Chapter 24 - Madaling Kausap

2.6K 132 7
                                    


"Ano pong ibig nyong sabihin sa sinabi nyong mawawala na siya mundong ito?" tanong ni Pepe habang sinusuri ang estatwang kahoy na animo'y kinain ng puno. Napansin muli niya ang mga upuan at tinuro iyon kay Pia. Naglalakad ang dalaga papalapit sa upuan at lamesa na katabi ng estatwa, "Mamatay siya? But immortal din ang mga kapre diba?" Tanong naman niya. Kasya sa upuan ang dalawang tao kaya't tinapik ni Pia ng kanyang isang kamay ang natitirang espasyo bilang sensyales kay Pepe na doon umupo.

"Tama ka Pia, imortal din ang mga kapre kagaya ko. Pero hindi na siya isang kapre lamang. He's something more," sabi ng diwata.

"Paano'ng more?" tanong ni Pepe matapos dumukit ang kanyang katawan sa tagiliran ng katabi.

"Mayroon siyang sugal na ginawa isangdaang taon na ang nakalilipas at napapakinabangan na niya ito ngayon. Duwende, Diwata, Tikbalang at Kapre, lahat kami ay mga espiritual na nilalang at ang lakas na maaring makuha namin ay may hangganan. Subalit natuklasan ni Barlan ang isang paraan para malampasan niya ang hangganan ng kanyang lakas."

Umihip ang isang malumanay na hangin. Hinila nito ang buhok ni Pia pati na rin ang mga dahon ng malaking puno at mga halaman sa paligid. "How?" tanong ni Pia habang hinihimas ang kanyang mga braso at siko dahil sa lamig. "Isinumpa niya ang kanyang katawan sa isang mortal nilalang." sabi ng diwata. Tumaas ang mga kilay ng dalawa sa narinig, "Ano po ang ibig sabihin noon? Mortal na siya?" tanong ni Pia. "At paano siya lalakas dahil sa mortal na katawan? Hindi ba mas mahina ang espiritual na kakayanan ng mga mortal?" dagdag ni Pepe.

"Dahil sa Dignum." sagot ng diwata. 

Napanganga si Pepe sa narinig, "Dignum pala ang dahilan kaya kulay itim ang katawan ni Barlan?" sabi niya. "Tama ka. Dahil sa Dignum sa kanyang katawan ay nakakakuha siya ng espiritual na lakas sa kahit anong bagay o nilalang. Ang kayang mong gawin ay maari din niyang gawin ng higit pa." sabi ng diwata. "Pero paano niya ito nagawa? Paano nya nalagyan ng Dignum ang buong katawan niya?" sabi ni Pepe na punong puno ng pagtataka.

"Dahil sa Patik" sagot ng diwata. "Oh, alam ko yan! Tattoo!" sabi ni Pia. "Tattoo, oo nga pwede nga iyon. Halos ganun din ang ginawa sa sandata ko." Isip ni Pepe. "Hindi lang sa espiritual na kapangyarihan uhaw si Barlan. Lahat din ay gagawin niya para makakuha pa siya ng mga dignum kaya ingatan mo ang kwintas mo dahil kukuhanin ni Barlan iyan." Napahawak si Pepe sa kanyang kwintas dahil sa sinabi ng diwata.

Napansin ito ni Pia, "May necklace ka? Patingin!" sabi ng dalaga. Inilabas ni Pepe ang kanyang kwintas at pinakita ito. "Oh! Dignum nga kaparehas nga ng material ng ring ko!" sabi ni Pia na punong puno ng excitement. "Paano ka nagkaroon nito?" tanong ni Pia habang tinitignan sa kanyang palad ang kwintas. "Binigay ito sakin ng isang matandang babae," sagot ni Pepe habang tinitignan ang dalaga. "Parehas tayo ah, Lola mo?" sabi ni Pia habang idinidikit ang kanyang singsing sa kwintas ni Pepe. "hmm, parang ganun na nga," sagot ni Pepe.

Isang malakas na tawa ang humagulgol mula sa bahay. Sabay na napalingon si Pia at Pepe nang marinig ito.

"IKAW NA ANG SUSUNOD PEPE! HINDI KA HABANG BUHAY NA LIGTAS SA HARDIN NA IYAN!"

"Si Barlan!" sabi ni Pepe. "Tapos na niyang makuha ang espiritual na lakas ng inyong kaibigan." sabi ng diwata. "Poor Rhea! Hinahawakan ko siya kanina para maging calm siya. Nawawala kasi yung mga nararamdaman niyang masasamang element pag hawak ko siya." sabi ni Pia.

"Kaya pala lagi mo siyang sinasamahan mula pagdating natin dito. Ang galing mo Pia. Pero kasalanan ko ito, hindi ko siya nailigtas kanina. At mas lumakas pa si Barlan!" sabi ni Pepe sabay tapik sa lamesa. "Wag kayong mag alala. Mas makakabuti sa kaibigan nyo na mawala ang kanyang espiritual na lakas dahil lubha siyang matatakutin. Iyon and dahilan kaya ikaw ang kinausap ko Pepe." sabi ng diwata.

"Ahh, oo nga. Baka nagpanic siya pag narinig ka niya." sagot ni Pepe. "Good thinking para kay Rhea. Pero mas malakas na si Barlan ngayon. Mas mahirap na siya madefeat" sabi ni Pia habang nakatingin kay Pepe. "Ang lahat ng nilalang ay may kahinaan. Kahit gaano pa ito kalakas. Tandaan mo iyan Pepe." sabi ng diwata.

"Opo, kahinaan. Ang lahat ng nilalang ay may kahinaan," bulong ni Pepe sa sarili at pagpakatapos ay tumayo mula sa kinauupuan. Lumabas siya ng lamesa papunta sa harap ng estatwa. "Handa ka na ba?" tanong ng diwata.

"Handa na," sabi ni Pepe. Inayos niya ang kanyang sarili at tinawag ang kanyang sibat. Inilapit niya ang butil na ibinigay ng Diwata at bumulong dito, "Dumikit ka sa aking sandata," nilagay niya ang butil sa dulo ng talim ng kanyang sibat at dumukit ito doon.

"Tara na!" sabi ni Pia na tumayo din at lumabas sa lamesa.

Napalingon si Pepe kay Pia at hindi makapagsalita. Salubong ang kanyang kilay nang tumama sa mata ng dalaga. Tumaas naman ang kanang kilay ni Pia sa napansin kay Pepe, "Sasama ako!" sabi niya. "Delikado Pia. Kaya ko na ito." sabi ni Pepe habang nagkakamot ng ulo. "Oh really?" sabi ni Pia sabay lagay ng dalawang kamay sa kanyang baywang, "Anong plano mo? Paano mo iyan ilalagay sa loob ng katawan niya?"

"Basta may plano ako." sagot ni Pepe. "No! Sasama ako!" sabi ni Pia sabay hawak sa kaliwang kamay ni Pepe. Tumindig ang balahibo ni Pepe sa nangyari at nanlambot ang kanyang puso. "O sige na nga. Madali naman ako kausap eh!" sagot ng binata.

"Good!" sabi ni Pia sabay hila kay Pepe subalit natigilian ito sa paglalakad. Nakita niya ang mga madreng nakatayo at naghihintay sa kanila sa labas ng gate, "Wait! Paano tayo aalis dito?"

"Tsk! Oo nga mahirap ito. Pagbukas ng gate alam nilang lalabas tayo. Baka may patibong na naghihintay sa atin."sagot ni Pepe. "Wag kayong mag alala. Mayroong sekretong daan dito" sabi ng Diwata. Isang ugat mula sa puno ang gumalaw at tinulak ang isang lamesa. Sa ilalim nito ay isang hagdan na gawa sa malalaking bato ang makikita.

"Woah! Isang secret na lagusan!" sabi ni Pia. "Saan naman ang dulo ng lagusan na ito?" tanong ni Pepe. "Sa basement ng Chapel" sabi ng diwata. Sumilip si Pepe sa lagusan, "Ang dilim ah," sabi niya. Nawala ang sibat ni Pepe sa kanyang kanang kamay at Inilapit ito sa kanyang bibig at bumulong, "maliit na liwanag" isang munting liwanag ang sumibol sa kanyang kamay at nag bigay ng ilaw.

Nagtinginan ang dalawa ang tumango sa isa't isa. "Tara na!" sabi ni Pia. "Sige," sagot naman ni Pepe.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon