Humabol ang tingin ni Pepe sa puno na naglalakad. Kasabay nito ay unti-unting nawala ang hamog na sumuklob sa buong lugar. "Pepe!" tawag ni Pia habang tumatakbo papalapit sa binata. Tinanggal ni Pepe ang kanyang panyo sa bibig at tinignan si Pia na may dalang pag-aalala sa mukha. "Ang dami mong wounds!" sabi nito pagdating sa harap ng binata. Hinawakan ni Pia ang braso at balikat ni Pepe, "May First Aid Kit sa loob diba? Tara!" sabi ng dalaga. Nahiya naman ang binata at napailag ng kaunti sa hawak ng dalaga, "Okay lang yan. Wag ka mag-alala. Mawawala din agad yan dahil sa kwintas ko," sagot ni Pepe.
"Nope! Hindi pwede!" sabi ni Pia na tinitignan pa din ang mga sugat sa katawan ni Pepe. Sa paligid nila ay isa-isang tumumba ang mga madre, "Oh!" sabi ni Pia na napalingon sa mga ito. Nilapitan ni Pepe ang isang madre at sumunod naman agad si Pia, "Okay na sila?" sabi ng dalaga. "Parang, pero tignan mo ito," sabi ni Pepe habang sinasalat ang mga itim na abo na nagkalat sa paligid ng mga madre. "Dignum ito! Ito yung nagpaitim sa kanila."
"Oo nga," sabi ni Pia na humawak din sa abo, "Unlike ng kay Barlan na tattoo. Ito ay parang nakadikit lang sa skin nila." Tumango si Pepe sa sinabi ng dalaga habang tinitignan pa din ang itim na abo. "Oh wait! Yung mga classmates natin! Nasaan na sila?" biglang naalala ng dalaga. Umikot ng tingin si Pepe para hanapin ang mga ito pero wala sila, "Kanina ko pa sila hindi nakikita," nilagay ni Pepe ang kanyang kanang kamay sa noo, "Nandoon kaya sila sa kwarto ni Barlan?"
"Anong room?" tanong ni Pia. "Hindi ko pa sure pero sumunod ka sa akin," sagot ni Pepe. Dali-daling tumakbo si Pepe at Pia sa resthouse at tila nakalimutan na ang First Aid Kit. "Dito!" sabi ni Pepe habang tumatakbo papunta sa loob chapel.
"Saan kaya ang daan?" isip ni Pepe. Tumayo ang dalawa sa gitna ng chapel at umikot, "Look!" turo ni Pia sa isang maliit na balkonahe sa taas ng pinto. "May isa pa palang pinto sa taas. Hindi ko ito napansin kahapon noong sumilip ako kasi hindi ako pumasok sa loob," sabi ni Pepe. Pumunta ang dalawa sa ilalim ng pinto ng chapel.
"How ingenious! May room pala sa taas?" sabi ni Pia, "Pero paano tayo aakyat?" Pumunta si Pepe sa likod ng kahoy na pintuan, "Pwede naman tayo tumalon paitaas, pero," sa sahig sa likod ng pinto ay may isang maliit na pingga at tinapakan ito ni Pepe, "pwede rin naman natin gamitin ang hagdan," sabi niya. Ilang bakal na kambyo ang tumunog mula sa loob ng pader ng chapel at isang hagdan na bakal ang bumaba mula sa balkonahe.
"Good!" sabi ni Pia sabay bigay ng okay sign kay Pepe.
"Ladies first!" sabi ni Pepe habang tinuturo ng kanyang palad sa hagdan. "Nope! Ikaw ang mauna dahil nakadress ako," sabi ni Pia na ginagalaw pakaliwa at pakanan ang kanyang isang daliri. Napatingin si Pepe sa damit ni Pia at agad naintindihan ang sitwasyon, "Ay sorry," sabi niya.
Umakyat ang dalawa at binuksan ang trapdoor sa taas. Mula sa balkonahe ay kitang-kita ang buong chapel pati ang sira na naidulot ng labanan kanina. Niyakap ng palad ni Pepe ang hawakan ng pinto at pinihit ito, "hindi nakalock," sabi niya. Dahan dahan niya binuksan ang pinto at nakita ang isang hagdan na kumukurba pakanan. Napakatahimik ng kwarto. Dinig na dinig ng dalawa ang kanilang mga hakbang sa kahoy na baitang ng hagdan. Matapos ang kanilang pag-akyat ay sumalubong sa kanila ang isang malaking kwarto.
"Oh my! Ang gandang attic!" sabi ni Pia "But—"
Bumulaga din sa kanila ang mga kaklase na tila naging estatwa sa gitna ng kwarto. Sa harap ng mga estatwa ay may isang malaking kama. Sa pader naman ay maraming estante at iskaparate ang nakahilera at sa sahig ay maraming hugis at simbulo ang nakasulat.
"Ano nangyari?" sabi ni Pepe. Si Pia naman ay isa-isang nilalapitan ang mga estatwa na nanatiling kulay itim hindi tulad ng mga madre kanina na bumalik na sa normal ang hitsura.
"Pepe, hanapin mo ang isang lumang banga sa loob ng kwarto," sabi ng isang boses sa kanyang isip. "Lamira?" sambit ni Pepe. "Oo, ako ito si Lamira. Kumuha ka ng tubig sa banga at ibuhos mo ito sa mga kaklase mo," sabi niya. Hinanap niya ang banga at nakita ito sa isang sulok. Lumapit siya dito at tinanggal ang takip, "Ito siguro iyon," sabi niya. Sumalok siya gamit ang katambal na tabo sa tabi nito.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Pia. "Sabi ni Lamira ay kumuha daw ako ng tubig dito sa banga at ibuhos ko sa kanila," sagot ni Pepe. "ohhh, okay. Pero mababasa sila," sagot ng dalaga na biglang may mapansin sa isang estante sa kabilang bahagi ng kwarto, "Books!" sigaw ni Pia.
"Anong nangyari? Bakit sila nagkaganito?" tanong ni Pepe kay Lamira habang dinadala ang sinalok na tubig. "Ito ang susunod na bahagi ng plano ni Barlan. Gagamitin niya ang iyong mga kaklase para makahanap pa ng ibang tao na may malakas na espiritual na kapangyarihan," sabi ni Lamira.
"Para saan? Bakit niya ito ginagawa?" tanong agad ni Pepe. "Gusto niyang sakupin ang buong Pilipinas," sagot naman Lamira. "Pilipinas lang? Hindi world domination?" sabi ni Pepe na natatawa sa kanyang sinabi. "Pilipinas lang. Hindi masyadong mataas ang kanyang ambisyon," paliwang ni Lamira. Isa-isang binuhusan ni Pepe ang kanyang mga kaklase ng tubig mula sa banga. Maya maya ay nagsimulang magkaroon ng maliliit na paggalaw mula sa mga ito at unti-unting bumalik na sa normal ang katawan nila.
"Ahhh, aray ko," sabi ni John habang hawak-hawak ang kanyang mukha, "parang may sumapak sa akin." Nagkatinginan si Pepe at Pia at parehas natigilan sa kanilang ginagawa. Biglang lumapit si Pepe sa tenga ni John at bumulong. "Matulog ka na. Wala kang maalala sa mga nangyari ngayon mula alas-onse ng gabi hanggang sa pag-gising mo." Pumihit ang katawan ni John at naglakad palabas. Nilapitan din ni Pepe ang iba at ginawa din iyon. Napabuntong hininga si Pepe, "Hay, muntik na. Mahabang paliwanagan iyon," sabi niya habang naglalakad papalabas ang mga lalaki.
Ngayon ay tanging ang dalawa na lamang ang nasa loob ng malaking kwarto. Ngayong wala na ang kanilang mga kaklase ay napansin ni Pepe ang iba pang bagay na nasa paligid. Napatingin siya sa isang iskaparate sa gilid at nakita ang mga laman nitong ashtray na galing sa Summer Capital ng bansa. "Wow, may iba't ibang sizes pa," sabi ni Pepe habang hawak hawak ang isa, "Matutuwa yung mga iyon pag nakita nila ito. Theory confirmed!"
Si Pia naman ay parang walang pakialam sa paligid. Lumapit si Pepe sa dalaga na seryosong nagbabasa. "Ang daming libro," sabi ni Pepe habang binabaybay ng kamay niya ang mga libro na nakahilera sa estante. Pumili siya ng isa at kinuha ito, "At mukang antique na ang mga ito at kakaiba ang pagkakagawa."
Tinignan ni Pia ang libro na hawak ni Pepe at pinunasan nang kamay niya ang matigas na balat sa harapan nito. "Historia Del Viejo Mundo Y Los Espíritus" sabi niya at matapos ay tumingin siya kay Pepe, "History of the Old World and the Spirits."
"Marunong ka mag Spanish?" tanong ni Pepe na sinagot lamang ng dalaga ng isang matamis na ngiti. Kinuha ni Pia ang makapal na libro kay Pepe at ginalugad pa ang nasa estante. Nakita niya ang isang libro na may kumikinang na sulat. Kumunot ang noo ng dalaga habang tinitignan ang nakaukit na mga letra at simbulo dito. Tinignan ni Pepe ang libro, "May espiritual na lakas na lumalabas dito!" sabi ni Pepe. Kinuha ni Pia ang libro at niyakap ito ng mahigpit.
"Pia, hindi sa atin yan."
"I DON'T CARE!" sigaw ng dalaga at parang nag-aapoy ang mga mata nito dahil sa gustong . gusto niyang kunin ang libro. "Let's go na!" biglang namang nagbago ang kanyang mukha pabalik sa isang inosenteng dalaga na mukang napakabait.
"Pepe, buhatin mo ang banga at dalhin mo ito sa akin dito sa hardin. Pagdating niyo dito ay mayroon akong ibibigay sa inyo."
"Talaga?" sambit ni Pepe na narinig naman ni Pia. "Anong talaga?" tanong ni Pia. "May ibibigay daw sa atin si Lamira at dalhin ko daw yung banga," sabi ni Pepe habang naglalakad papalapit sa banga. Hinarangan naman siya ni Pia, "Wait! Hindi yan sa atin," sabi ni Pia.
"I DON'T CARE!" sagot naman ni Pepe at nagtawanan ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...