"THIS IS A WARNING. The Blood Moon is upon us. Do not interfere in the ritual," sabi ng isang boses na tila mula sa isang lalaki na malaki ang katawan.
"Don't count on it, RUFUS!"
"Boses ni Elena yun ah," isip ni Pepe. Binilisan pa niya ang kanyang takbo at nakita niya si Elena suot ang itim nitong uniporme at hawak si Rose at Dahlia, ang kanyang dalawang baril. Sa tapat ni Elena ay ang nasusunog na Dojo at sa unahan naman ng dojo ay nakatayo ang isang matangkad na lalaki na may matipunong katawan, "Ito si Rufus," sabi niya. Naka-asul na unipormeng pangsundalo si Rufus at buhat nito sa kaliwang kamay si Lola Armina gamit ang kuwelyo ng uniporme nito.
Namula ang mukha ni Pepe sa galit nang makita ang sinapit ng matanda, "LOLA!" sabi ni Pepe sabay sugod kay Rufus. Lumingon si Elena sa boses na narinig at pati na din si Rufus, "WAG!" sabi ni Elena subalit hindi ito narinig ni Pepe dahil ang tanging naririnig na lamang niya ngayon ay ang sigaw ng kanyang galit na puso.
Lumampas si Pepe kay Elena at tumalon ng mataas. Tinawag niya ang kanyang sibat at inihagis ito kay Rufus. Ngumiti naman si Rufus at iniharang ang katawan ni Lola Armina. Nagulat si Pepe at tinawag pabalik ang kanyang sibat subalit tinuloy pa din niya ang kanyang pagsugod at mabilis siyang bumulusok sa kalaban. Paglapit ni Pepe ay binaba ni Rufus ang kanyang kaliwang braso na may buhat kay Lola Armina at isinalubong sa mukha ni Pepe ang kanyang kanang kamao. Tinamaan si Pepe na nagpaikot ng kanyang katawan sa ere bago ito bumagsak sa lupa.
"Pasaway ka talagang bata ka. Hindi ka nag iisip," mahinang sabi ni Lola Armina. "Another weakling," sabi ni Rufus subalit nagsalubong ang kilay niya ng makitang gumalaw ang ulo ni Pepe.
"Pasensiya na kayo Lola. Pagdating po talaga sa mga taong mahalaga sa akin. Hindi na talaga ako nag-iisip. Gagawin ko agad ang nararapat. ANG ILIGTAS SILA!"
Biglang bumangon si Pepe at sinipa ang ulo ni Rufus na nasalag naman ng kalaban gamit ang kanyang kanang braso. Tinulak ni Rufus ang paa ni Pepe at sinuntok ulit ang binata sa mukha subalit hindi natinag si Pepe. "THIS IS HARDENING!" sabi niya sabay sipa ulit sa mukha ng kalaban. Ikinagulat ni Rufus ang nasaksihan kay Pepe kaya't hindi ito naka-ilag at nasalo niya ang buong pwersa ng sipa.
Ilang sunod sunod na putok ng baril ang umalulong at tumama ang mga bala nito sa kaliwang braso ni Rufus. Nagalit si Rufus nang makita ang kanyang braso na malapit ng maputol dahil sa mga tama ng bala subalit wala itong magawa dahil sa mga sipa na sinasalag niya mula kay Pepe. "SIBAT NG KATARUNGAN" sabi ni Pepe. Tumigil siya sa pag sipa at tumalon papunta sa likod ni Rufus.
Haharapin na dapat ni Rufus si Pepe subalit tumigil siya nang makita ang mabilis na pagsugod ni Elena, "HARUTO" bigkas ni Elena at habang lumalapit siya kay Rufus ay nabubuo sa kanyang palad ang isang pulang samurai. Tinignan ni Pepe ng mabuti ang kanyang pakay, ang kaliwang braso ni Rufus, at buong lakas na isinulong ang kanyang sandata doon. Sa harap naman ni Rufus ay inihanda na ni Elena ang kanyang sandata at mabilis itong inihampas.
Biglang tumaas ang isang malakas na hangin kasabay ang lupa at alikabok kaya't walang nakita si Elena at Pepe. "Lola!" sabi ni Elena ng masambot niya ito bago bumagsak sa lupa. "Nasa taas siya!" sabi ni Pepe nang makita si Rufus na tumatakip sa liwanag ng buwan.
Nawala ang samurai ni Elena. Ipinatong niya ang dalawang palad niya sa dibdib ng matanda at huminga ng malalim. Nakaramdam si Pepe ng init mula sa dalawa, "Pinapagaling niya si Lola," isip ni Pepe. Lumuhod siya sa tabi ni Elena, "Kami na ang bahala kay Lola. Kaya siyang pagalingin ni Pia," sabi niya. Lumingon si Elena kina John at Pia sa likod at pagkatapos ay humarap ulit kay Pepe at tumango ito, "Maraming salamat," sabi ni Elena.
Maingat na binuhat ni Pepe ang matanda at dinala ito kay Pia at John. "Oh my!" sabi ni Pia nang makita ang duguan na matanda na papalapit sa kanila. "Multiple injuries, but heart beat is still okay," dagdag ni Pia.
Inilabas ni Pia ang kanyang libro, "CADUCEUS!" sabi niya. Mabilis na bumuklat ang mga pahina ng libro at agad ipinatong ni Pia kanyang palad sa isang pahina. Hinila niya mula dito ang dalawang ahas na kulay ginto at agad itong itinabi sa matanda. Mabilis na kumilos ang dalawang ahas. Pinuluputan ng mga ito ang katawan ng matanda bago ito kinagat sa leeg. Nanlaki ang mata ng dalawang binata, "Pang healing ba talaga yan? I get the Caduceus reference pero--"
"Quiet!" putol ni Pia kay John.
"Wag kayo mag-alala. Ah, I am feeling better. Thank you m-my dear," sabi ni Lola Armina. "Your welcome po," sabi ni Pia.
"I've waited a long time for this reunion to happen," sabi ni Elena habang nabubuo ulit ang kanyang samurai sa kanyang palad. Nakatingin siya kay Rufus na dahan dahan bumababa. Magaling na ang kaliwang braso nito, "Ah! Yes, I remember those weaklings and I remember how loud you cried that night," sabi ni Rufus habang nakangisi bago lumapag sa lupa.
Biglang tumahimik ang paligid at umihip ang isang malakas na hangin. Habang tinitulak ng malakas na hangin ang kanilang mga buhok ay nakaramdam si Pepe ng matinding init. Napatingin siya sa pinagmumulan nito at nakita niya si Elena, tulala at tila nanggagalaiti sa galit. At sa tindi ng galit nito ay nakita agad ni Pepe ang espiritual na enerhiya ni Elena na tila nagwawala. Para itong isang pugita na may matinding galit at bawat tamaan ng mga galamay nito ay nasisira.
Tumawa ng malakas si Rufus, "Zweihander," sabi niya at mula sa lupa ay nabuo ang isang malaki at itim na espada. Hinawakan ni Rufus ang espada at binunot ito sa pagkakabaon.
"Delikado dito. Lumayo kayo," sabi ni Lola Armina.
"Maiiwan ako," sabi ni Pepe sabay harap kay Elena at Rufus subalit hinawakan ni Lola Armina ang kanyang kamay, "Pepe, this is now yours," sabi ni Lola Armina habang hinihila sa kanyang daliri ang isang singsing. "This is the Hunter's Crest," sabi ng matanda habang pinapakita ang singsing na may simbulo ng Cresent Moon at kutsilyo sa ibabaw ng kanyang palad. Naalala ni Pepe ang larawan na nakita niya dati sa loob ng Dojo, "Lola mahalaga po ito sa inyo. Hindi ko po--"
Hinawakan ng matanda ang kamay ni Pepe at inilagay ang singsing sa palad ng binata, "Isuot mo, para sa akin, para kay Elena at para kay Amang," putol ni Lola Armina kay Pepe. Tinignan ni Pepe ang mga mata ni Lola Armina. Tumango ang matanda sa kanya at sunod ay tinignan niya ng mabuti ang singsing. Huminga siya ng malalim at sinuot ito.
"You are now a HUNTER," sabi ni Lola Armina.
***********************************************************************************************
Happy new year everyone! Sana ay magustuhan ninyo ang chapter na ito.
Please vote and comment.
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...