Chapter 98 - It's not over yet!

716 41 7
                                    


"Oh my!" sabi ni Pia. "What's happening?"

Nakatingin din si Hinaryo sa itaas. Kita niya ang paglipad ni Linara na pasan sa balikat si Elena. "Kailangan na nating umalis," sabi niya. "Huh? She's in trouble! Help natin siya!" sabi ng dalaga. "No. She's running away," sabi ni Hinaryo.

"What? No! They won't... leave us..." dahan dahan naisip ni Pia ang sinabi ni Hinaryo subalit totoo nga na lumulipad na papalayo ang diwata. "These are diwatas. They only care about their mission. They came here to take their princess. That is their priority. What made you think that they really care about us?" Naging seryoso ang mukha ni Pia. "Ahh, yes. You are right," sabi ni Pia sabay lapit kay Pepe. Niyakap niya ang binata, "Kailangan na natin umalis dito, Pepe. Sorry at hindi ka pa makakapagparest ng maayos."

"Piaaaaaa!" sigaw ni Karl habang tumatakbo papalapit. "Lumilipad na sina Linara papunta sa entrance! Tara na!" sabi ni Karl. "Oo, but we have to be careful. May mga kalaban, lurking," sabi ni Pia.

Hinahabol ng mga demonyo si Linara. "Ayan na ang pinto!" sabi niya. Isang malakas na pagsabog ang sumalubong sa kanya at binutas nito ang malaking pinto. Lumusot agad si Linara at bumati sa kanya ang mga sundalong diwata. "Nakahanda na ang kapsula ng prinsesa," sabi ng isang diwata. Tinignan ni Linara ang kapsula na nakalutang ng bahagya sa lupa. Nababalot ang ilalim nito ng mga ugat ng puno na kulay puti at ang ibabaw naman ay may malinaw na salamin kung saan makikita ang loob nito na parang napakalambot. Sa bandang gitna ay may simbulo. Gawa ito sa isang bagay na maihahalintulad lamang sa isang silver.

Agad lumapit si Linara sa kapsula. Biglang nawala na parang bula ang salamin sa ibabaw at inihiga niya doon si Elena. "Humandaaaa!" sigaw ng isang diwata at sabay sabay kumilos ang mga ito at iniharap ang kanilang mga sandata sa malaking pintuan.

Lumabas mula sa pinto ang tatlong demonyo at sinugod nito ang mga diwata sa harapan. "Paparating na sila," sabi ni Linara, "Simulan ang engkantasyon!" dagdag niya. Nagapi ang tatlong demonyong subalit nararamdaman na nila ang kasunod nitong tila isang hukbo. Humarap si Linara sa malaking pintuan at tinignan ang mga kasama niya.

"DITO NATIN SILA PIPIGILAN!"

At sumugod na nga ang mga demonyo.

"PAULANAN ANG PINTO!"

"PROTEKTAHAN ANG PRINSESA!"

Sunod sunod ang utos ni Linara at sa bawat utos niya ay parang lalong gumagaling at lumalakas ang kanyang mga kasama. Pero isang malaking nilalang ang biglang lumitaw sa kanyang harapan.

"Calvin!" sabi ni Linara. Biglang napalingon ang mga diwata at sa isang iglap ay isang malakas na pagsabog ang pinakawalan ni Calvin. "YOU WILL NOT GET AWAY," sabi niya.

Sa loob ng pintuan...

"Anak ng! Hindi sila nauubos!" sabi ni Karl matapos saksakin ang isang demonyo na sumugod sa kanya. "Hindi talaga sila mauubos dahil hindi ka naman makapatay," sabi ng isang demonyo na nakalutang sa itaas. "Ikaw nanaman!" sabi ni Karl. "Oo ako ulit!" sabi ng demonyo sabay titig sa mata ni Karl. "Hindi kayo makakaalis dito," dagdag ng demonyo habang patuloy ang pagdagsa ng mga kalaban. Tatsulok ang puwesto ng tatlo at nasa gitna si Pepe na walang malay na nakasakay sa isang hayop na galing sa ibang mundo. Kahawig nito ng porma ang isang kangaroo subalit mabalahibo ito at imbes na braso at kamay ay mayroon itong dalawang pakpak. Ang mukha nito ay kahawig ng sa aso; palitan mo lamang ang nguso ng malaking tuka. Mayroon din itong buntot subalit maikli lamang.

Isang ibon ang mabilis na lumilipad sa himpapawid. Tumaas ang kilay ni Luci. Tinaas niya ang kanyang kanang kamay at lumabas dito ang isang galamay. Galamay na parang sa isang pogita. Humaba ito at humampas hangin at naglaglag sa lupa ang ibon. "Nagmamatyag ka ha? Hindi yan uubra sa sakin," sabi ni Lucy.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon