Chapter 99 - Possession

832 41 3
                                    

Sa gitna ng kadiliman, sa himpapawid, kumilos ang nabuong espiritu at umabante ito patungo sa malaking pintuan.

Sa hindi kalayuan mula sa pinto ay isang ipo-ipo na nababalot ng apoy ang nanalanta sa kapaligiran at bawat segundo ay lumalapit ito sa pintuan. Sa loob nito ay naglalakad sina Karl, Pia, Hinaryo at ang hayop na kung saan nakalupaypay ang walang malay na si Pepe.

"Kaya pala ninyo gumawa ng ganito. Edi sana kanina nyo pa ito ginawa," sabi ni Karl. Nagsalubong ang kilay ni Pia dahil sa sinabi ni Karl. Napangiti naman si Hinaryo at sinenyasan si Pia na wag nang magalit. "Karl, ang mga ginagamit namin sa laban ay hindi katulad ng bala ng baril na pwede mong palitan paulit-ulit. Ang kapalit nito ay ang aming espiritwal na enerhiya na kung maubos ay aming ikamamatay. Kaya pinag-aaralan muna namin ang aming mga kalaban bago gumamit ng malalakas na spell gaya nito.

"Bakit?" sabi ni Karl, "Hindi ba ganoon din yun?"

"No," sagot ni Pia. "What if, my counter ang kalaban? Like now; gumamit kami ng wind at fire. If may malakas na water spell ang kalaban; it will turn it into vapor weakening my fire tapos Hinaryo's wind will freeze it trapping us here. That spiritual energy wasted tapos lalo pa tayong nalagay sa peligro," paliwang niya.

"Ahhh. Oo nga!" sabi ni Karl sabay suntok sa kanyang palad. "Napansin namin na Fire din ang elemento na ginagamit ni Luci. Now, he can't do anything," sabi ni Pia. "Tandaan mo yan Karl. Ang bawat lakas ay may kapalit. Tulad ng lakas mo ngayon, it has a price," sabi ni Hinaryo. Napaisip si Karl at napatingin kay Hinaryo, "Oo nga. Hindi ko alam kung saan nanggagaling," sabi niya sabay tingin ulit sa harap, "Saan kaya?" sabi niya.

Nagkatinginan si Pia at si Hinaryo, "sa puso mo," sabi ni Hinaryo. Tumawa ng malakas si Karl. "Grabe kayo! Sa puso ko! Bwahahaha! Nice joke yan!" sabi niya. Nagkatinginan muli is Pia at Hinaryo, "Hindi joke yun Karl. It really is from your heart. The heart has always been the source of demonic powers. Kaya you have to be careful, because the human heart is the easiest to corrupt," paliwanag ni Pia.

Natulala si Karl sa narinig at natahimik. Nanahimik din naman si Hinaryo at Pia upang hayaan magisip si Karl at ang maririnig mo lamang ay ang paglapat ng kanilang mga paa sa lupa na kanilang nilalakaran.

"Malapit na tayo," sabi ni Hinaryo. "Aabangan nila tayo sa pintuan kaya humanda kayo," utos niya. "Oo," sagot ni Karl sabay pwesto sa unahan. Bago pumuwesto sa kaliwa ay bumulong muna si Pia sa tenga ni Pepe, "Malapit na tayong makauwi," at pagkatapos ay humakbang na siya patalikod sa may kaliwa. Si Hinaryo naman sa kanan, "Babantayan ko na din ang likod nyo," sabi niya.

Lumawak ang loob ng ipo-ipo. Gumapang papalayo ang apoy nito sa labas at nagpatuloy ito ng ilang metro bago sumabog. Ilang sigaw ang maririnig, sigaw ng mga demonyo na nasunog.

Bumati muli si Luci kina Hinaryo. Sa likod niya ay ang malaking pintuan na nababalot ngayon ng itim usok. Sa paligid ay makikita ang nasa isang daan na demonyo, nag aabang.

"Ito nanaman tayo," sabi ni Luci. "Padaanin mo na kami," sabi ni Hinaryo. "Ano naman ang makukuha ko kung padadaanin ko kayo?" sagot ni Luci. Lumakad siya papaharap at patuloy na nagsalita, "Sa kabila ng pinto na ito ay may matinding labanan na nangyayari! Hindi ko gusto na makielam kayo sa kanila," sabi niya.

"Laban? Si Ma'am Elena? Si Linara" sagot ni Karl. Napatawa si Luci, "Hindi ko sasabihin!" sabi niya. "Walang hiya to," sabi ni Karl. "Ano ang pwede kong ibigay?" sabi ni Hinaryo. "No! Don't talk to him!" sabi ni Pia subalit sinenyasan lamang siya ni Hinaryo na siya ang bahala sa mangyayari.

"Sige. Magusap tayo," sabi ni Luci sabay tawa ng malakas, "Siya!" Tinuro niya si Karl, "Gusto ko ang puso nya!" sigaw ni Luci. Biglang kinabahan ang binata, "Ako? Anong meron sa puso ko?" bulong niya. "At ikaw," tinuro naman ni Luci si Hinaryo, "Gusto ko din ang puso mo," sabi niya.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon