"Sa akin itong mga nasa harap!" sabi ni Karl habang nasa ere silang tatlo. "I'll take these on the left!" sagot ni Pia. "Okay, sakin ang nasa kanan pati ang mga pupunta likod nyo," sabi ni Pepe. "Good!" sabi ni Pia.
Naunang bumagsak sa lupa si Karl. Umangat ang mga bato, lupa at alikabaok sa kanyang pagbagsak. Ilan din sa mga umangat ay ang mga sundalong aswang na napuruhan niya. "Sabog kayo sakin ngayon!" sabi ni Karl. Binunot niya ang kanyang sandata sa gitna ng malaking hukay na nagawa niya sa lupa at biglang napatingin sa kanan kung saan nakatutok sa kanya ang mga baril ng isang grupo ng aswang. Niratrat siya ng mga ito subalit nakatalon agad siya at bumagsak muli sa mga kalaban.
Nag-init naman ang paligid sa kaliwa ni Karl. Daan-daang ahas na nag-aapoy ang nagsimulang magtalunan pasugod sa kalaban. Walang maka atake kay Pia dahil lahat ng aatake sa kanya at agad na inunuhan ng mga ahas. Inilabas niya ang kanyang libro ang pumunit ng pahina. Umilaw ang pahinang ito at agad na inihagis niya paitaas, "Fire Bird!" sigaw niya at pagkatapos ay siya naman ang tumalon. Pagdating niya sa taas ay isang malaking apoy na ibon ang sumalo sa kanya at naglaglag sila ng sumasabog na apoy sa mga kalaban.
Sa likod ni Pia at Karl ay sunod sunod na natutumba ang mga aswang sa isang hindi mahuli-huling kalaban. Nagkumpulan ang mga aswang sa isang tabi dahil hindi sila makalampas kay Pepe. Gamit ang kanyang sibat ay tumatalsik pabalik ang mga sumusugod kay Pepe at mga nais sumugod kay Pia at Karl. Sinunod-sunod na ng mga aswang ang atake at baril kay Pepe subalit sadyang madulas ang mga kilos niya. Naiilagan niya ang lahat ng mga ito. Para siyang ulan na hindi mahuli, hindi mahawakan, untouchable!
Sumugod uli si Karl sa isa pang grupo ng aswang subalit binaril siya ng isang pang grupo kaya't natigilan siya. Mabuti na lamang at dumating si Pia at pinasabog ang mga ito kaya't nagpatuloy ulit ang pagsugod ni Karl.
Tumalikod na si Pia kay Karl sakay pa rin kanyang Fire Bird. Nilampasan niya ang ilang nasusunog na aswang at paglampas ni Pia ay agad na gumulong ang mga ito sa lupa. Dahil sa kanilang paggulong sa lupa ay naalis ang mga nagaapoy na ahas na pumupulot sa kanila. Pagtayo nila ay nagbago na ang kanilang mga histura. Naging mukang hayop sila; ang isa ay naging mukhang palaka, ang isa naman ay isang kangaroo at ang isa ay nagkaroon ng tuka at naging mukhang ibon. Hinabol ng tatlo si Pia at biglang tumalon ang mukhang palaka at kangaroo. Mataas ang talon ng dalawa, mas mataas kaysa sa lipad ng Firebird ni Pia. Hinawakan ng dalawa ang kanilang mga kutsilyo at hinanda ito para gamitin. Subalit isang sibat ang tumusok sa kanilang dalawa. Napalingon si Pia sa likod niya at nakita ang dalawang aswang na parang barbecue na tinuhog. Nalaglag ang dalawa at agad na sinugod ng mga nagaapoy na ahas. Pag harap ni Pia ay tumalon siya pababa mula sa Firebird at tinulungan si Pepe makipaglaban. "Ambagal mo naman," sabi ni Pia kay Pepe. Tinignan ni Pepe ang pinagalingan ni Pia at nakita na wala nang nakatayong aswang dito. Para na itong impiyerno dahil sa nagkalat na apoy.
"Hindi naman laging nadadaan yan sa pabilisan," sabi ni Pepe sabay ngiti habang umaatake. Lumakas ang pagliyab ng apoy sa balikat ni Pia. Umabot ito sa kanyang buhok at gumapang paitaas "Sige ka, baka mainip ako!" sagot ni Pia. Gumalaw ang kanyang buhok, tumayo at naging matigas at matulis. Para itong galamay ng mga octopus at ginapangan pa ng apoy.
Habang lumalaban si Pepe at Pia sa tila hindi maubos ubos na mga kalaban ay isang aswang na may pakpak ang bumulusok pababa. May hawak itong malaking sibat na itutusok kina Pepe. Napalingon si Pepe at Pia sa taas nang biglang isa pang may pakpak na nilalang ang sumaksak dito.
"Cool!" sabi ni Pepe.
Binunot ni Karl ang kanyang Dragon Claw sa kalaban at nilaglag ang kalaban sa mga kakampi nito. "Traydor!" sigaw ng isang aswang. Pinagaspas ni Karl ang kanyang malaking pakpak at humampas ang hangin sa mga kalaban, "Dark Wing!" sabi ni Karl.
"Pwede, pero mukhang mas bagay ang "Demon Wing!" dahil mukhang pakpak na paniki yan," sabi ni Pepe. Nawala ang pakpak ni Karl at bumagsak siya sa tabi ni Pepe. Agad na pinalibutan silang tatlo ng mga kalaban na bahagyang nang nagbago ang mga hitsura.
"Hindi mo pa sinasabi kung paano mo natutunan yang cool mong Dragon Claw at Demon Wings", sabi ni Pepe. "Yes, you're so cool Karl!" sabi ni Pia.
"May oras pa kayong mag-isip ng mga ganyan?" sabi ni Karl. "Oo naman! Lagi ka dapat nag-iisip Karl," sabi ni Pepe. "Pero mukhang mahirap yata sa iyo yun!" dagdag niya sabay tawa ng malakas na nagpatawa din sa dalawang kasama niya.
Those kids are feeling good," sabi ni Hinaryo nang marinig ang tawa nina Pepe. Humakbang siya ng paatras ng ilang beses para umilag sa walang kulay (transparent) na kamay ng mga nilalang na nakaitim, "And you, you are immune to all kinds of attacks; mine in particular," sabi ni Hinaryo habang nakatingin sa kanyang kalaban. Sa bawat galaw ni Hinaryo ay naiiwan at sumusunod sa kanya ang kanyang buhok. Nahawakan ito ng kanyang kalaban at naglaho na parang bula ang parte na nadikitan. "Okay, I don't have a choice then," sabi niya.
Patuloy ang laban nina Pepe, Pia at Karl.
"Si Annie, Sa kanya ko ito nakita," sabi ni Karl. Nanlaki ang mga mata ni Pepe, "Si Annie? Yung babae kanina? Yung Lieutenant ni Rufus?" sabi niya habang sinusupil ang mga kalaban sa kanyang harap.
"Oo. malakas siya. Nga pala, Andyan si John," sabi ni Karl. "Oh? Anong ginagawa niya dito?" sabi ni Pepe. "Ilang oras na daw kasi na hindi niya tayo makontak," sabi ni Karl. "Eh nasaan siya ngayon?" sabi naman ni Pepe.
"Diyan lang sa tabi-tabi," sabi ni Karl. Nagsipagtumbahan ang mga kalaban sa harap nina Pepe at Karl at nagsipag atrasan ang mga iba. "Okay pero gaano kalakas si Annie?" sabi ni Pepe. Napalingon siya kay Pia habang nakikipalaban ang dalaga at tinulungan ito.
Tinignan ni Karl ang kanyang Dragon Claw, "Muntik na akong mamatay" sabi niya. Naging seryoso ang mukha ni Pepe, "Buti at hindi ka niya tinuluyan?" sabi niya. "Mabuti naman," sabi ni Karl. "Baka naman type ka niya," sabi ni Pepe. Napangiti si Karl at napakamot ng ulo, "Hindi naman siguro," sabi niya.
Nang masunog ang huling aswang na malapit kay Pia ay humarap na si Pia sa dalawa. Bumagsak ang nag-aapoy niyang buhok at naglakad ito papalapit.
"Ang hot naman!" sabi ni Karl.
"I know right?" sagot ni Pia sabay daan sa gitna ng dalawang binata. Dumiretso si Pia ng paglalakad papalapit sa mga aswang na ngayon ay naging defensive. Sumunod naman ng lakad si Karl at si Pepe na ubod ng angas ang dating.
Tumawa ng malakas si Rufus, "These kids are getting interesting. I can't wait for my turn to play with them! I wonder how long they will last," sabi niya habang pinapaulanan si Elena ng matalim na hangin mula sa kanyang malaking espada. "You won't have a chance!" sabi ni Elena habang umiilag sa mga atake. "Oh really? Why is that?" sabi ni Rufus.
"Because, I'll end you now!"
Sunod sunod na binaril ni Elena si Rufus gamit ang kanyang dalawang pistol, si Rose at Dahlia. Hindi umilag Rufus, sinalo lamang niya ang mga ito habang nagpapakawala din ng hangin. Bumaon sa Hardening ni Rufus ang mga bala ni Elena subalit hindi ito tumagos.
"Ohh, actual Dignum bullets?" sabi ni Rufus.
"Yes, usually my bullets are just spiritual energy exposed to Dignum. But you're special. So I'm using a special bullet," sabi ni Elena.
Tumawa ulit ng malakas si Rufus, "But these bullets still won't work!" Lumabas mula sa Hardening ni Rufus ang mga bala at nadurog ito sa lupa.
"You have no chance!" sabi ni Rufus.
Itutuloy...
**********************************************************************************************************************************************************************************************
Post ko yung next chapter very soon! Stay tuned!
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...