatawa," isip niya. "Hindi ko talaga alam na ganito na kadefined ang abs ako. Hindi pa naman ito ganito kahapon eh. Anyway, thank you kwintas!"
Pagbaba ng dalawa sa ika-labinlimang baitang ay narating na nila ang batong sahig ng sikretong lagusan. Inunat ni Pepe ang kanyang kanang braso paunahan upang tanawin ang dulo ng lagusan subalit kadiliman lamang ang nakita niya. Nagtinginan ang dalawa at nagsimula ng maglakad.
Matindi ang tunog ng katahimikan sa loob ng lagusan. Maihahalintulad ito sa tunog ng batingaw na walang tigil ang pag-aligid sa kanilang tenga. "Ang sakit sa ears!" sabi ni Pia. "Oo nga. The sound of silence," sagot ni Pepe, "Anong oras na kaya?" dagdag niya.
"1:00 AM siguro? Why? Sleepy ka na?" sagot ni Pia.
"Ahh, hindi naman. Gusto ko lang malaman," sagot ni Pepe sabay bulong, "Ayaw ko na kasing makalimutan ang oras na ito." Lumingon si Pia kay Pepe, "Ano?" tanong niya. "Ano, sabi ko hindi pako inaantok kasi ganitong oras nagtitinda pa ako dati ng balut." sabi ni Pepe.
"Oh! Oo nga pala no? Kailangan matikman ko yang balut mo ha? After nitong problem na ito." sabi ni Pia. Napahinga ng malalim si Pepe sa narinig at hindi nagsalita. Napansin ng dalaga ang stress sa mukha ni Pepe, "Don't worry, kaya natin ito and besides madami pa akong gusto gawin sa buhay ko. Kaya hindi ako papayag na matatalo tayo ni Barlan." sabi ni Pia.
"Talaga? Ano-ano?" tanong ni Pepe.
Tinaas ni Pia ang kaliwang kamay at nagbilang gamit ang kanyang mga daliri, "Gusto ko maging painter! Maging archecologist! Pianist! Etc!" sabi ni Pia, "Eh ikaw?" tanong niya. "Ako?" sabi ni Pepe. "Ahh, hindi ko pa alam eh. Kasi bukod sa pag aaral, eh pagtitinda ng balut at pagtulong lang sa bahay ang ginagawa ko." sagot ni Pepe.
"Really? Ang selfless mo naman—," isang kakaibang tunog ang kanilang narining, "Wait! Yung sound na un!" sabi ni Pia. Humigpit ang hawak ng dalawa sa isa't isa at nagdikit ang kanilang katawan. "Ito ang boses ni Barlan!" sabi ni Pepe. "We're close!" dagdag naman ni Pia.
Napalitan ang tunog ng batingaw ng isang nakakakilabot na boses at ilang tunog na maihahalintulad lamang sa isang malademonyong ritual. At sa bawat hakbang ng dalawa ay lumalakas ang hindi kaaya- ayang tunog at boses. Nagpatuloy ang lakad ng dalawa hanggang marating nila ang isang pinto na yari sa kahoy. Mula sa pinto ay maririnig at mararamdaman ang yanig ng mga boses sa kabila nito.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...