Napailing si Pepe sa sinabi ni Pia, "Parang ayaw sa akin ng lolo mo eh," sabi niya. "Huh? How did you know?" sabi ni Pia. "Nag-usap na kasi kami at hindi maganda ang resulta," sagot ni Pepe.
"Really?" Kailan ito?" sabi ni Pia.
"Kaninang umaga lang. Ang gulo nga eh, parang panaginip. Hinahabol ko siya pero hindi ko siya maabutan tapos may ahas akong naramdaman sa leeg ko. At pagkahawak ko sa ahas, nagsalita ito tapos dumilim ang paligid at pagtingin ko sa kanya naging higante siya. Doon niya din sinabi na mangkukulam kayo at huwag daw kitang hanapin."
Napaupo si John sa isang malaking bato na malapit, "Holy crap! Yan yung nangyari kanina? Mabuti okay yung dalawa." Tinignan ni Pepe si John, "Nakasalubong ko nga yung dalawa, pero hindi ko alam kung parehas ang nangyari sa amin," sabi niya.
"Sorry! Defensive talaga si Lolo pagdating sa akin. That technique is what we call a Litany, favorite niya yang panakot sa mga naging classmate ko dati, lalo na sa mga nagbalak manligaw," sabi ni Pia habang tumatawa, "Pero you still came! Kahit na he warned you?"
Hinimas ni John ang kanyang baba at pisngi at kinindatan si Pepe, "Ahhh," sabi niya. Hindi naman siya pinansin ni Pepe, "Wala naman akong ibang choice. Buhay ng kaibigan ko ang nakataya dito," sabi niya.
Naging seryoso ang mukha ni Pia sa narinig, "I'm jealous! Sana meron din akong friend na gaya mo. Yung may malasakit at tapang para sa kaibigan and someone like John na kahit delikado sasamahan ka pa din." Tumalikod si Pia sa dalawa at tumingin sa buwan na kalahati lamang ang nakikita.
Kumindat ulit si John kay Pepe, "Thanks Pia! Pero hindi ko naman inasahan na ganito pala katindi ang mangyayari. Kung alam ko lang, baka ano. Hahaha!" sabi ni John habang tumatawa. Si Pia naman ay nanatiling tulala sa buwan.
Tinapik ni John si Pepe ng mahina sa braso at itinuro si Pia gamit ang kanyang nguso. Nagsalubong naman ang kilay ni Pepe habang nakatingin kay John. Ginantihan ito ni John ng pagalit na tingin at paulit-ulit na itinuturo si Pia gamit ang kanyang nguso.
Huminga si Pepe ng malalim at bahagya itong lumapit sa nakatalikod na dalaga, "Ako ba hindi mo tinuturing na friend?" sabi ni Pepe. Tila nagulat si Pia sa tanong ni Pepe at humarap ito sa binata, "Do you consider me as one? Kahit na nagsinungaling ako sayo?" sabi ni Pia.
"Oo!" sabi ni Pepe, "Nalungkot ako nang nalaman ko na posibleng hindi pala totoo yung mga pinakita mo sa akin. Ang saya ko pa naman noon. Atsaka akala ko close na tayo, kaya lang biglang kang umalis at parang hindi na kita ulit makikita."
Napalunok si John sa mga nasasaksihan.
Tumingin si Pia kay Pepe, "It's true! At masaya din ako noon!" sabi niya at pagkatapos ay nagkangitian ang dalawa, nagkatinginan at nagkahiyaan.
"Ubo! Ubo!" singit ni John. "Teka lang, can I ask kung ano ang nangyari sa retreat? Parang hindi ko naman nakita na nag-usap kayo."
"Sasabihin ko na sa kanya?" tanong ni Pia kay Pepe, "Sige," sabi ni Pepe.
Lumapit si Pia kay John na nakaupo pa din sa malaking bato at hinawakan ang ulo nito, "ipakita ang alaala," sabi ni Pia. Biglang tumurik ang mata ni John at mabilis itong lumikot pakaliwa, pakanan, pataas at pababa. Matapos ang ilang segundo ay tinanggal na ni Pia ang kamay niya at pumikit si John.
"Ahh! Sakit sa ulo," sabi ni John at pagkatapos ay tumingin kay Pepe, "Grabe! Ikaw pala sumuntok sakin ha? Kaya pala masakit ang panga at katawan noong umaga!" sabi ni John. Natawa si Pepe, "Sorry!" sabi niya. "Sorry-sorry ka pa diyan! Eh mukhang enjoy na enjoy ka naman sa mga nangyarari! Parang hindi nawala yung ngiti mo buong gabi eh," sabi ni John habang iminumustra ang abot tenga na ngiti ni Pepe.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...