Chapter 60 - Versus!

1.7K 103 3
                                    


Sa gitna ng madilim na usok, isang malaking ulo ng halimaw ang dahan dahan na umusbong. Mukha ito ng tao, nakanganga, may maitim na mga mata, matatalim na pangil at nakalawit ang dila na para bang pinagsama itong aso at tao. 

Palihim itong sumusunod kay Lolo Ricardo na naglalakad.

"Isa, dalawa, tatlo, apat na halimaw," sabi ng matanda habang patuloy na naglalakad, "Ano pang hinihintay ng mga panget na'to?"

Makalipas ang ilang minuto ay isang galit na ungol ng halimaw ang umalingawngaw sa malapit. Ilang yagabag sa lupa ang narinig ng matanda at sumunod pa ang isang ungol, isa pa at sumunod pa ang isa isa. Bilang lumabas ang halimaw na may mukhang tao at katawan ng aso sa taas ni Lolo Ricardo at nakaturo sa kanya ang malalaking kuko nito habang bumabagsak.

"Yawa," sabi ng matanda. Tumalon siya paitaas, pasalubong sa halimaw. "Stone Lance," bulong niya at may mabilis na tumubong bato sa kanyang kaliwang braso na naging isang mahaba at matulis na sandata. Binuka ng halimaw ang malaki nitong bibig pababa sa matanda at sinakmal ito subalit bago pa man dumikit ang matatalas nitong pangil ay sumaksak na sa bibig ng halimaw ang matalas na bato mula sa braso ni Lolo Ricardo.

Malalakas at galit na ungol ang sumunod na narinig ng matanda. Tumapak siya sa labi ng halimaw at mabilis na tinulak ang kanyang katawan pababa. Pagbaba niya ay nag-aabang ang talong halimaw sa kanya. Sa harap niya ay sang higante na may katawang tao at mukha ng kalabaw, sa kaliwa ay isang malaking buwaya na mahaba ang mga paa tulad ng sa mga hayop sa lupa at sa likod ay malaking pusa na may ulo ng ahas.

Sabay sabay na sumugod ang tatlo, galit na galit at nagmamadali. "Stalagmites," bulong ng matanda. Inangat niya at kanyang kanang paa at mabilis itong binagsak sa lupa. Saglit na yumanig ang paligid at tatlong matutulis na bato ang lumabas at tumuhog sa tatlong halimaw. Kasabay nito ay ang pagbagsak ng halimaw na aso sa kanyang kanan.

"Hay tumahimik din sa wakas," sabi niya habang nalalaglag ang mga piraso ng bato mula sa kanyang kaliwang braso. "Saan na kaya si my labs?" sabi ng matanda. Pinakinggan niya ang paligid at hinanap ang boses ng kumakanta. Napangiti ang matanda, "Ayun!" sabi niya ng marinig ang mahina subalit magandang boses. "Nakakapanghinayang naman at ginagamit mo ang talento mo sa masamang gawain," dagdag niya.

Bago pa man humakbang sa direksyon ng kumakanta si Lolo Ricardo ay isang matinis na tawa ang sumira sa katahimikan, "Ako ba ang hinahanap mo?" sabi ng boses. Kasunod nito ay gumapang ang isang grupo ng ugat sa tapat ni Lolo Ricardo at tumubo dito ang isang kahoy na pigura. Isang maliit at matandang babae ang hitsura nito, "Hindi ka pa din nagbabago, babaero!" sabi ng pigura na nakabestida at maraming nakasabit na iba't ibang hugis sa leeg at hikaw.

"Hindi ikaw ang hinahanap ko! Mas okay na itong ganito kaysa maging katulad mo," sabi ni Lolo Ricardo na biglang kumunot ang noo.

"Ang sakit mo naman magsalita," sabi ng pigura. Gumalaw ang mga kamay at paa nito at mabilis na naging kulay kayumanggi at naging totoong tao na ito, "Parang kailan lang, ako lagi ang hihanap mo," sabi niya at pagkatapos ay tumawa ulit.

Bahagyang lumihis si Lolo Ricardo sa matandang babae at nilampasan ito. "Hindi pa tayo tapos mag-usap!" sabi ng matandang babae. Sumugod ang ilang ugat sa paa ni Lolo Ricardo at pumulupot dito.

Tumingin sa baba ang Lolo, "Mukhang ikaw ang hindi nagbago, Leyda. After 100 years, napakaclingy mo pa din!" sabi ni Lolo Ricardo. Tumawa ng malakas ang matandang babae, "Yes, I'm still the old Leyda that you know!" Naging kahoy ulit ang katawan ni Leyda. Nagbago ang anyo nito; tumangkad na halos kasing tangkad ni Lolo Ricardo, kuminis ang mga kulubot na balat at gumanda ang hubog ng katawan. Isang magandang ngiti ang lumabas sa mapupulang labi ni Leyda, "Ngayon, gusto mo na ba makipagusap?" sabi ni Leyda at pagkatapos ay sumabog ang malakas na tawa sa labi nito.

Tila dumilim ang paningin ni Lolo Ricardo, nagsalubong ang kilay niya at lalong kumunot ang noo, "UMAYOS KA!" sabi niya at pagtakatapos ay biglang sumabog ang mga ugat na nakapulupot sa kanyang mga paa. Tumawa nanaman si Leyda, "Mabilis lang ito Ricardo, then I will take you to the King and put you in with the other sacrifices!"

Samantala...

Patuloy ang pagatake ng malaking oso kay Pepe.

"Very good Pepe!" sabi ni Elena habang pinapanood ang dalawa mula sa labas ng kweba. "Isipin mo ang kalaban mo sa harap pero wag mo kalimutan ang isa mo pang kalaban, ANG LAMIG!"

"Oo nga eh, pakiramdam ko pag nahagip ako ng isang hampas nito eh durog ang buto ko! At kanina pa ako ilag ng ilag at sa kakailag pa lang eh napapagod na ako," isip ni Pepe. Tumalon siya paatras subalit agad siyang sinundan ni Karl sabay palo ng malaking kamay nito pabagsak sa kanya. Humakbang si Pepe sa kanyang kanan at umilag. Sumunod naman ngayon ang kaliwang kalmot ng oso pero madali itong nailagan ni Pepe.

"Okay, parang boksing, pag sumuntok ang kalaban gamit ang kanang kamao sa kanan ng kalaban ka din umilag para hindi effective ang kaliwang suntok," isip ni Pepe. Nanginig ang kanyang mga binti dahil sa lamig, "Tsk!" sabi niya sabay tumbling patalikod.

"Wala akong karapatan mag isip ng ibang bagay," sabi niya. Huminga siya ng malalim at pinikit ang kanyang mga mata. Nakita niya ang malikot na EE ni Karl at pasugod na ulit ito sa kanya. Minulat niya ang kanyang mata at dalawang kalmot agad niyang kaharap. Umilag siya sa kaliwa ni Karl. Patuloy siyang inatake nito at patuloy din ang pag-ilag ni Pepe paikot sa kaibigan.

Nang biglang-- "Ito na! Ito na ang tsansa ko umatake," Isip ni Pepe nang makita mula sa gilid ni Karl ang dalawang kamay nito na pababa pa lamang matapos ang ilang pag-atake. Mabils na humakbang si Pepe papalapit at hinanda ang kanyang kamao.

"Hardening!" isip niya sabay suntok papunta sa mukha ng kaibigan.

Mabilis na pinakawalan ni Pepe ang kanyang kamao. Isang malakas na kalabog ang yumanig sa paligid at isang malaking bagay ang mabilis na tumalsik sa malabing bato malapit sa kweba.

Tumaas ang kaliwang kilay ni Elena.

Bumaba ang mga nyebe mula sa enkwentro na iyon at nakatayo pa din ang malaking oso sa kanyang pweso. "Aray," sabi ni Pepe habang nakadikit sa bato na may malalaking lamat dahil sa pagsalo nito sa kanya. "Hehehe, mabuti na lang at naibalik ko sa katawan ko ang hardening ko. Muntik na ako dun ah!" sabi niya.

Tumulo ang dugo sa isang mahabang sugat sa kanang pisngi ni Pepe at nakita niya ang tatlong kalmot sa kanyang dibdib. Napatingin din siya sa malaking oso sa tapat at napansin na nakalabas ang mga ngipin at pangil nito na tila nakangisi, "Hanggang ngayon, nang-aasar ka pa din!" sabi ni Pepe. Tumindi ang tingin ni Pepe sa kaibigan at nag-init ang kanyang katawan. "Sumosobra ka na, " sabi ni Pepe.

Humakbang siya papalapit sa kaibigan. Unti-unti ay nagkaroon ng hamog sa kanyang paligid na para bang sumisingaw ang nyebe na kanyang natatapakan.

"Good, just as I planned," sabi ni Elena.

Itutuloy...

**********************************************************************************************************************************************************************************************

Again, maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay! 50K reads na! Sana dumami pa.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon