Pumasok ang ulirat sa isipan ni Pepe. Nakaramdam siya ng init sa kanyang likod at tinulak pa niya ang kanyang katawan dito para maramdaman pa ang init at malabanan ang lamig na umiikot sa kanyang katawan. Diniin niya ang talukap ng kanyang mga mata subalit ayaw na bumalik ng antok kaya't minulat na niya ang kanyang mata.
"Pader? Kweba?" isip niya habang nasilip sa munting ilaw galing sa labas ang kaharap. Hinintay niya masanay ang kanyang mata sa dilim at muling tinignan ng maigi ang pader. "Ano itong mainit at matigas na ito?" isip ni Pepe. Napansin niya ang braso ng katabi na nakapatong sa kanyang dibdib at bigla siyang napabigwas ng makilala ang katabi at makita na wala itong saplot maliban sa ilang punit na tela na tinali sa baywang.
"Ano ba Karl?" sabi niya matapos tumayo. "Anong ano ba? Ang ingay mo!" sabi ni Karl habang nakapikit ang mga mata. "Bato lang pala at bakit naman nasira ang dami nito?" isip ni Pepe nang makita ang mabilog na bato na yakap ni Karl at ang maliit na tela nitong suot. Pumihit siya at tinignan ang maliit na kweba na sinisulungan nila at humarap sa bunganga nito.
Hawak ang kanyang noo, "Paano ko kaya pagagalawin ang spiritual na enerhiya ko?" sabi niya. Tinignan niya ang kanyang katawan at nakita ang spiritual na enerhiya na nakapalibot dito. "Hindi ba move na din itong ginagawa ko sa mata ko?" sabi niya habang tinigtignan ang kanyang mga kamay. "Ay hindi, ginamit ko lang ang epiritual na enerhiya ko na nakabalot na talaga sa mga mata ko."
Tinikom niya ang kanyang mga kamay at pinatigas ang espiritual enerhiya na nakabalot dito. Humarap siya sa pader, hinila ang kanyang braso at tinulak ito paharap.
"Ano ba?" sigaw ni Karl matapos sumabog ang pader dahil sa suntok ni Pepe.
"Bumangon ka na! Hindi tayo nandito para matulog!" sabi ni Pepe habang tinitignan ang naukab na bato. "Wag kang mayabang diyan! Pasalamat ka at naligtas kita kanina at kung alam mo lang mga nangyari mas gugustuhin mong tulog ako!" sabi ni Karl.
"Ano bang nangyari?" sabi ni Pepe. Naglakad siya sa bukana ng kweba at bumungad sa harap niya ang mga wasak na puno na para bang sinira ang mga ito ng isang malakas na nilalang.
"IKAW ANG GUMAWA NITO?" sabi ni Pepe.
"Sabi ng wag maingay eh!" sabi ni Karl sabay siksik ng kanyang ulo sa kanyang mga braso at sa bato na hawak niya. Nanahimik ang paligid ng ilang segundo at habang nakatunganga si Pepe sa labas ng kweba ay umihip ang malamig na hangin papasok.
Nanginig ang katawan ni Karl, "Ayan na! Ikaw kasi eh!" sabi niya. Biglang tumayo ang binata hawak ang kanang braso na nagpupumiglas sa kanyang katawan. "Nagttransform ka?" sabi ni Pepe habang tinitignan ang braso ng kaibigan na tumitibok at parang may sariling buhay.
Nagsimulang tumubo ang puting balahibo sa braso ni Karl at unti-unti itong gumagapang sa kanyang katawan. "Simula kanina ay automatic na nagbabago ang katawan ko pag nakaramdam ako ng matinding lamig. Ang masama doon ay sandali ko lang kaya kontrolin ang sarili ko," sabi ni Karl.
"Ahhh, hoy teka lang! Saan ka pupunta?" sabi ni Pepe nang lumampas ang kaibigan sa kanya. "Diba nga sandali ko lang nakokontrol ang sarili ko? Eh di lalayo!" sabi ni Karl sabay takbo sa labas.
Humabol si Pepe subalit kinagat agad ng lamig ang kanyang buong katawan at nagsimula ulit manginig ang kanyang binti at braso. Humarap siya pabalik sa kweba at tumakbo pabalik.
Dumadagondong na parang malakas na tambol ang tibok na puso niya at pagtigil niya sa loob ng kweba ay tumatambol pa din ito. "Ang puso ko," isip ni Pepe. Pumasok sa isipan niya ang larawan ng dumadaloy na dugo sa loob ng kanyang mga litid at sa kanyang buong katawan.
Meron siyang naalala, "Tama! Ang dugo ay tumatakbo paikot sa katawan at ang nagpapapadaloy noon ay ang puso. Sabi ni Pia ay isip lamang ang ginagamit niya para makontrol ang kanyang espiritwal na enerhiya. Ibig sabihin, kung ang dugo ay may puso, ang espiritwal na enerhiya naman ay may utak!"
BINABASA MO ANG
Aswang Hunter | New Blood
Fantasy"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na na...